Erwan Heussaff niligawan si Anne Curtis sa pamamagitan ng pagkain, mix tapes at post cards!

Anne Curtis magbabalik trabaho na rin makalipas ang dalawang taong pahinga sa showbiz.

Sa isang episode na pinagamagatang “Love Advice with Erwan Heussaff” ng vlogger na si Wil Dasovich, isinawalat ni Erwan Heussaff kung paano niya nga ba inakit ang artista at wife niyang si Anne Curtis upang ma-in love sa kanya.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Paano nga ba napaibig ni Erwan Heusaff si Anne Curtis?
  • Erwan Heusaff and Anne Curtis’s love story
  • Anne Curtis back to work na

Paano nga ba napaibig ni Erwan Heussaff si Anne Curtis?

erwan heussaff wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Naglabas na naman ng panibagong episode ng vlog si Wil Dasovich na pinamagatang “Love Advice with Erwan Heussaff” kung saan ibinahagi ni Erwan kung paano niya ba nakuha ang matamis na oo ng kanyang asawang si Anne Curtis.

Ayon sa kanya, matatawag sa raw ang sarili bilang ‘gesture guy’ dahil mas madalas siyang gumagawa ng mga bagay para sa taong mahal niya. Kabilang na diyan ang hilig niya sa pagluluto.

“I’ve always been more a gesture guy. That’s why I like cooking for people, it’s way to express myself. I like writing postcards.”

Pagbabahagi rin ni Erwan Heussaff, gumagawa pa raw siya ng mix tape noon upang maregaluhan ang kaniyang wife. Pareho raw kasi sila ng music taste at gustong ibahagi sa isa’t isa ang kantang nagugustuhan nila kaya ito ang madalas na binibigay niya sa aktres.

Bukod daw dito ay nagsusulatan din sila ng post cards noong nasa Russia pa siya. Pagkukwento ni Erwan, inaabot daw ng linggo o buwan ang pagdating ng mga sulat pero kahit ganito iba raw ang pagsabik nila sa reply ng isa’t isa.

Dito niya raw nailalabas ang pagiging poetic niya. Nahilig daw kasi siya sa pagsusulat mula ng kolehiyo kaya simula noon ay nagugustuhan na niyang sinusulat ang kanyang mga nararamdaman.

“That’s why I like writing so much because it does so much clarity.”

Kaya naman naging way rin ito ni Erwan Heussaff upang makuha rin ang loob ng wife niyang si Anne Curtis.

Erwan Heusaff and Anne Curtis’s love story

erwan heussaff wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Pagkukwento ni Anne, may ‘major crush’ daw ang asawa niya noon sa kanya. Sakto rin na single siya sa mga panahong iyon. Ang naging match maker pa nga raw ng dalawa ay ang kaibigan ni Anne na si Isabelle Daza.

Taong 2010 nang magsimulang mag-date ang dalawa at naging usap-usapan kaagad ito sa showbiz. Sa unang taon ay naging malaking isyu ang hindi na raw agad maayos na relasyon nila bagay na pinabulaanan ni Anne Curtis noon.

Naging tampulan din ng tukso kung bakit hindi raw dinadala ni Anne si Erwan sa mga ball at iba pang events. Sagot ni Anne ayaw niya raw ma-involve pa ang dating boyfriend sa showbiz dahil tingin nilang dalawa ay mas healthy ito sa kanilang relasyon.

Taong 2014 nang naging usap-usapan na naman ang rumor na engage na raw ang dalawa ngunit itinaggi nila ito. Dalawang taon makalipas ang isyu na ito ay tuluyan na silang naging engaged.

Sa parehong taon ding ito nag-celebrate ang aktres ng kanyang 31st birthday kung saan ipinakita na ni Erwan ang husay nito sa pagsusulat.

“Through my eyes, sun kissed, speckled with freckles and care free is how I see her.

“Hands clasped through rough terrains and the cliches walks on the beach, we’ll keep each other company through this nomadic adventure.

“Happy birthday to the one whose presence will always be more than enough. @annecurtissmith”

Taong 2017 nang sa wakas ay ikasal ang dalawa sa bansang New Zealand. Elagante ang kasal dahil sa rustic garden wedding na theme nito.

Simple pero intimate naman ang naging kasalan kung saan kasama rin nila ang ilan sa pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa tulad nila Jasmine Curtis, Isabelle Daza at iba pa.

Dalawang taon makalipas nito ay nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan at nabuntis si Anne sa kanyang first baby na si Dahlia.

BASAHIN:

Anne Curtis aminadong ‘praning’ na mother: “Taranta ako all the time!”

Scarlet Snow Belo shares sweet message for her mom and dad: “I hope we live a long life together.”

Danica Sotto reveals love language of her husband, Marc Pingris: “He loves being hugged, kissed.”

erwan heussaff wife

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Anne Curtis back to work na

Matapos ang ilang lampas dalawang taon na pagpapahinga, magbabalik na si Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’.

Sa kaniyang Instagram post, binahagi ni Anne Curtis ang teaser sa kaniyang comeback sa sikat na noontime show. Sa Sabado, May 28, nakatakdang muling sumalang si Anne bilang TV host.

Matatandaan na noong December 2019 huling nasilayan sa ‘It’s Showtime’ stage si Anne Curtis. Pansamantala nitong iniwan ang kaniyang trabaho habang nagbubuntis kay Baby Dahlia.

Naudlot ang pagbabalik niya sa showbiz industry dahil na rin sa COVID-19 pandemic. Kaya naman sinulit ni Anne ang kaniyang oras para makasama si Erwan at kanilang anak na si Dahlia para makapasyal sa iba’t ibang bansa.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!