Diet soda, mas nakakataba para sa mga babae

lead image

Narito ang masamang epekto ng pag-inom ng diet soda na akala natin ay isang mabisang paraan ng pagpapayat.

Ang epekto ng softdrinks sa katawan ay hindi lingid sa kaalaman nating may dulot na kapahamakan sa ating kalusugan.

epekto ng softdrinks sa katawan ng kababaihan

Image from CBS 6

Epekto ng softdrinks sa katawan ng mga kababaihan

Para sa mga health conscious lalo na sa mga nagpapayat ito ay may taglay na mataas na level ng calories at sugar na hindi maganda para mapanatili ang fit at sexy figure sa mga kababaihan.

Ang 20-ounce bottle lang nito ay nagtataglay na ng 17 teaspoons ng sugar at 240 calories na kakailanganin mo ang isang oras na paglalakad para maburn-off ito sa katawan.

Ngunit dahil masarap ito lalo na sa mainit na panahon at ito ay nagyeyelo, tiyak na sasabihin mo may diet soda naman?

Sa tulong ng diet soda, ay inaakala mong puwede mo nang ma-enjoy ang enough dose ng caffeine with 0 percent sugar na swak para sa iyong diet at goal na pagpapayat sa isang araw.

FYI ang katotohanan ay isa itong malaking kasinungalingan!

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Texas Health Science Center, ang madalas na pag-inom ng diet soda di umano ay mas nagpapataas ng tiyansa mong maging overweight.

Ang pagco-consume nga rin daw ng dalawa o higit pang lata nito sa isang araw ay maaring magpataas pa ng sukat ng waistline mo kumpara sa mga hindi umiinom nito.

Dagdag pa ang artificial sweeteners na taglay nito na may kaugnayan sa iba’t-ibang mga sakit kasama na ang nakakatakot na cancer.

Tunog nakakapayat man pero ang mga diet sodas ay may nakakatakot na epekto sa ating katawan lalo na sa mga kababaihan.

Epekto ng diet sodas sa kalusugan ng kababaihan

Maliban nga sa hindi magandang epekto nito sa sexy mong katawan ay may nakakabahalang epekto rin ang pag-inom ng diet soda sa pangkalahatan mong kalusugan.

Ayon nga sa isang pinakabagong pag-aaral na ginawa ng American Heart Association at American Stroke Association, ang pag-inom ng dalawa o higit pang artificially sweetened drinks gaya ng diet soda ay mas nagpapataas ng tiyansa ng isang babae na magkaroon ng clot-based stroke, heart attack at early death lalo na sa mga 50 years old pataas na kababaihan.

Mas tumataas pa nga raw ang tiyansa na magkaroon ng mga banta sa kalusugan na ito ang mga babaeng walang history ng heart disease o diabetes at mga babaeng overweight o obese.

Ito ay kanilang napag-alaman matapos pag-aralan ang higit sa 80,000 na postmenopausal na kababaihan sa US. Ang mga ito ay tinanong kung gaano kadami at kadalas silang umiinom ng diet beverages sa nakaraang tatlong buwan.

Binalikan at sinuri rin ang kanilang health history sa lumipas na labing-dalawang taon para maikumpara ang mga pagbabago sa kanilang kalusugan.

Nang matapos pag-aralan ang kanilang health history at recent diet beverage intake ay napag-alaman na ang mga kababaihang umiinom ng dalawa o higit pang artificially sweetened beverages gaya ng diet soda ay tumataas ang tiyansa ng hanggang 31% na magkaroon ng clot-based stroke, 29% naman sa pagkakaroon ng heart disease at 16% naman ang tendency na mauwi ito sa kamatayan kumpara sa mga babaeng umiinom lang ng isang beses sa isang linggo ng diet beverages o hindi kailan man.

Ayon nga sa lead author ng ginawang pag-aaral na si Dr. Yasmin Mossavar-Rahmani, sinabi niya na mas doble nga daw ang tiyansa na magkaroon ng clot-based o ischemic stroke ang mga kababaihang umiinom ng diet soda na overweight at walang history ng heart disease at diabetes.

Ito ay kanilang natukoy matapos nilang tingnan ang iba’t-ibang uri ng ischemic stroke pati na ang mga treatments at medication para gamutin ito.

Napag-alaman nga nila ang isang pangkaraniwang uri ng stroke na nagdudulot ng pagbabara sa pinakamaliit na artery sa loob ng utak ay doble ang tiyansang mangyari sa mga babaeng malakas uminom ng mga diet drinks lalo na sa mga kababaihang walang history ng heart disease at diabetes.

Maliban sa mga sakit na ito ang pag-inom ng diet soda rin ay nagpapataas ng tiyansang magkaroon ng kidney decline o hindi maayos na pag-function ng mga kidneys. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Harvard Medical School sa 3,318 na babae.

Ayon naman kay Molecular Biology and Biotechnology Prof. Peter Piper ng University of Sheffield sa U.K, ang mga diet soda ay nagco-contain ng mold inhibitors na sodium benzoate o potassium benzoate.

Ang mga chemicals na ito ay maaring magdulot ng severe damage sa DNA sa mitochondria ng isang tao na halos kaya nitong magdulot ng DNA inactivation. Ang preservative din na ito ay napag-alamang may kaugnayan sa sakit na hives, asthma at iba pang allergic conditions, ayon sa Center for Science in the Public Interest.

Ang pag-inom ng diet soda rin ay maaring makapagbawas ng magandang ngiti sa mga babae. Dahil ang taglay na acid nito ay kayang tanggalin ang enamel sa ating ngipin.

Sa isang pahayag na inilabas ng American Heart Association noong nakaraang taon sinabi nilang ang short-term use ng low-calorie at artificially sweetened drinks gaya ng diet soda ay isang paraan para ma-promote ang weight loss sa mga adults at hindi sa mga bata.

Ngunit nilinaw ng nutrition professor na si Dr. Rachel Johnson mula sa University of Hawaii na ito daw ay isang gabay o guidance lang sa mga adult na nahihirapang mag-transition sa pag-inom ng tubig mula sa pag-inom ng sugary drinks.

Dagdag pa niya ay dapat limitahan parin ang pag-inom nito para makaiwas sa mga masamang epekto nito sa kalusugan.

Pero para kay Dr. Mossavar-Rahmani, dapat daw ay umiinom tayo ng mas maraming tubig at natural beverages gaya ng unsweetened herbal teas na pwede nating gawin ng unlimited na walang peligrong maaring maidulot sa ating katawan.

 

 

Sources: Food Revolution, CNN, WTVR

Basahin: Drinking soda can cause heart failure, study says

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!