6 na paraan upang makuha ang 'kiliti' ng iyong asawa

6 na paraan upang makuha ang 'kiliti' ng iyong asawa

Makakatulong ang pag-stimulate sa mga erogenous zones na ito upang maging mas masarap at mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa.

Pagdating sa usapin ng sex, mahalagang alamin kung ano ang tinatawag na 'erogenous zones.' 

Ang simpleng depinisyon ng erogenous zone ay ang mga bahagi ng katawan na nagbibigay ng dagdag na sexual stimulation kapag hinaplos, o kaya ay hinawakan. Nakakatulong ang mga ito upang madagdagan ang sensation kapag ikaw ay nakikipag-sex, at nakakatulong rin ito para maging "in the mood" ang iyong asawa.

Kapag nakuha mo na ang "kiliti" ng iyong asawa, siguradong magiging mas exciting at masarap ang sex life ninyong dalawa.

Anu-ano ang mga erogenous zones na ito?

Heto ang ilan sa mga erogenous zones na kapag iyong na-stimulate ay siguradong kikiliti sa iyong asawa!

1. Mga nipples

Alam niyo ba na hindi lamang sa mga babae gumagana ang pag-stimulate ng nipples? Pati ang mga lalaki ay posibleng maging erogenous zone ang mga nipples nila. Kaya't huwag mahiyang subukan ang pag-stimulate ng nipples ng iyong asawa. Malay mo, narito pala ang kiliti niya!

2. Breasts

Hindi lang mga nipples ang kinakailangang i-stimulate sa mga babae. Ang kanilang mga breasts ay malaking erogenous zone, at nakakatulong ang pagpisil o paghaplos dito para ma-heighten ang sensation at excitement kapag nakikipag-sex.

3. Leeg

Ang paghalik o pagdila sa leeg ng iyong asawa ay siguradong makaka-stimulate sa kaniya. Kung nahalikan ka na ng iyong asawa sa leeg ay siguradong alam mo kung gaano katindi ang sensation mula dito.

4. Mukha

Subukan mong haplusin ang labi ng iyong asawa, o kaya halikan ang kaniyang jawline. Siguradong mayroon siyang mararamdaman na kilig o kiliti dahil erogenous zone din ang mukha. Marami itong nerve endings, kaya extra sensitive ito kapag hinahawakan.

5. Loob ng hita

Madalas ay hindi napapansin ang loob ng hita dahil nakakakiliti itong hawakan. Pero sa tamang stimulation, ito ay nagiging isang erogenous zone na ginagawang mas exciting ang simpleng paghaplos, o kiliti.

6. Mga paa

Surprise! Pati ang mga paa ay posibleng maging erogenous zone. Para masubukan, bakit hindi mo bigyan ng foot rub o foot massage ang iyong asawa, at tingnan ang kaniyang magiging reaksyon? Nakakatulong ito sa stimulation dahil maraming nerve endings sa paa, at nakakadagdag rin ito sa arousal kapag minamasahe.

 

Source: Men's Health

Basahin: Gaano ba talaga kadalas mag-sex ang mga mag-asawa?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner