Ito ang nagiging epekto ng pambu-bully sa utak ng iyong anak

lead image

Ang epekto ng bullying sa utak ng mga bata ay hinding-hindi dapat ipagwalangbahala dahil posible itong magdulot ng mental health problems.

Ayon sa isang bagong pag-aaral, posible raw maging mas malala ang epekto ng bullying sa utak ng mga bata kaysa sa dating inaakala. 

Ito ay dahil natagpuan ng mga researcher na ang paulit ulit na pambu-bully ay nakakaliit raw ng utak. Dahil sa pagliit ng utak na ito, posibleng mas maging prone sa pagkakaroon ng depression at anxiety ang mga biktima ng bullying.

Hindi dapat balewalain ang epekto ng bullying sa utak

Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga researchers mula sa King's College London. Layunin daw nilang alamin kung ano ang epekto ng bullying sa utak at development ng mga kabataan.

Isinagawa ang pag-aaral sa 682 na kabataan na may edad 14-19, at pinasagot sila ng isang questionnaire tungkol sa mental health, at binigyan ng brain scan. Mahigit 30 sa kanila raw ay umaming naging biktima ng bullying noong mas bata sila.

Base sa brain scans na ito, napansin nilang mas maliit ang ilang bahagi ng utak ng mga kabataang naging biktima ng bullying. Ang mga bahagi raw ng utak na ito ay konektado sa pag-aaral, at sa pag-uugali.

Bukod dito, nalaman din ng mga researchers na mayroong depression at anxiety ang mga kabataang nakaranas ng bullying. Posible raw na ang kanilang naranasang bullying noon ay nakaapekto sa kanilang development. 

Malaking problema ang bullying, lalong-lalo na sa mga kabataan. Mayroon na ngang ilang mga kaso kung saan nagtangkang nagpakamatay ang isang batang naging biktima ng bullying.

Ano ang magagawa ng mga magulang tungkol sa bullying?

Malaking problema ang bullying. Kamakailan lamang ay kumalat ang ilang mga insidente kasama ang isang mag-aaral ng Ateneo, na isa raw notorious na bully sa kaniyang mga kamag-aral.

Bukod sa kaligtasan ng kanilang mga anak, mahalaga rin na alam ng mga magulang kung ano ang gagawin kapag nabiktima ng bullying ang kanilang anak. Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang:

  • Kausapin ang iyong anak. Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon upang hindi matakot o mahiya ang iyong anak na magsabi kung biktima sila ng bullying.
  • Turuan silang maging matapang at huwag matakot sa kanilang bully.
  • Ipaalam sa iyong anak na palagi kang nariyan na handa silang tulungan at suportahan kung mayroong mang-bully sa kanila.
  • Kausapin ang kanilang teacher at sabihin na biktima ng bullying ang iyong anak.
  • Turuan mo ang iyong anak na wag mahiyang humingi ng tulong kung sila ay binu-bully ng kanilang kaklase.

 

Source: New Atlas

Basahin: Murder of 9 students bares long-term dangerous effects of bullying

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!