Explaining the rosary to kids
Normal na gawain para sa mga Filipino parents ang turuan magdasal ang kanilang anak. Sa ganitong istilo ng pagpapalaki, nahahasa at namumulat agad ang kanilang isipan sa pagdadasal. Naalala mo pa ba ang unang beses na tinuro mo sa kanya ang ‘Our Father’? O kaya naman ang pagdadasal niya ng ‘Angel of God’?
Ang kwentong inyong mababasa ay siguradong makakapag-inspire sa’yo bilang magulang.
Viral video ng bata na magaling magdasal ng rosaryo
Sa bayan ng San Francisco sa Camotes, Cebu matatagpuan ang batang si Airek Francesco Marquez.
Mapapabilib ka niya sa kanyang skills sa paggamit ng rosaryo. Memoryado niya ang bawat kahulugan nito at kayang-kaya niyang i-recite!
Sa viral video ni Airek, makikita ang tatlong taong gulang na bata na nasa harap ng altar at pinamumunuan ang pagdadasal. Tila sanay na sanay ito na nire-recite ang Cebuano prayers habang hawak ang rosary sa kanyang mga kamay. Maririnig din ang mga kapitbahay nila na kasama niyang nagdadasal.
Ayon sa kanyang tita na si Mary Joyce Montalban, natuwa siya kay Airek at hindi nito mapigilang i-video ang pagdadasal. Bihira lang daw kasi sa mga bata na makabisado ang rosary at pamunuan pa ang pagdadasal kagaya ng kay Airek.
Natutunan ng tatlong taong gulang na si Airek ang magdasal gamit ang rosary dahil lagi itong nakikinig ng mga dasal bawat hapon sa kanilang barangay. Bukod dito, maaring nakuha ni Airek ang kanyang skills sa pagmemorya ng dasal dahil kapwa guro ang kanyang mga magulang na sina Jhynnford Marquez at Vine Grace.
Dagdag pa nila na nagulat sila sa pinakitang talento ni Airek. Kahit na hindi pa nito masyadong alam ang kahulugan ng mga rosary beads, mabilis pa rin nitong na-memorize at naaral ang naturang mga dasal.
Dahil sa pinakitang pagiging magandang ehemplo ni Airek sa kapwa niya bata, mabilis na kumalat at nag-trend sa social media ang video ng kanyang pagrorosaryo.
Umabot na sa 2.3 million views naturang video.
Rosary beads meaning
Narito ang iba’t-ibang meaning ng rosary beads.
Paano gamitin ang rosary?
May ibang tao na pinapaikot o binabalot nila ang rosary sa kanilang mga kamay. Ito ay para mapakita ang malalim na ugnayan sa devotion na gagawin. Tatandaan lang na dapat hindi ito masyadong mahigpit sa mga kamay mo at madaling malilipat ang mga daliri mo sa susunod na bead kapag nagdadasal.
Step 1
- Magsimula sa cross ng rosary at sabihin ang Apostle’s Creed.
- Sa unang bead ng rosary, idasal ang Our Father.
- Sa susunod naman na tatlong beads, idasal ang Hail Mary.
- Bago hawakan nag pang apat a bead, idasal ang Glory Be.
Step 2
- Sa pang apat na bead, i-recite ang mga mystery at idasal ang Our Father.
- Sa susunod na sampung beads, idasal ang Hail Mary.
- At isunod na idasal ang Glory Be.
Step 3
Ulitin ng apat na beses ang Step 2 at idasal ang Our Father sa pang 11 na bead.
Step 4
Sa huling bead pagkatapos ng huling Glory Be, idasal ang Hail Holy Queen
Source: Cebu Daily News , Scripture Catholic
BASAHIN: Child genius enters college at age of 9, aims to prove the existence of God