Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

Panatilihing malinis ang tenga at umiwas sa impeksyon sa tulong ng mga paraan na ito.

Gamot sa luga at ligtas na paraan ba ang hanap mo para matagal ang dumi o tutule sa iyong tenga? Narito ang mga paraan na maaring gawin at bagay na dapat mong malaman tungkol sa iyong tenga.

Gamot sa luga

Image from Freepik

Tamang paraan ng paglilinis ng tutule o dumi sa tenga

Ang tutule o earwax ay ang duming naiipon sa ating tenga na kilala rin sa tawag na cerumen.

Bagamat ito ay tinuturing na dumi, ang earwax ay pinoprotektahan ang ating tenga mula sa alikabok, mga foreign articles at mga microorganisms na maaring makasama rito. Pinoprotektahan din nito ang ating ear canal skin mula sa iritasyon.

Madalas ang sobra o excess earwax ay kusang lumalabas sa ating tenga. Ngunit may mga pagkakataon rin na ito ay hindi nailalabas ng kusa, tumitigas at nagiging balakid sa ating tenga upang maayos na makarinig na kung tawagin ay earwax buildup.

Gayunman, ang paglilinis o pagtanggal ng tutule sa tenga ay dapat maging maingat. Dahil minsan sa ating paglilinis ay mas naitutulak pa natin papasok ang tutule sa loob ng ating tenga na maaring magdulot naman ng earwax blockage.

Kung mapabayaan ang earwax buildup sa ating tenga ay maaring magdulot ng impeksyon na kung tawagin ay luga o otitis media. Isang kondisyon na nagdudulot ng pananakit ng tenga at iritasyon sa makakaranas nito.

Sintomas ng earwax buildup

Ngunit paano nga ba nalalaman na may earwax buildup kana? Narito ang mga sintomas:

  • Pansamantalang pagkawala ng pangdinig
  • Tinnitus o ang pagkakaroon ng ringing o buzzing sound sa tenga
  • Pakiramdam ng fullness o pagkapuno ng tenga
  • Pananakit ng tenga
Sintomas ng impeksyon sa tenga

Ang mga sintomas naman na maaring nagdulot na ng impeksyon ang earwax buildup sa tenga ay ang sumusunod:

  • Sobrang pananakit sa tenga na hindi nawawala
  • Lagnat
  • Ubo
  • Mabahong amoy mula sa tenga
  • Pagkahilo
Mga paraan ng paglilinis ng tenga

Para naman malinis ang mga earwax sa tenga ay narito ang mga paraang maaring gawin.

  • Paggamit ng cotton swabs sa labas lang iyong tenga
  • Pagpapalambot sa earwax sa tulong ng mineral oil, baby oil o hydrogen peroxide
  • Ear irrigation na dapat ay maisagawa sa tamang paraan o sa tulong ng doktor

Kung sakali namang nauwi na sa impeksyon o nagkaroon ng luga ang tenga, narito ang mga paraan at gamot sa luga.

Gamot sa luga

Madalas ang ear infection o pagkakaroon ng luga ay kusa ring nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo. Ngunit para makayanan ang sakit, ang gamot sa luga na maaring gawin ay mga ito:

  • Paggamit ng warm compress o ang paglalagay ng towel na pinigaan sa maligamgam na tubig sa nanakit na tenga dahil sa impeksyon,
  • Isa pang gamot sa luga ay ang pag-inom ng mga pain medication mula sa doktor gaya ng acetaminophen o ibuprofren. Ang mga pag-inom ng gamot sa luga na ito ay dapat may preskripsyon ng doktor.
  • Antibiotic therapy o ang pag-inom ng antibiotics

Pero para hindi na uminom at mamoblema pa sa gamot sa luga ay mas mabuting iwasan nalang ito.

Paano maiwasan ang luga o ear infection
  • Umiwas sa pagkakaroon ng sipon at iba pang sakit. Isang paraan para magawa ito ay ang pagpapanatili na malinis ang kamay at hindi paggamit ng kubyertos ng iba para hindi mahawa.
  • Umiwas sa second hand smoke.
  • Pasusuin ang anak na sanggol para mas lumakas ang antibodies niya laban sa mga sakit.
  • Kung pinapadede ang anak sa bote o bottle-feed ay padedein siya sa upright position.
  • Makipag-usap sa doktor tungkol sa vaccinations o bakuna laban sa mga sakit na makakatulong para makaiwas sa ear infections.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sources: Mayo Clinic, Healthline 
Photo: Freepik

Basahin: Ang rason kung bakit hindi dapat cotton buds ang pinapanlinis ng tenga

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner