Ano ang epekto ng second hand smoke sa mga baby?

Tulad ng first-hand smoking ay nakakatakot din ang epekto ng second hand smoke lalo na sa mga baby.

Ang epekto ng second hand smoke lalo na sa mga bata ay sadyang nakakabahala at nangangailangan ng mas ibayong pag-iingat mula sa mga magulang. Ito ay dahil sa tinataglay nitong 7,000 chemicals na kung saan daan-daan dito ay toxic chemicals na nakakapagdulot ng sakit at halos 70 sa chemicals na ito ay nakakapagdulot naman ng cancer.

Ayon nga sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, mula pa noong 1960’s ay may naitalang 2.5 million ng hindi naninigarilyo ang namatay dahil sa mga health problems na dulot ng second hand smoke gaya ng lung cancer at heart disease.

Epekto ng second hand smoke sa mga baby

Photo: Pixabay

Ano ang second hand smoke?

Ang second hand smoke ay ang pinagsamang usok mula sa nakasinding sigarilyo at sa hangin na inilalabas ng naninigarilyo nito.

Ang pagiging expose sa second hand smoke ay mas nagpapataas ng tiyansa na hanggang 30% sa isang tao na magkaroon ng lung cancer at iba pang uri ng cancer o mauwi sa emphysema na masama para sa ating mga puso.

Epekto ng second hand smoke sa mga baby

Dahil sa maliit at nagde-develop pa lamang na lungs o baga ng mga baby ay mas mabilis silang ma-expose sa mga panganib na dulot ng second hand smoke.

Ayon nga kay Dr. Harold Farber, isang pediatric pulmonologist sa Texas Children’s Hospital, ang amoy nga lang ng usok na dumikit sa damit ng isang tao ay nakaka-irritate na sa ilong at mata ng mga matatanda hindi hamak na mas doble ang iritasyong nadudulot nito sa mga bata.

Sa isang pag-aaral na nai-publish sa Nicotine & Tobacco Research, lumabas nga na marami sa mga baby hanggang apat na taong gulang ang exposed sa second hand smoke lalo na sa mga rural at low-income households naninirahan.

Sa nasabing pag-aaral ay in-evaluate ng mga researchers ang mga saliva o laway ng mga baby na 6, 15, 24, at 48 months old para malaman ang breakdown ng by product ng nicotine sa katawan na kung tawagin ay cotinine. Dito lumabas na 15% sa mga bata, 12% sa mga ito ay mga babies at nagtataglay ng continine na tulad ng level na makikita sa isang naninigarilyong matanda.

Halos kalahati naman sa mga batang dumaan sa pag-aaral na ito ay nakitaan ng moderate level ng cotinine sa kanilang saliva na indikasyon rin ng kanilang exposure sa usok ng sigarilyo.

Ayon nga kay Prof. Lisa Gatzke-Kopp, isang human development and family studies professor sa Pennsylvania State University at lead author na nagsagawa ng pag-aaral, ang mga bata daw ay nag-aabsorb ng nicotine sa kanilang paligid na kasing tulad rin sa isang active smoker. Ang pagiging expose nga at epekto ng second hand smoke sa mga baby ay nakakabahala at maaring magdulot ng mga health issues gaya ng asthma, ubo, pneumonia pati narin ear infections.

Iniuugnay rin ang second hand smoke sa sudden infant syndrome (SIDS) o ang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng mga baby na isang taong gulang pababa. Ito ay dahil sa mga tala ng mga sanggol na namatay dahil sa SIDS na nakitaan ng mas mataas na concentration ng nicotine at cotinine sa kanilang baga.

Sinasabi ring ang second hand smoke ay nakakaapekto sa utak na nakakapekto sa regulation ng paghinga ng isang sanggol. Ito ay dahil sa isang inang naninigarilyo habang buntis o sa exposure nito sa second hand smoke habang siya ay nasa sinapupunan pa lamang.

Dagdag nga ni Dr. Harold Farber, ang second hand smoke din daw ay nakaka-apekto sa brain development ng mga baby na may impact din sa kanilang learning at attention development. Maari din itong maging dahilan upang maging isang smoker din ang isang baby paglaki nito dahil sa epekto ng nicotine na isang psychoactive chemical sa structure at wiring ng ating utak.

Ayon naman kay Dr. John Carl, Chairman ng Center for Pediatric Pulmonary Medicine sa Cleveland Clinic, maliban nga raw sa long-term na epekto ng second hand smoke gaya ng cancer, ang usok nga daw sa paligid ng isang bata ay maari ring maging irritants para sila ay magkaroon ng asthma at viral bronchitis. Dagdag pa rito ang iba pang epekto ng second hand smoke sa kanila gaya ng difficulties sa hyperactivity at impulse control.

Maliban dito ang paninigarilyo rin sa bahay o paligid ng bahay ay nakapagiiwan ng mga nicotine at iba pang toxic chemicals mula sa usok ng sigarilyo na maaring dumikit sa mga surfaces tulad ng carpet, furniture at mga kurtina na tinatawag namang third hand smoke.

Ang mga chemicals daw na ito ay abot-kamay ng mga bata lalo na ng mga baby na nagsisimula palang gumapang at madalas na nilalagay ang kamay sa kanilang bibig. Ang mga nicotine residuals na ito ay maaring tumagal ng linggo, buwan o ilang taon na maari ring dumikit at iabsorb ng ating balat.

Mga paraan para maka-iwas sa epekto ng second-hand smoke

Para mapapaba ang exposure ng mga bata mula sa mapanganib na epekto ng second hand smoke, ilan sa mga paraang maaring gawin ng mga magulang ay ang sumusunod:

  • Tumigil sa paninigarilyo
  • Panatilihin ang smoke free na bahay at sasakyan
  • Kung naexpose sa usok ng sigarilyo, magpalit ng damit o maglinis ng katawan bago humawak o lumapit sa isang sanggol o bata.
  • Iiwas ang iyong anak sa mga naninigarilyo at iexpose siya sa lugar na maari siyang makalanghap ng fresh at malinis na hangin.

Ang epekto ng second hand smoke sa mga baby ay sadyang nakakabahala para sa isang magulang, Ngunit ang pagpoprotekta sa iyong anak mula sa nakakatakot na epekto na ito ay magmumula rin sa maayos at maingat na pag-aalaga mo sa kanila.

 

Sources: WebMD, CDC, US News

Basahin: Bagong silang na baby namatay dahil sa usok ng sigarilyo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!