Parents' Guide: 10 First Aid tips na dapat malaman ng lahat ng magulang

undefined

Kung ikaw ay may anak, importanteng matutunan ang first aid techniques para sa mga posibleng maging aksidente o kondisyon ng mga sanggol at bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • First aid techniques sa batang kinukumbulsyon
  • Tips para sa mga magulang

First aid techniques sa batang kinukumbulsyon

Importante ang masigurong ligtas ang ating mga anak at kaanak, lalo pa kung mga batang paslit at sanggol ang inaalagaan.

Hindi maiiwasan ang aksidente pero ang mahalaga ay maging handa para hindi na lumala pa ang kalagayan. Kaya mahalagang malaman ng mga magulang ang mga first aid techniques.

Narito ang ilang karaniwang emergencies na nangyayari sa mga bata, at kung ano ang dapat gawin, bago pa makarating ang ambulansiya o madala sa ospital ang pasyente.

Ito ay ayon sa Paediatric First Aid Training Handbook ng Highfield International Middle East. Bagamat karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng training, maiging malaman ito para sa mga oras ng emergency.

1. Mga maliliit na bagay na naipasok sa ilong o tainga

Natural sa mga sanggol hanggang toddlers ang naglalagay ng kung anu-anong maliliit na bagay sa ilong, bibig at tainga. Kapag napansing hirap huminga, namamaga ang ilong, o may dugong lumalabas mula sa ilong, maaaring may nakabara dito.

Kung nasa tainga ang bagay na nakabara, maaaring hindi nakakarinig ang bata, at hindi ito tumitingin kapag tinatawag. Narito pa ang mga first aid techniques na kailangan mong malaman.

Ang paraang ‘block, blow, breathe easy’ ay ginagawa para matanggal ang bara kung sa ilong ito. Tinatakpan ng daliri ang butas ng ilong na walang bara.

Ilapat ang bibig sa bibig ng batang pasyente, at hipan ito ng di gaanong malakas. Nakakagulat pero paniguradong lalabas ang bagay na nakabara sa kabilang butas ng ilong.

Iupo ang bata at ipaliwanag nang mabuti kung bakit hindi dapat nagpapasok ng kahit ano sa mga butas ng mukha.

Kung hindi komportable, dalhin ang pasyente sa Emergency Room para matanggal ng mga medical experts ang bara. Huwag susungkitin ang bagay nang walang tulong ng  Hikayatin ang bata na huminga sa bibig, at iwasang singhutin pa ito.

first-aid-techniques-malaman-magulang

First aid techniques sa batang kinukumbulsyon | Image from Freepik

2. Pagkalunod

Hindi lang sa swimming pool nangyayari ang pagkalunod. Mayong mga batang nalulunod sa bath tub, toilet bowl o balde o batya na puno ng tubig.

Huwag iiwanan ang bata sa anumang lugar na may tubig, at siguraduhing ang bibig at ilong ay nakalabas o lagpas sa lebel ng tubig.

Kung ang bata ay walang malay dahil sa suspetsang pagkalunod, TUMAWAG  o magpatawag kaagad ng ambulansiya sa 911. Ito ang unang hakbang palagi sa anumang emergency situation, lalo kung bata ang pasyente.

First aid techniques sa batang kinukumbulsyon

Tawagin ang bata sa pangalan at tapikin nang bahagya ang kanyang talampakan. Huwag alugin ang bata. Buksan ang airway o bibig ng bata at itaas ng bahagya ang baba nito, habang hawak ang noo nito, gamit ang iyong isang kamay.

Ilapit ang iyong tainga sa bibig ng bata at pakinggan kung humihinga siya, habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng dibdib.

Kung normal ang paghinga ng bata, hawakan ito at ihele, habang ang kaniyang ulo ay bahagyang nakatuon pababa (patingala). Kung hindi humihinga ang bata, huwag buhatin o galawin ito.

Bigyan siya ng Cardiopulmonary resuscitation (CPR). May kaunting pagkakaiba ang CPR para sa mga sanggol kaysa sa mga matatanda. Ilagay ang bata sa sahig o anumang patag na lugar.

Lumuhod o tumayo sa tabi ng bata. Ituro paitaas ang baba (chin) ng bata, na parang pinapatingala ito. Pisilin ang ilong, dinidiinan ang mga butas, at ilapat ang bibig sa bibig ng bata para bigyan siya ng 2 rescue breaths, habang pinagmamasdan ang dibdib kung taas-baba ba ito.

Gamit ang 2 dailiri sa gitna ng dibdib ng bata, bigyan siya ng 30 mabibilis na chest compressions na may halos 1.5 inches na lalim. Kapag batang 2 taon pataas, mga kamay na ang ginagamit para sa chest compressions.

Ituloy ito hanggang marinig o makita ang paghinga ng bata, o hanggang dumating ang life, trained responder o EMS professional ng 911, para ituloy ang resucsitation.

first-aid-techniques-malaman-magulang

First aid techniques sa batang kinukumbulsyon | Image from Freepik

3. Choking

Delikado talaga ang mga maliliit na bagay para sa bata dahil una, mahilig nga silang magsubo ng kung anu-ano, pagkain man o hindi; pangalawa, maliit ang airway o lalamunan nila kaya’t madaling mabara ito.

Kung ang bata ay nakikitang hindi makahinga dahil may nakabara sa airway nito, umupo at hawakan ang bata nang nakadapa sa iyong kandungan.

Tapikin nang may kalakasan ang likod ng bata (gitna ng shouldern blades) ng 5 beses, habang sinusuportahan ang ulo. Pagmasdan kung may lumabas na ang bara, o tingnan ang loob ng bibig ng bata kung makikita ang nakabara.

Kung kayang alisin o sungkitin ng kamay, gawin ito. Ingatan na huag maitulak paloob. Kung hindi pa rin maalis ang nakabara, tumawag na ng ambulansiya.

4. Anaphylactic shock dahil sa allergy

Ang anaphylactic shock ay malalang allergic reaction, kadalasan ay sa mani o anumang nuts, o di kaya ay mga shellfish. Mabilis ang paglala ng isang allergic reaction, kaya’t kailangan mabilis ang aksiyon.

Pwedeng mamaga, magkaron ng rashes, pagsasara ng airway, magsuka, hindi makahinga, o di kaya ay magkaron ng diarrhea. Kung alam nang may allergy ang bata, dapat ay palaging nakahanda ang epi-pen na nagibibgay ng epinephrine sa blood stream kapag nainiksiyon ito.

Ang epinephrine ang nakakatanggal  ng pamamaga sanhi ng allergic reaction. Kung sa tingin mo ay malala ang atake, itawag agad sa 911 bago pa bigyan ng first aid. Kung hindi humihinga o hirap sa paghinga, simulan ang CPR.

5. Seizure

Kapag may atake ng seizure, kadalasang may mataas na temperatura dahil ang utak ng bata ay hindi pa nedevelop nang maayos, at hindi kinakaya ang pagtaas ng temperatura.

Nanginginig ang bata at nakasara ang mga kamay, nakaliyad at naninigas ang buong katawan, nakatirik ang mata o nakapikit, mapula ang mukha at maaaring naglalaway.

Minsan, may pagsusuka, at naiihi. Kung seizure ang suspetsa, huwag buhatin o galawin ang bata. Maglagay ng mga unan sa paligid para hindi mauntog ang ulo sa sahig, at alisin ang anumang bagay na delikado para sa bata.

Kapag tumigil ang seizure, saka pa lang kargahin ang bata at ihele, habang bahagyang nakaturo pababa ang noo (patingala) ng bata. Tumawag ng ambulansiya o dalhin agad sa doktor ang pasyente.

BASAHIN:

12 things you ABSOLUTELY need in baby’s first-aid kit

Emergency first aid for common household injuries: Important info for parents

First aid tips: What to do if your child has an asthma attack

6. Pilay o dislocation

Fragile pa ang mga buto ng isang sanggol at bata. Kaya’t madaling ma-dislocate o mapilayan. Masakit ito, kaya’t malamang ay iiyak ang bata at may pamamaga, pasa, o halatang deformity.

Huwag buhatin ang bata. Maglagay ng sling o broad fold bandage para maiwasang magalaw ang dislocated na buto o pilay. Maaring lagyan ng matigas na bagay o splint (tulad ng wooden ladle o wooden spoon). Dalhin agad sa doktor o emergency room para ma-xray.

Para sa sprain, gawin ang RICE:

R para sa Rest, o ipahinga ng 24 hours

I para sa ice, o lapatan ng yelo sa loob ng 15 minuto, tuwing makailang oras.

