6 signs na mayroong emotional affair ang iyong mister

lead image

Siguro ay iisipin ng ibang tao na inosente lang ang pagkakaroon ng emotional affair, pero sa katotohanan ay nakakasira ito ng mga relasyon.

Para sa maraming mga misis, nakakakaba ang malaman na mayroong affair ang kanilang mister. Kung tutuusin, ito na siguro ang pinakakinakatakot ng mga misis pagdating sa kanilang buhay may-asawa. Ngunit alam niyo ba na mayroon ring tinatawag na emotional affair?

Bagama't walang pisikal na nagaganap dito, malaking problema pa rin ang emotional affair, at nakakasira ito ng pagsasama. Ating alamin kung anu-ano ang mga signs na may emotional affair si mister.

Signs na may emotional affair si mister

1. Mayroon kang "gut feel" na may maling nangyayari

Importante ang pagtitiwala sa iyong "gut feel" o hinala. Kung sa tingin mo ay tila nagiging distant si mister, o kaya ay parang madalas siyang may tinatago, mahalagang pag-usapan ninyo ang nangyayari sa inyong dalawa.

Tandaan, iba ang pagkakaroon ng gut feel sa pagiging paranoid. Importante rin ang common sense, at iwasan ang pagiging padalos-dalos sa iyong mga ginagawa.

2. Masyadong patago ang iyong mister

Kapag biglang naging patago si mister, tipong umiiwas siya sa iyo kapag may kausap ka sa telepono, o kaya ay patago na nagtetext, baka mayroon na siyang affair na emotional.

Isa ring sign ang pagiging madalas na nasa computer, at may kausap na hindi niya sinasabi kung sino. Mahalaga ang privacy sa relasyon, pero kahina-hinala na kung sobrang private na ang iyong mister, o kaya ay nagbago bigla ang kaniyang pag-uugali.

3. Nagkakaroon kayo ng emotional distance

Kung napapansin mong napapalayo sa iyo si mister, ay isa rin itong sign ng pagkakaroon ng emotional na affair. Madalas ay mga misis ang pinakapangunahing pinupuntahan ng mga mister kapag mayroon silang sama ng loob o problema.

Pero kung napapadalas na hindi na nagkkwento sa'yo si mister, o kaya ay sa ibang tao na siya dumudulog ng mga saloobin, baka nga totoong mayroon siyang affair.

4. Mas napapadalas sa trabaho si mister

Maraming pagkakataon kung saan nagsisimula ang mga emotional affair sa opisina. Siyempre, madalas niyang nakakasama ang mga katrabaho, kaya't hindi na nakapagtataka na magiging malapit sila.

Pero kung biglang napapadalas ang mga "night out" ni mister kasama ang officemates, baka mayroon nang nangyayaring hindi maganda. Mahalagang kausapin mo si mister tungkol dito at ipaalam sa kaniya na nagbago na bigla ang kaniyang pag-uugali.

5. Biglang nagbago ang hitsura ni mister

Napapansin mo ba na biglang nagpapa-pogi si mister? Kapag may lakad ba siya ay nagpapabango siya, ngunit kapag kayo ang may lakad ay wala siyang pakialam? Baka isa na itong sign na mayroon siyang emotional na affair.

Nakakabahala ang sign na ito dahil maraming pagkakataon na nag-eescalate ang emotional affair sa isang sexual na affair. Kaya hindi mo dapat balewalain ang sign na ito.

6. Napapadalas ang paghuhusga niya sa iyo

Normal na sa mga mag-asawa ang pagiging kritikal sa isa't-isa paminsan minsan. Siyempre, wala namang tao na perfect, kaya't minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at may nasasambit na mga masasakit na salita.

Pero kung napapansin mo na madalas ay kinukumpara ka ni mister sa ibang babae, o kaibigan, o kaya ay masyado siyang nagiging kritikal o mapanghusga sa iyong mga gawain, baka mayroon na siyang emotional na affair.

Kung sa tingin mo ay may affair si mister, mahalagang maging kalmado at kausapin siya ng maayos tungkol dito. Walang maitutulong ang pagiging marahas o kaya ang pakikipag-away o pagsigaw sa iyong mister.

Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan, at importante na iparamdam mo sa mister na ikaw ay nahihirapan at nasasaktan sa kaniyang ginagawa.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Is having a “work spouse” the same thing as having an affair?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!