7 sex positions para ma-stimulate ang iyong G-spot

lead image

Makakatulong ang mga g-spot sex positions na ito upang maging mas masarap, kakaiba, at exciting ang mga gabi ninyo ni mister.

Pagdating sa usapin ng sex, hinding-hindi maikakaila kung gaano ka-importante ang papel ng g-spot ng babae. Ito ay isang grupo ng mga nerves sa loob ng vagin na nakakapagbigay ng dagdag stimulation. Upang mas ma-stimulate ito, mainam na gumamit ng iba't-ibang mga g-spot sex positions na siguradong tatamaan ang sensitibong bahagi na ito.

Upang mapadali ito para sa inyong mag-asawa, heto ang 7 positions upang mas maabot at matamaan ang sensitibong bahagi ng iyong vagina.

G-spot sex positions na siguradong magpapainit ng inyong mga gabi

1. G-spot position

Base sa pangalan pa lang, ito ang pinakaepektibong sex position upang ma-stimulate ang g-spot. Sa posisyon na ito ay nakahiga ang babae sa kama, pero nakataas ang kaniyang mga binti, at nakapatong sa balikat ng kaniyang asawa.

Sa ganitong posisyon papasok si mister, at magiging madali para sa kaniya ang tamaan ang sensitibong bahagi ng vagina at mahanap ang g-spot.

2. The Acrobat

Sa position na ito, nakahiga sa kama ang lalake, at nakahiga sa taas niya ang babae. Variation ito ng reverse cowgirl position, at sa ganitong posisyon ay mas naabot ng lalake ang g-spot.

Nagbibigay rin ito ng control sa babae, at sa position na ito ay puwedeng i-stimulate ng lalake ang nipples ng babae para sa dagdag na sensation.

3. Launch Pad

Sa Launch Pad position, halos katulad rin ng G-spot position ang magiging posisyon ninyo ng iyong asawa. Ngunit sa halip na nakapatong sa balikat ang iyong mga paa, ay naka-bend ang iyong tuhod at nakaapak ka sa dibdib ng iyong asawa.

Mas nadaragdagan ng ganitong posisyon ang control mo sa pagpasok ng iyong asawa, at mas malalim rin ang naabot ng pag-penetrate niya sa iyo.

4. Pearly Gates

Ang pearly gates ay halos kaparehas din ng Acrobat position. Ang pinagkaiba nga lang ay sa halip na naka-bend ang iyong mga binti, ay naka-stretch ang mga ito.

Mainam ito kung hindi ka gaanong komportable sa Acrobat position, dahil makukuha mo rin naman ang benefits ng Acrobat sa position na ito.

5. Exposed Eagle

Sa exposed eagle, naka pa-L na posisyon ang iyong asawa sa kama, habang ikaw naman ay uupo sa kanya, at dahan-dahang hihiga. 

Kinakailangan ng kaunting flexibility ng position na ito, kaya't huwag mag-alala kung nahihirapan kang gawin ito. Medyo advance na position kasi ang Exposed Eagle, pero siguradong kapag nagawa mo na ay madaragdagan ang iyong sexual pleasure.

6. Bouncing Spoon

Sa ganitong posisyon ay nakaupo ulit na pa-L ang iyong asawa. Habang ikaw naman ay uupo sa kaniya, pero naka-bend ang iyong tuhod at ang iyong mga paa ay nakatalikod.

Ito ay isang variation sa spooning na position, at nagbibigay ito ng control sa iyo upang makuha mo ang pinakamainam na posisyon para magkaroon ng orgasm.

7. Deep Impact

Base sa pangalan pa lamang ng position na ito, siguradong mas malalim ang maaabot ng iyong asawa.

Katulad ito halos ng G-spot position, pero ang malaking pinagkaiba ay nakabend ng kaunti ang binti ng iyong asawa. Ito ay upang mas makapasok siya ng malalim sa iyo. 

Siguradong makakaabot ka ng orgasm sa position na ito dahil talagang nakatutok ang iyong asawa sa mismong lugar ng iyong g-spot.

 

Source: Bad Girls Bible

Basahin: 16 “Woman on top” sex positions na magpapainit ng inyong buhay mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner