STUDY: COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis
Nakita sa isang pag-aaral na may partikular na epekto ng COVID-19 sa placenta ng isang buntis na ina. Maaari bang maapektuhan si baby dito?
Base sa isang pag-aaral, napag-alaman na may partikular na epekto ang COVID-19 sa placenta ng isang buntis na ina. Ang tanong, maaari bang maapektuhan si baby dito?
COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis, ayon sa pag-aaral
Nakita na may epekto sa kanilang placenta ang mga buntis na nagpositibo sa COVID-19. Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa at inilimbag sa American Journal of Clinical Pathology.
Ayon sa co-author ng nasabing pag-aaral na si Dr. Emily Miller, isang medicine obstetrician, hindi nila gustong manakot pero ang nadiskubre ng pag-aaral na ito ay nakakatakot at nakakabahala.
Ang pag-aaral na ito ay kinakabilangan lamang ng 16 na babae na positibo sa COVID-19. At dito napag-alaman na hindi nakakapagbigay ng sapat na dugo ang nanay sa kanilang anak. At nakita rin ang mga blood clots sa placenta. Dahil dito, bigong makapagdala ng sapat na nutrients at oxygen ang dugo ng nanay sa kanyang baby. Mahalaga ang placenta sa role ng baby dahil ito ang nagsisilbing kidney, bituka, lungs at atay ng isang fetus. Ito ang partikular na epekto ng COVID-19 sa placenta ng isang buntis.
Ayon kay Miller, assistant professor ng obstetrics & gynecology sa Northwestern University Feinberg School of Medicine, ang preliminary study na ito ay nagpapakita na may nakakabahalang epekto ang COVID-19 sa placenta ng isang buntis.
“I don’t want to draw sweeping conclusions from a small study. But this preliminary glimpse into how COVID-19 might cause changes in the placenta carries some pretty significant implications for the health of a pregnancy,”
Dagdag pa nito na maaaring gumawa pa sila ng bagong paraan kung paaano matututukan ang mga buntis na nanay. Ito ay sa paraan na babantayan ang paglaki ni baby via ultrasound at gumawa ng panibagong test oxygen delivery sa placenta.
Nagulat naman si Doc. Jamieson dito dahil ayon sa kanya, madaming risk ang screening at testing na ito.
“I don’t think we should jump the gun. This study raises more questions than it answers. Looking at the placenta will help us understand what’s going on in pregnancy. But I think we need to be careful about jumping to what that means clinically in terms of care of pregnant women with Covid-19.”
Epekto ng COVID-19 sa placenta ng buntis
Ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng COVID-19 sa placenta ng buntis ay nagsisimula pa lamang.
Wala pang nakikitang malalang kaso sa pagbubuntis ng ina na positibo sa nasabing virus. Mayroon pa ring mga newborn child na ipinanganak ng healthy at full-term.
Ngunit sa kabila nito, napansin nila na ang placenta ng nanay ay maliit at hindi pa rin naging sapat ang daloy ng dugo patungo sa bata.
Ganito rin ang sinabi ni Dr. Jeffrey Goldstein, senior author ng pag-aaral. Ayon sa kanya na wala silang nakitang negatibong epekto ng pag-aaral sa mga newborn infant.
Sa pag-aaral na ito, 14 na bagong silang na sanggol ang ipinanganak ng healthy at walang problema sa katawan. Samantalang ang isa ay ipinanganak na premature at ang isang nanay ay nagkaroon ng miscarriage sa 2nd trimester nya dahilan para mawala ang kanyang baby.
Ang nasabing nanay ay hindi nakitaan ng anumang sintomas ng COVID-19 kaya hindi nila malaman kung ito ba ay epekto ng nasabing virus o sa iba pang bagay.
Source:
BASAHIN:
70 new COVID-19 cases naitala sa France 1 linggo matapos magbukas ang klase
- Anong nangyayari sa iyong katawan pag nag-positibo sa COVID-19?
- Ilang pregnant patients tinatangging may COVID-19 symptoms sila
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang