Scoliosis habang nagbubuntis: Paano nito naaapektuhan ang pagbubuntis at labor
Here’s all you need to know about scoliosis in pregnancy and if it’s possible for women with this condition to have a baby safely...
Ang scoliosis ay isang kondisyon kung saan ang karaniwang diretsong spine ay kumukurba o nagt-twist at nakakabuo ng hugis C o S na kurba. Kung may scoliosis ka, maaaring nagaalala ka kung maaapektuhan nito ang iyong baby, pagbubuntis at/o panganganak. Kaya eto ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa epekto ng scoliosis sa pagbubuntis at kung posible sa mga babae na may ganitong kondisyon ang ligtas na magka-baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Maaari/dapat ba akong magbuntis kung mayroon akong scoliosis?
Una sa lahat, ang magandang balita. Sa karamihan, walang napatunayang panganib sa ina at baby dahil sa scoliosis, habang nagbubuntis, sa labour o sa panganganak.
Walang pagtaas ng panganib ng miscarriage, stillbirth o birth defects. Kahit pa ang mga kababaihan na nag-spinal fusion surgery para magamot ang scoliosis ay maaaring mabuntis.
Inirerekumenda ng mga duktor sa mga babaeng magpapa-surgery para sa scoliosis na mag-antay nang hanggang 6 na buwan matapos ang surgery bago magbuntis. Ito ang panahon na kailangan para sa pagpapagaling ng spine.
Ang mga kababaihang may congenital scoliosis o early-onset scoliosis at ang mga may mahihinang muscles at problema sa puso ay dapat kumuha muna ng medical advice bago magbuntis.
Ang congenital scoliosis ay kadalasang nauungay sa neuromuscular na kondisyon tulad ng muscular dystrophy o poliomyelitis. Maaaring may hirap sa paghinga at hindi gaanong paglaki ng baga dahil sa mga birth defect na ito. Mayroon ding pagbawas ng oxygen levels, na maaaring makasama sa lumalaking fetus, at maaaring maging sanhi ng hirap ng puso sa ina.
Sa kaso ng malalang scoliosis, ang pagbubuntis ay maaaring masmapanganib kumpara dahil:
- Ang pananakit ng likod ay masmalala sa mga may malalang pagkurba
- Ang prublema sa paghinga ay maaaring mangyari sa dulo ng pagbubuntis dahil ang uterus ay natutulak ang diaphragm pataas at nababawasan ang kapasidad sa paghinga
- Parehong ang baby at ang kurba ng scoliosis ay kailangang bantayan nang maigi
Upang maiwasan ang komplikasyon, ang mga kababaihang may matinding scoliosis ay dapat magpakonsulta sa duktor bago magbuntis.
Paano maaapektuhan ng scoliosis ang aking pagbubuntis?
Ang pagbubuntis ay nakaka-apekto sa mga nagbubuntis pareho sa mga walang scoliosis.
Isang karaniwang sintomas ng pagbubuntis ay ang back pain. Sa kasong ito, madalas ay mahirap malaman kung ang pananakit ay dahil sa pagbubuntis o scoliosis.
Subalit, kung may back pain na bago magbuntis dahil sa scoliosis, napapataas nito ang tsansa na magkaroon ng lower back pain habang nagbubuntis.
Ang mga kababaihan din na may matinding scoliosis, at may matinding pagkurba ng spine ay maaaring makaranas ng masmatinding sakit at kawalan ng ginhawa, problema sa paghinga o problema sa timbang, lalo na sa bandang huli ng pagbubuntis.
Karaniwan, habang nagbubuntis, ang lumalaking uterus ay nagdadala ng pressure sa diaphragm na nagpapahirap sa paghinga ng ina. Maaari ring makaranas ng kakulangan sa hangin dahil sa tumaas na progesterone hormone na nagpapabilis ng paghinga. Para sa may scoliosis, ang pagkurba ng spine ay nagpapalala sa problema.
Paano ko susuportahan ang aking katawan sa pagbubuntis at panganganak?
Kapag may back pain, ang ice o cold compress ay nakakatulong. Ang ilang pananakit ng muscles ay maaaring mapawala ng warm compress o ng pag-upo sa maligamgam na tub o jacuzzi (na hindi masyadong mainit). Ang maternity support belts na sumusuporta sa lower back at tiyan ay maaaring isupt para mas makagalaw.
Ang paglangoy ay magandang ehersisyo habang nagbubuntis dahil nakakatulong ang tubig suportahan ang tiyan na nagpapadali ng paggalaw.
Ang mga strengthening na exercise, tulad ng pelvic-tilt na mga exercise ay makakapagpalakas sa likod at nakakawala ng sakit. Laging magconsulta sa iyong duktor bago magsimula ng kahit anong exercise program.
Matapos manganak, ang kurba ay maaaring lumala kung laging nabubuhat ang baby sa isang side lamang. Makakabuting mag-invest sa magandang baby carrier para mabalanse ang bigat ng baby.
Mapapalala ba ng pagbubuntis ang aking scoliosis?
Isa pang inaalala ng mga kababaihan na may scoliosis ay kung mapapalala ng pagbubuntis ang kanilang scoliosis. Ayon sa pag-aaral, hindi lumalala ang scoliosis habang nagbubuntis. Basta ang kurba ay hindi na tumitindi, ang bigat na dadalhin habang nagbubuntis ay hindi makakadagdag sa kurba.
Ang mga nasa ikatlong trimester na ay dapat maging maingat sa kanilang likod dahil ang ligaments ay mas nagre-relax dahil sa pregnancy hormone na relaxin. Maaari itong magdulot ng paglala ng Cobb angle (sukat ng pagkurba ng spine) na nagreresulta sa pananakit ng hita, balakang at likod,
Sa mga pasyente na nagkaroon na ng orthotic treatment, may ilan nang ebidensiya na nagsasabing ang mga nakakaranas ng isa o maraming pagbubuntis ay mas mataas na panganib ng paglala ng kurba kumpara sa mga hindi nagbuntis.
Ang scoliosis ba ay nagdudulot ng komplikasyon sa labor?
Makikita sa mga pagsusuri na ang labor at panganganak ay tila pareho lang sa mga may mild hanggang moderate na scoliosis tulad ng sa walang scoliosis.
Sa nakaraan, karaniwang gawain ng duktor ang piliin ang C-section na delivery sa mga pasyenteng may scoliosis. Ngayon, marami ang nkakatuklas na posible ang vaginal delivery nang walang matinding komplikasyon.
Ang posisyon habang nagla-labor at nanganganak ay mahalaga para sa ginhawa ng pasyente at ang pinakamaginhawang posisyon ay nagbabago sa bawat pasyente.
Ang vaginal delivery ay nagiging pagsubok sa ilang may scoliosis. Kapag ang scoliosis ay kasama ang balakang, maaaring makaranas ng “stalls” (kapag may active labot at ang labor ay bumabagal o natitigil) habang nagla-labor dahil sa malpositioning ng baby. Ang panghihina dahil sa scoliosis ay nagpapahirap sa pag-iri habang nagla-labor para sa ilan.
Sa ilang kaso rin, ang pagtanggap ng epidural para sa pain relief ay nagiging mahirap. Makakabuting kausapin ang inyong duktor tungkol sa paraan ng panganganak at pain management, nang malaman ang aasahan.
Maaari ba akong mag-epidural kung mayroon akong scoliosis?
Maaaring may pagaalala sa mga may scoliosis ang pagtanggap ng epidural para sa pain relief habang labor. Para sa iyong impormasyon, ang epidural ay local anaesthetic na tinuturok sa spine at nagpapamanhid ng mga nerves na nagdadala ng pain impulses mula sa birth canal patungong utak.
Ang epidural ay kadalasang ibinibigay sa baba ng dulo ng spinal cord. Para sa ilang may scoliosis, maaaring mahirap tumanggap ng epidural.
Kadalasan itong nangyayari kung nagkaroon na ng spinal fusion surgery o kung ang scoliosis ay nasa lumbar (lower) spine.
Kung ang scoliosis ay nasa gitna pataas, walang problema sa pagtanggap ng epidural.
Ganunpaman, mahalaga parin sa mga buntis na may scoliosis ang kausapin ang duktor tungkol sa epidurals at pain management bago maglabor.
Mamamana ba ng baby ko ang aking scoliosis?
Ang sagot sa tanong na ito ay “oo o hindi.”
Nasa 30% ng may adolescent idiopathic scoliosis (AIS) ang may family history ng kondisyon. Ang pattern ng pagmana ng adolescent idiopathic scoliosis ay hindi malinaw dahil maraming genetic at environmental factors ay nakikitang kasama dito.
Subalit, ang pagkakaroon ng malapit na kamag-anak (tulad ng magulang o kapatid) na may adolescent idiopathic scoliosis ay nagpapataas ng panganib na madevelop ng bata ang kondisyon. Masmataas ang panganib sa mga babae kumpara sa mga lalaki.
Basahin Din: “I have severe pubic bone pain during pregnancy. What should I do?”
(Source: Scoliosis Research Society, NIH, theAsianparent)