X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya

5 min read
1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya

Narito ang mga recipe ideas na maari mong ihanda sa inyong pamilya na budget-friendly pero healthy.

Filipino meal plan for a month recipe ideas na perfect ngayon sa ipinatutupad na community quarantine.

Filipino meal plan for a month

Image from Freepik

Humaharap sa malaking pagsubok ngayon ang mga Pilipino. Hindi lamang dahil sa banta ng coronavirus, kung hindi pati narin sa pagsisigurong mabibigyan ng sapat at masustansyang pagkain ang buong pamilya sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine. Dahil ayon sa CDC, maliban sa madalas na paghuhugas ng kamay ay dapat ring mag-stock ng pagkain ang bawat household o kabahayan. Ito ay upang maiwasan na ang paglabas ng bahay at hindi na mahawa pa sa kumakalat na virus.

Pag-freeze ng pagkain para maka-save

Isang paraan nga upang maka-save ng pagkain na pang-matagalan ay ang pag-frefreeze nito. O ang pagluluto ng pagkain ahead of time, saka ito itago at ilagay sa freezer. Upang ito ay hindi masira at makain sa mga susunod na araw pa o linggo.

Ito ay ayon sa dietician na si Alice Henneman mula sa University of Nebraska-Lincoln sa Lancaster Country, USA.

“A simple quick-cooking technique is to make extra food at one meal and freeze for future meals. Or, to prepare food ahead and freeze for enjoying at a later time.”

Ito ang bahagi ng artikulong isinulat ni Henneman tungkol sa kahalagahan ng pag-frefreeze ng pagkain. Dagdag pa niya halos lahat ng pagkain ay maaring mailagay sa freezer. Kahit ang mga liquid foods tulad ng soups at stews. At ang mga ito ay ligtas paring kainin ng hanggang sa tatlong buwan. Basta’t ito ay hindi pa nakikitaan ng freezer burn o discoloration at damage.

1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya

Image from AHS

Kaya naman sa panahong ito na sumasailalim sa malawakang quarantine ang ilang parte ng bansa ang pagfrefreeze ng pagkain ang isa sa mga paraang makakatulong sa mga Pilipino upang maka-survive. Ang kailangan lang ay maging madiskarte sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Ito ay upang makatipid habang sinisiguro na masustansya ito para sa buong pamilya.

Ang sumusunod na family meal plan for a month ay maaring gamiting halimbawa:

Filipino meal plan for a month recipe ideas

Upang masigurong magkakasya ang inyong budget sa loob ng isang buwan ay mabuting magluto ng isang beses na maramihan. Saka ito palimigin at ilagay sa mga freezer bags na nakahati-hati na base sa mga araw na ihahanda ito sayong pamilya. Ilan sa mga putaheng maari mong ihanda ay ang mga sumusunod:

Ginisang giniling na baboy

Filipino meal plan for a month

Maliban sa puwede itong pang-ulam sa tanghalian at hapunan, ay maari ring itorta ang ginisang giniling na perfect naman sa agahan. Puwede ring magtabi nito bilang pang-sahog sa gulay. O kaya naman ay gawin itong burger patty na pwedeng ipalaman sa tinapay para sa meryenda. Pwede rin itong gawin torta. Lagyan lang ito ng patatas at carrots para healthy at enticing tingnan para sa mga tsikiting.

Adobong manok

Filipino meal plan for a month

Ang adobong manok ay isa ring putahe na budget-friendly. At maliban sa pang-ulam ay marami rin itong puwedeng pag-gamitan tulad ng ginisang giniling. Puwedeng himayin ang adobong manok para isahog sa ginisang gulay. Tulad ng ginisang sayote o repolyo. Puwede rin itong isahog sa sopas pang-agahan. O kaya ihalo sa mayonnaise at cheese at ipalaman sa tinapay. Puwede ring gamitin itong toppings sa pizza. Dagdagan lang ito ng cheeze at ketchup o spaghetti sauce.

Paksiw na isda

Filipino meal plan for a month

Ang paksiw na isda ay isa rin sa pang-matagalan at tipid na ulam para sa pamilya. Dahil sa ito ay may suka, hindi na kailangan itong i-freezer pa. Itabi lang ito sa ref at prituhin saka i-pares sa ginisang gulay. O kaya naman ay igisa sa kamatis at itlog para maging sarciadong isda. Pwede ring haluan ito ng toyo para maging adobo. O himayin ng maliliit na piraso, haluan ng pinong piraso ng carrots at patatas at gawing lumpia.

Nilagang baboy

1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya

Ang nilagang baboy ay isa ring paboritong putahe ng mga Pinoy. Tulad ng mga naunang putahe ay marami ring maaring gawin pang putahe mula rito. Perfect itong ulam sa tanghalian at hapunan. Lalo na kung ito ay may halong patatas at repolyo na puno ng sustansya. Puwede ring ilevel-up ang lasa nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng saging na saba para maging pochero. Maari ring magtabi ng bahagi ng nilagang baboy para gawing sinigang o adobo sa mga susunod na araw. O kaya naman ay maghimay ng piraso nito na maaring isahog sa ginisang gulay o pancit. Kaya naman ay himay-himayin ito saka gawing shredded pork na pwedeng i-partner sa pritong itlog sa agahan. O kaya naman ay ipalaman sa tinapay na may timplang magugustuhan ng buong pamilya.

Ang mga nabanggit na putahe ay ilan lamang sa mga puwede ninyong ihanda na pasok sa budget at maraming ibang putahe pa ang magagawa. Siguraduhin lang na tama at maayos ang pagtatabi ng mga ito. At hati-hatiin sa bahaging sasapat sa pangangailangan ng buong pamilya sa buong buwan.

Source:

The Kitchnn, UNL Food, CDC

Photo:

Freepik

18 delicious recipes you can make… using your rice cooker!

 

 

 

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • 1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya
Share:
  • 11 ulam recipes na nagkakahalaga ng P100 or less

    11 ulam recipes na nagkakahalaga ng P100 or less

  • Ikaw naman daddy! Easy recipes na maaari mong lutuin para kay mommy ngayong Mother's Day

    Ikaw naman daddy! Easy recipes na maaari mong lutuin para kay mommy ngayong Mother's Day

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 11 ulam recipes na nagkakahalaga ng P100 or less

    11 ulam recipes na nagkakahalaga ng P100 or less

  • Ikaw naman daddy! Easy recipes na maaari mong lutuin para kay mommy ngayong Mother's Day

    Ikaw naman daddy! Easy recipes na maaari mong lutuin para kay mommy ngayong Mother's Day

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.