Eric Quizon sa amang si Dolphy: “My dad's been dead for 11 years, pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa amin.”

Kuwento ni Eric pagdating sa mga naiwang ari-arian ng ama, ito daw ay maayos na pinaghahatian nilang 18 na magkakapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Eric Quizon ikinuwento kung paano hinati ng amang si Dolphy ang mga ari-arian nito sa kanilang 18 magkakapatid.

Mababasa dito ang sumusunod:

Eric Quizon sa naging last will and testament ni Dolphy

Larawan mula sa Instagram account ni Eric Quizon

Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Eric Quizon kung nasaan na ang mga ari-arian ng namayapang si Dolphy o mas kilalang “King of Comedy” ng Pilipinas. Kuwento ni Eric, ito ay pantay-pantay na hinati sa kanilang 18 magkakapatid base narin sa kahilingan ng kanilang ama bago ito namayapa.

“Sa last will and testament kasi, simple lang sinabi ng daddy ko. "I want equal sharing for everyone.”

Ito daw ang kahilingan ng kanilang ama.

Ayon kay Eric, 18 silang heirs ni Dolphy

Larawan mula sa YouTube Vlog ni Ogie Diaz

Kuwento ni Eric, kahit 18 sila ay hindi naman daw sila nagkagulo. Wala ring naging pag-aaway sa pagitan nila. Dahil bago pa man nasawi ang ama ay isa-isa rin silang binigyan ng ari-arian nito. Ang anumang natira ngayon ang pinaghatian nila. At pagdating sa pagdedesisyon sa mga ari-ariang ito ay 18 dapat silang nagdedesisyon.

“Pagka-humindi ang isa hindi mangyayari iyon. Kung 18 kami, kailangang 18 kami na nagdedecide na "Okay, let's do this transaction or let’s do this!"

Ang lahat naman daw na ito ay maayos parin nilang nagagawa na may gabay ng kanilang amang si Dolphy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Labingwalo kami, may kaniya-kaniyang mga idea yang mga yan. However, bago namantay ag daddy ko, sinabi sa amin "ayokong mag-aaway kayong lahat ha". So parang tumatak sa isip namin na basta pag may problema, ayusin mo yan, ayusin ninyo yan.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Eric.

Pagpapatuloy niya, kahit wala na nga ang ama, hanggang ngayon ay nasusustentuhan parin silang magkakapatid. Ito daw ang labis na pinagpapasalamat ni Eric sa pagkakaroon ng amang tulad ni Dolphy.

“My dad's been dead for 11 years, pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa amin.”

Ito ang sabi pa ni Eric Quizon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Inquirer

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement