Fertility Diet: Mga pagkain na nakakapag-increase daw ng chance na mabuntis?

lead image

Isang mainam na paraan para mabuntis ang pagsisimula ng isang fertility diet na naglalayong gawing mas fertile at malusog ang iyong katawan.

Para sa maraming mag-asawang gustong magkaanak, malaking concern ang fertility. Siyempre, kung mayroong problema sa fertility ang isa sa kanila, ay magiging mahirap ang pagkakaroon ng anak. Ngunit alam niyo ba na mayroong isang simple at epektibong paraan para mabuntis?

Ito ay ang tinatawag na fertility diet, at isa itong safe at natural na paraan upang ma-boost ang fertility ng isang babae.

Fertility diet: Isang mainam na paraan para mabuntis

Tulad ng ibang diet, mayroong mga nirerekomendang pagkain na kainin ang fertility diet. Ito ay binubuo ng mga masusustansiyang pagkain na makakatulong upang gawing malusog at malakas ang katawan ng ina.

Isa itong mainam na paraan para mabuntis dahil malaki ang epekto ng kalusugan ng isang ina sa kaniyang fertility. Mainam rin ang ganitong klaseng diet para sa mga ama upang gumanda ang kanilang sperm quality at sperm count.

Para sa mga gustong magsimula ng fertility diet, heto ang dapat kainin:

1. Mga pagkaing maraming antioxidants

Nakakatulong ang mga antioxidants mula sa mga prutas, mani, at grains upang mabawasan ang dami ng free radicals sa katawan. Ang mga free radicals na ito ay nakakaapekto sa quality ng sperm at egg cells.

Puwede ring uminom ng mga supplements na mayroong folate at zinc upang madagdagan ang antioxidants sa katawan.

2. Kumain ng marami sa almusal

Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong raw makabawas sa epekto ng PCOS o polycystic ovarian syndrome ang pagkain ng marami sa umaga.

Ito ay dahil nakakababa ng insulin at testosterone levels ng katawan ang dagdag na calories sa umaga. Kaya't sa mga babaeng mayroong PCOS, bakit hindi subukan na kumain ng mas marami sa almusal?

3. Umiwas sa trans fats

Ang trans fats ay karaniwang natatagpuan sa pagkain tulad ng cake, tinapay, chips, popcorn etc. Karamihan ng mga junk foods ay mayroong mga trans fats.

Naapektuhan nito ang insulin sensitivity ng katawan, na nakakaapekto sa fertility ng mga babae.

Kaya't mabuting umiwas sa mga ganitong fats, at kumain ng mga healthy fats tulad ng galing sa olive oil at mga nuts.

4. Magbawas sa carbohydrates

Nirerekomenda ng mga doktor sa mga inang mayroong PCOS ang magbawas ng kinakaing carbohydrates. Ito ay upang bumaba ang kanilang timbang, insulin levels, at mabalanse ang kanilang mga hormones.

Sa halip na carbs, kumain na lamang ng mga masustansiyang gulay at prutas.

5. Magbawas rin sa pagkain ng karne

Mas healthy sa fertility ng mga ina ang plant-based na sources ng protein kumpara sa animal-based. Ibig sabihin, bawasan ang pagkain ng isda, baka, baboy, manok atbp. at palitan ito ng mga beans, tofu, at iba pang gulay na mayaman sa protein.

Nakakatulong rin sa pag-boost ng fertility ang pagkain ng plant protein.

6. Uminom ng vitamin supplements

Nakakatulong ang zinc, folate, at iron upang maging mas fertile ang isang ina. Kung sa tingin mo ay kinukulang ang iyong mga vitamins na nakukuha sa pagkain, walang problema sa pag-inom ng mga vitamin supplements para dito.

7. Umiwas sa caffeine

Ang caffeine ay isang sanhi ng infertility, at mabuting iwasan ng mga magulang na gustong magkaroon ng anak. Mas nahihirapan raw magkaroon ng mga anak ang mga babaeng araw-araw umiinom ng kape.

8. Umiwas sa alak 

Hindi nakakatulong ang alak sa mga inang gustong magkaroon ng anak. Kaya't kung may plano kayo ng iyong asawa na magkaanak, mabuting umiwas muna sa pag-inom ng alak para madagdagan ang posibilidad na makabuo kayo ng baby.

 

 

Source: Healthline

Basahin: Signs ng infertility sa babae

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!