C para sa Compression o Comfortable support, o maglagay ng elastic bandage para hindi mamaga.

E para sa Elevation, o itaas ang sprain, nang mas mataas sa heart level.

7. Pagkauntog o iba pang head trauma

Ang malalang head injury ay dahilan ng pagkawalang malay, pagsusuka, pagkahilo, seizure at fluid na tumutulo mula sa tainga at ilong.

Tumawag sa 911 o doktor kung nakitang malala ang tama sa ulo ng bata. Kung bukol lamang ito, lagyan kaagad ng cold compress o yelo na nakabalot sa tuwalya ang bukol. Huwag galawin ang bata; hintayin ang doktor o ambulansiya.

Kung nauntog o tumama ang bata sa isang bagay (pader, sahig, silya, atbp.) pagmasdan ang bata ilang oras pagkatapos. Ang animo’y simpleng untog ay maaaring maging malala, kaya’t kailangan ng maingat na pagmamasid.

Huwag itong patulugin sa loob ng ilang oras pagkatapos ng aksidente. Nahihilo ba siya? Nagsusuka? Masakit ang ulo? Iritable? Nanghihina?

Ang anumang sintomas ng malalang concussion ay hindi agad nakikita. Pagpahingahin ang bata, at kung may nakikitang mga delikadong sintomas, dalhin agad sa doktor para malaman kung may seryosong internal damage.

8. Paso o burns

Kapag napaso ang bata, tingnan kung malala ang tissue damage. Dalhin agad ito sa ER. Kung minor burns ito, itapat sa dumadaloy na malamig na tubig ang paso o lapatan ng cold compress (hindi yelo) ang apektadong balat.

Huwag lapatan ng yelo, huwag lagyan ng pulbos, huwag pahiran ng toothpaste o anumang ointment o lotion. Alisin ang anumang damit na nakalapat sa paso.

Takpan ang paso ng sterile na gauze at bigyan ng acetaminophen para sa sakit. Huwag kukuskusin ang apektadong paso. Kumunsulta pa rin sa doktor.

first-aid-techniques-malaman-magulang

First aid techniques sa batang kinukumbulsyon | Image from Unsplash

9. Malalang hiwa o sugat

Kung malala ang sugat, dalhin agad sa ospital. Diinan o lagyan ng pressure ang sugat,  para mapigil ang pagdurugo, gamit ang malinis na gauze o piraso ng tela o damit.

Kung may nakatusok sa sugat kaya dumudugo, huwag itong aalisin. Itaas ang bahagi ng katawan na may sugat, nang mas mataas sa puso, at ituloy ang pressure. Siguraduhin lang na hindi mapipigil ang sirkulasyon ng dugo.

10 .Mataas na lagnat

Kung mataas ang lagnat ng bata, kailangan itong pababain sa pamamagitan ng pagpapalamig ng temperatura nito. Maaari kasing mawalan ng malay kapag sobrang taas ng lagnat, nang mahabang panahon.

Paliguan ng malamig na tubig (huwag masyadong malamig) o punasan ang buong katawan ng tuwalyang binasa sa malamig na tubig.

Buksan ang mga bintana, at huwag balutin ng kumot o jacket. Painumin ng maraming fluids o tubig. Dalhin siya sa doktor kung hindi pa rin bumaba ang lagnat pagkalipas ng 48 oras.

Ang first aid o unang lunas ay para maagapan ang paglala ng anumang kondisyon. Tandaan na hindi lahat ng kondisyon ay pwedeng gamutin sa bahay lamang, at hindi sapat ang first aid lamang.

Kailangan pa ring dalhin sa doktor para maeksamin nang maayos ang pasyente, lalo na kung sanggol ito.

Narito ang First aid kit para sa inyong bahay

Kung may baby at bata sa bahay, mahalagang may First aid kit para sa mga emergency. Laman nito ang mga sumusunod:

  • non-glass thermometer
  • mild cleanser, at mild antiseptic wipes
  • nasal aspirator
  • pain relief medication suited para sa mga bata
  • epi-pen (kung nireseta ng pediatrician)
  • cold compress (nakalagay sa freezer) at hot compress
  • mga plaster strips (iba-ibang size)
  • gauze
  • mga numero ng doktor, ospital, mga magulang at malapit na kaanak, nakasulat sa labas ng kit.

Source:

WebMD, HealthyChildren, FirstAidForLife

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!