5 ideas para maging mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa

lead image

Ang mga tips na ito ay siguradong makakatulong sa mga misis at mga mister upang magkaroon sila ng mas exciting na sex life.

Importante ang sex life para sa mga mag-asawa. Bukod sa nakakapagbigay ito ng ligaya ay nakakadagdag rin ito sa intimacy at romance ng mga mister at misis. Ngunit minsan ay nawawala ang pagkakaroon ng exciting na sex life ng mga mag-asawa.

Kapag nangyari sa inyo ito, huwag mag-alala! Heto ang ilang mga ideas na para maging mas exciting ang inyong sex life!

Subukan ang mga ideas na ito para sa exciting na sex life!

1. Gumamit ng vibrator

Kung sawa na kayo sa inyong regular routine, bakit hindi subukang magdagdag ng mga toys? Isa na rito ang paggamit ng vibrator. Mainam ito pagdating sa foreplay, at siguradong makakadagdag ng excitement sa inyong mga gabi.

2. Palitan ang inyong lumang kama

Importante na maging komportable kayong mag-asawa habang nakikipagsex. At siyempre, kung hindi komportable ang inyong kama, ay makakaapekto ito sa inyong sex life.

Kaya mag-invest sa quality na mattress o kama. Malaki ang maitutulong nito hindi lang sa inyong sex life, kundi pati na rin sa comfort ninyong mag-asawa.

3. Maligo ng sabay

Nakakadagdag rin ng excitement sa mga mag-asawa ang pagligo ng sabay. Dito, puwedeng gamitin ni mister ang shower upang ma-stimulate si misis, at puwede ring dito na kayo magsimula ng inyong foreplay bago makipagsex.

Kung mas eager kayong dalawa, puwedeng subukan ninyong mag shower sex!

4. Subukan ang bondage

Kung nakapanood na kayo ng 50 shades of grey ay siguradong pamilyar na kayo sa bondage. Ito ay isang erotic practice kung saan gumagamit ng mga tali upang ma-kontrol at makadagdag ng excitement at stimulation sa sex.

Bago ito gawin ay siguraduhin muna na okay sa inyong dalawa ang ganitong gawain, at mayroon kayong "safe word" para malaman ninyo kung hindi na nagugustuhan ng isa sa inyo ang nangyayari.

5. Gumamit ng vibrating penis ring

Para naman sa mga mister, nakakatulong rin ang pagsusuot ng penis ring. Ang ilang mga penis ring ay mayroong vibrator na nakakadagdag ng sensation hindi lang para kay misis kundi pati na rin kay mister.

Kung naghahanap kayong dalawa ng excitement sa bedroom, siguradong makakatulong ang paggamit ng vibrating penis ring.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Pakikipagsex, nakakatulong raw maging productive sa trabaho

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!