Fireworks display 2024 Philippines: Naiisip niyo rin ba na imbes na sa bahay ay sa labas niyo na sasalubungin ang bagong taon this year? Kung naghahanap kayo ng magandang spot kung saan niyo mapapanood ang mga naggagandahang fireworks display, narito ang ilang New Year’s countdown events na maaaring puntahan ng inyong pamilya.
Fireworks display 2024 Philippines: New Year’s Countdown Events sa Metro Manila
Eastwood City Mall
Masayang New Year’s Eve party ang magaganap sa Eastwood City Mall Open Park sa Quezon City. Makikiparty ang mga kilalang artista tulad nina KD Estrada at Alexa Ilacad. At syempre hindi mawawala ang mga performer at singers tulad nina Morissette Amon, Sunkissed Lola, Armi Millare, Player Two, at Silent Sanctuary.
Tiyak na ma-eenjoy ng pamilya ang masayang pagtitipon na ito at syempre hindi mawawala ang fireworks display 2024 Philippines sa mga dapat abangan.
Magsisimula ang nasabing event ng alas-6 ng gabi ng Disyembre 31, 2023 at sasalubungin ang taong 2024.
Bonifacio High Street
OPM meets K-POP naman ang tema ng New Year’s Countdown to 2024 sa Bonifacio Global City sa Taguig. Kung saan ay tampok ang mga OPM artist na sina Ely Buendia, KZ Tandingan, Adie, at Zack Tabudlo. Kaabang-abang din ang performances ng K-POP group na Red Velvet.
Ayala Avenue New Year’s Eve Countdown to 2024
Hindi rin pahuhuli sa party ang Makati! Noon pa man ay kilala na ang lungsod sa pagbibigay ng stage para sa mga best Filipino talent sa kanilang New Year’s Eve party.
Ngayong taon ay gaganapin ang Countdown to 2024 party sa intersection ng Ayala Avenue at Makati Avenue. Magsisimula ang pre-show party ng alas-6 ng gabi at susundan ito ng 5-hour main celebration na magsisimula naman ng alas-7 ng gabi. Magtatapos ang pagdiriwang ganap na alas-12 ng madaling araw kung saan ay magliliwanag ang grand fireworks and light show display.
Inaasahang magtatanghal sina Regine Velasquez-Alcasid, SB19, Al James, at Sponge Cola. Magpe-perform din ang mga musical theater artists na sina Gab Pangilinan, Myke Salomon, Phi Palmos Jep Go, Jillian Ita-as, Shaira Opisimar, Marynor Madamesila, at MC Dela Cruz.
Bridgetowne: Light the Towne
Isang iconic na pagdiriwang din ng bagong taon ang gaganapin sa Bridgetowne Concert Grounds sa Pasig City. Matutunghayan mo na ang tinaguriang world’s tallest art installations na The Victor, makikisaya kapa sa mga celebrity tulad ng bandang Sandwich at Motherbasss. Kasama pa si MC Pao Avila, DJ loonyo, DJ Alondra, at DJ Jet Boado.
Dadalo rin sina Kaladkaren at Princess Legaspi bilang mga host ng New Year’s party. Isang gabi ito na puno ng musika at liwanag.
Fireworks display 2024 Philippines: Quezon City Memorial Circle
Taun-taon ding hindi pakakabog ang Quezon City sa pagsalubong ng bagong taon. Ngayong taon nga ay mga bigating celebrity ang magpapasaya sa New Year’s Eve countdown sa lungsod. Tampok si Vice Ganda. Pati na rin ang Mayonnaise, The Dawn, Cueshe, Imago, Orange and Lemons, Shamrock, Captivating Katkat, Precious Paula Nicole, Arizona Brandy, Bernie, Autotelic, Tropical Depression, Bassilyo, Allan K, Boobay and Tekla, Tuesday Vargas, Uma, KDolls, Buganda, at DN Poweedance. O di ba, talagang sobrang saya ng New Year’s party na ito.
Susundan ang mga performances ng magarbong fireworks display. Magsisimula ang party ng alas-4 ng hapon ng December 31 sa Quezon Memorial Circle.
Mall of Asia Seaside Boulevard: Kapuso Countdown to 2024
Grand comeback naman umano ang dapat abangan sa MOA Seaside Boulevard. Tampok sa New Year’s Eve party ang mga Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Kyline Alcantara, Ysabel Ortega, Kristoffer Martin, Faith Da Silva, Sofia Pablo, at marami pang iba.
Kasama rin sa line up ng performers ang PPop groups na Hori7on, 1621 BC, 1st. ONE at Calista.
Para naman sa mga magdiriwang sa kanilang bahay, maaaring mapanood ang Kapuso Countdown to 2024 nang LIVE sa GMA mula alas-10 ng gabi ng December 31.
Mommy and daddy, free admission ang mga nabanggit na pagdiriwang ng bagong taon. Kaya naman, asahan ang pagdagsa ng mga tao. Tiyaking ligtas ang inyong mga anak sa panonood ng mga pagtatanghal at ng fireworks display 2024 Philippines.