Nalalapit na ang araw ng mga ama. Mommies and kids, may nakahanda na ba kayong gift para kay daddy? Kung wala pa, narito ang ilang Father’s day gift ideas for 2020!
Father’s day gift ideas 2020
1. Wallet
Matatawag na essential ang wallet para sa mga daddies. Bukod sa ito ay very useful, puwede ka ring pumili ng stylish na design na swak para sa kanya!
2. Watch
Image from Freepik
Isang style staple ang relo o watch, pero kung sa tingin mo ay kailangan niyang mas maging on time sa mga bagay bagay, ito rin ay perfect gift para sa kanya!
3. Water Bottle
Dahil madalas ay abala ang dads sa kani-kanilang mga ginagawa, nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang sarili. I-remind sila na maging hydrated sa pamamagitan ng pag-regalo ng water bottle. Siguraduhin na ito ay madaling dalhin pero kaya ring maglaman ng sapat na tubig.
4. Hair trimmer
Image from Freepik
Ngayong karamihan sa mga barber shop ay sarado pa, wais din na regalo ang hair trimmer at shaver. At para hindi na sila mahirapan sa pag gupit sa kanilang sarili, puwede mo ring pag-aralan kung paano ito upang ikaw na ang gumawa!
5. Running shoes
Kung sporty siya o sadyang mahilig lang sa sapatos, maaring sumaya din siya sa isang bagong pair of running shoes. Siguraduhin lang na swak sa style niya ang iyong bibilhin upang maging extra special ito!
6. Sneakers
Image from Freepik
Kung sa tingin mo naman ay hindi masyadong mahilig sa sports ang iyong asawa o tatay, baka sneakers naman ang pasok sa style niya! Isang tip para sa’yo, kumuha ng sneakers na hindi madaling masira dahil siguradong madalas itong magagamit ni dad.
7. Coffee Maker
Para sa mga amang mahilig sa kape, perfect naman ang coffee maker. Ang maganda rito, hindi lang siya kundi ang buong pamilya ang puwedeng makagamit nito!
8. Liquor
Kung gusto mo naman na makapag-relax siya ng kahit isang araw, maari mo rin siyang regaluhan ng alak. Puwede mo siyang tanungin kung ano ang kanyang gusto upang maiwasan na magkamali ng bibilhin lalo na kung hindi ka marunong sa ganitong bagay.
9. Action Cam
Image from Freepik
Para sa mga techy dads dyan, usong-uso ngayon ang mga action cam. Dahil bukod sa pocket size ito, maganda rin ang quality ng videos at pictures na napo-produce nito!
10. Pomade
Kung stylish si tatay at conscious sa kanyang buhok, marami ring mga pomade na murang-mura lang pero tiyak na magagamit niya!
11. Perfume
Marahil ay madalas na itong ibigay sa mga ama tuwing Father’s day pero ang perfume ay nagagamit naman madalas kaya sure na hindi sayang ang iyong pera rito. Para makasigurong perfect ang mabili mong scent, alamin kung ano ang kanilang signature!
Ito ay ilan lamang sa mga puwede mong i-regalo sa iyong asawa o tatay ngayong Father’s day pero ang pinakamahalaga, huwag kalimutan na i-appreciate sila. Kilala ang mga ama sa pagiging praktikal kaya maaaring pigilan ka nila sa pagbigay ng regalo. Pero ganun pa man, sikapin na kahit munting regalo ay mayroon ka para sa kanya!
Source:
ProductNation
Basahin:
Father’s Day guide: What to do on his special day
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!