Bagong silang na baby namatay dahil sa usok ng sigarilyo
Isang newborn ang namatay matapos makalanghap ng usok ng sigarilyo. Alamin kung ano ang epekto ng paninigarilyo sa paligid ng mga bata.
Sa pack ng sigarilyo, may picture ng maaaring mangyari kapag naninigarilyo. Maigting ang paalala ng gobyerno sa mga sakit na maidudulot nito sa mga gumagamit nito. Mayroon ding tinatawag na second hand smoke kung saan ang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo ay nagkakaroon din ng problema sa kalusugan. Kung ganito na katindi ang epekto sa mga matatanda, paano pa kaya sa bata, mas lalo na sa bagong-silang na sanggol. Ano ang epekto ng paninigarilyo at usok sa baby?
Isang malagim na leksyon ang nangyari sa pamilya ng isang bagong-silang na sanggol dulot ng masamang epekto ng paninigarilyo at usok sa baby.
Baby Hafizh
Kuwento ng isang Indonesian nanay na nagngangalang Indah, lumagi sila sa bahay ng kaniyang biyenan para i-celebrate pagkakapanganak sa bagong silang niyang sanggol na si Hafizh. Tradisyon sa kanila na magkaroon ng selebrasyon sa unang pag-gupit ng buhok ng bata at handaan bilang pasasalamat sa bagong baby.
Habang nasa party, nakisalamuha ang mag-ina sa kanilang mga bisita. Dahil busy sa pag-iintindi sa mga dumalo, hindi na raw napansin ni Indah na may naninigarilyo sa lugar. Wala rin daw kasing immediate na sintomas na lumabas sa bata matapos ng handaan.
Makalipas ng dalawang araw, doon nagsimulang magkaroon ng ubo ang baby at tila nahihirapan itong huminga. Dahil masyado pang maliit ang bata para sa mga gamot, si Indah ang pina-inom ng gamot ng kaniyang mister bilang nagpapadede si Indah at maipapasa ang gamot sa pamamagitan ng ilalabas niyang gatas. Pero hindi bumuti ang lagay ng baby.
Dinala ang bata sa midwife, ngunit hindi rin nito binigyan ng gamot ang baby dahil nga masyado pang bata. Dito na dinala ang newborn sa ospital kung saan siya tuluyang nasuri ng mga duktor. Napag-alaman na mayroon ng pneumonia si Hafizh.
Nadurog daw ang puso ni Indah nang makita niyang naka-IV , oxygen, at kung anu-ano pang mga machine ang nakakabit sa kaniyang anak. Nagdasal daw siya na sana siya na lang ang nasa kalagayan nito.
Kahit naka-confine na sa ospital, hindi pa rin bumubuti ang lagay ng bata. Nang lumabas ang x-ray results, nakitang puro puti ang baga nito. Ang normal na kulay sa x-ray ay itim dapat.
Dahil patuloy ang paghina ng bata, hiningan ang mga magulang ng consent na operahan ang isang-buwang gulang na bata sakaling may mangyari.
Dalawang linggo mula nang makalanghap ng usok ng sigarilyo ang baby, unti-unting bumaba ang pulso nito habang nasa NICU.
Dito na nawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Hafizh na makaka-recover pa ito.
“Nakita ko na tinitignan ako ni Hafizh, na parang senyas na iiwan na niya ako. Sinagot ko siya ng ngiti at sinabi sa kaniyang mahal na mahal ko siya.”
Matapos siyang halikan ng ni Indah, pumanaw na ang bata.
Epekto ng paninigarilyo sa baby
Lubos na nakakalungkot ang nangyari kay Baby Hafizh mas lalo na’t maaari naman sana itong iwasan. Pinapaalalahanan ang mga magulang na masyado pang weak ang immune system ng mga bagong silang na sanggol. Hindi pa ito lubos na developed upang maprotektahan ang sanggol sa mga impeksyon at kundisyon, kabilang na ang masamang epekto ng usok ng sigarilyo.
Kaya kung mayroong kamag-anak o kaibigan na naninigarilyo, siguraduhing huwag ilapit ang newborn sa usok. Huwag ding pumunta sa mga lugar na puwedeng makalanghap ng usok ang bata, kabilang na ang mga restaurants.
Maging leksyon sana ang istorya ni Baby Hafizh sa ibang mga magulang. I-share ang artikulong ito sa mga kilalang naninigarilyo.
References: Okezone, Tribunnews, Medicinenet
Isinalin mula sa wikang Bahasa ni Kevin Wijaya Oey
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
Newborn dies due to second-hand smoking: A grim warning to all parents
- STUDY: Exposure sa usok ng sigarilyo ng buntis, dahilan ng cancer at developmental disorders sa baby
- Ano ang epekto ng second hand smoke sa mga baby?
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."