X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

7 min read
Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildupLuga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

Panatilihing malinis ang tenga at umiwas sa impeksyon sa tulong ng mga paraan na ito.

Gamot sa luga at ligtas na paraan ba ang hanap mo para matagal ang dumi o tutule sa iyong tenga? Narito ang mga paraan na maaring gawin at bagay na dapat mong malaman tungkol sa iyong tenga.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tamang paraan ng paglilinis ng tutule o dumi sa tenga
  • Sintomas ng earwax buildup
  • Sintomas ng impeksyon sa tenga
  • Paano maiwasan ang luga o ear infection

Tamang paraan ng paglilinis ng tutule o dumi sa tenga

Ang tutule o earwax ay ang duming naiipon sa ating tenga na kilala rin sa tawag na cerumen.

Bagamat ito ay tinuturing na dumi, ang earwax ay pinoprotektahan ang ating tenga mula sa alikabok, mga foreign articles at mga microorganisms na maaring makasama rito. Pinoprotektahan din nito ang ating ear canal skin mula sa iritasyon.

Madalas ang sobra o excess earwax ay kusang lumalabas sa ating tenga. Ngunit may mga pagkakataon rin na ito ay hindi nailalabas ng kusa, tumitigas at nagiging balakid sa ating tenga upang maayos na makarinig na kung tawagin ay earwax buildup.

Gayunman, ang paglilinis o pagtanggal ng tutule sa tenga ay dapat maging maingat. Dahil minsan sa ating paglilinis ay mas naitutulak pa natin papasok ang tutule sa loob ng ating tenga na maaring magdulot naman ng earwax blockage.

Kung mapabayaan ang earwax buildup sa ating tenga ay maaring magdulot ng impeksyon na kung tawagin ay luga o otitis media. Isang kondisyon na nagdudulot ng pananakit ng tenga at iritasyon sa makakaranas nito.

Sintomas ng earwax buildup

gamot sa luga sa tenga

Larawan mula sa iStock

Ngunit paano nga ba nalalaman na may earwax buildup kana? Narito ang mga sintomas:

  • Pansamantalang pagkawala ng pangdinig
  • Tinnitus o ang pagkakaroon ng ringing o buzzing sound sa tenga
  • Pakiramdam ng fullness o pagkapuno ng tenga
  • Pananakit ng tenga

Sintomas ng impeksyon sa tenga

Ang mga sintomas naman na maaring nagdulot na ng impeksyon ang earwax buildup sa tenga ay ang sumusunod sa mga bata ay ang mga sumusunod:

gamot sa luga sa tenga

Larawan mula sa iStock

  • Matinding pananakit ng tenga, lalo na kapag nakahiga
  • Nahihirapang makatulog
  • Madalas na pagkaiyak kaysa sa normal
  • Hirap na makarinig o tumugon sa mga tunog
  • Pagkawala ng balanse
  • Pagkakaroon ng lagnat na may 38C o mas mataas pa
  • Mayroong tumutulong tubig o fluid sa tenga
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng ganang kumain
gamot sa luga sa tenga

Larawan mula sa Woman photo created by azerbaijan_stockers – www.freepik.com

Ilang sintomas ng impeksyon sa tenga sa matatanda:

  • Pananakit ng tenga
  • Pagkakaroon ng fluid o tubig mula sa tenga
  • Hirap makarinig

BASAHIN:

Ang rason kung bakit hindi dapat cotton buds ang pinapanlinis ng tenga

Bata, nagkaroon ng amag sa tenga dahil sa laging pagsusuot ng earphone

Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

Mga paraan ng paglilinis ng tenga

Para naman malinis ang mga earwax sa tenga ay narito ang mga paraang maaring gawin.

  • Paggamit ng cotton swabs sa labas lang iyong tenga
  • Pagpapalambot sa earwax sa tulong ng mineral oil, baby oil o hydrogen peroxide
  • Ear irrigation na dapat ay maisagawa sa tamang paraan o sa tulong ng doktor

Kung sakali namang nauwi na sa impeksyon o nagkaroon ng luga ang tenga, narito ang mga paraan at gamot sa luga.

Gamot sa luga

Madalas ang ear infection o pagkakaroon ng luga ay kusa ring nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo. Ngunit para makayanan ang sakit, ang gamot sa luga na maaring gawin ay mga ito:

  • Paggamit ng warm compress o ang paglalagay ng towel na pinigaan sa maligamgam na tubig sa nanakit na tenga dahil sa impeksyon,
  • Isa pang gamot sa luga ay ang pag-inom ng mga pain medication mula sa doktor gaya ng acetaminophen o ibuprofren. Ang mga pag-inom ng gamot sa luga na ito ay dapat may preskripsyon ng doktor.
  • Antibiotic therapy o ang pag-inom ng antibiotics

Pero para hindi na uminom at mamoblema pa sa gamot sa luga ay mas mabuting iwasan na lang ito.

gamot sa luga sa tenga

Larawan mula sa Woman photo created by evening_tao – www.freepik.com

Kumplikasyon na maaaring maranasan

Hindi naman lahat ng impeksyon sa tenga ay may pangmatagalang masamang epekto. Subalit ang pagkakaroon ng luga o impeksyon sa tenga ng paulit-ulit ay maaaring magdulot ng seryosong kumplikasyon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkahina ng pandinig
  • Pagkakaroon ng speech at developmental delay, para sa mga bata.
  • Pagkalat ng impeksyon, na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng cyst o bukol malapit sa tenga.
  • Pagkasira ng eardrum o tearing of the eardrum. Subalit ang mga eardrum tears ay gumagaling naman pagkatapos ng 72 na oras. Pero sa ibang kaso kinakailangan ng operasyon upang maayos ito.

Paano maiwasan ang luga o ear infection?

  • Umiwas sa pagkakaroon ng sipon at iba pang sakit. Isang paraan para magawa ito ay ang pagpapanatili na malinis ang kamay at hindi paggamit ng kubyertos ng iba para hindi mahawa. Ugaliing maghugas lagi ng kamay.
  • Umiwas sa second hand smoke o tumigil rin sa paninigarilyo.
  • I-breastfeed ang anak na sanggol para mas lumakas ang antibodies niya laban sa mga sakit.
  • Kung pinapadede ang anak sa bote o bottle-feed ay padedein siya sa upright position. Iwasan siyang ihiga.
  • Makipag-usap sa doktor tungkol sa vaccinations o bakuna laban sa mga sakit na makakatulong para makaiwas sa ear infections.

Sino ang may mataas na tiyansa na magkaroon ng impeksyon sa tenga?

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga mahalaga rin na malaman kung ikaw ba ang mayroong mataas na tiyansa ng pagkakaroon ng impkesyon sa tenga. Upang malaman ang gamot sa luga sa tenga o impeksyon sa tenga.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Mga batang nasa edad 6 na buwan hanggang 2 taong gulang. Sapagkat ang mga batang nasa ganitong edad ay kadalasang nagkakaroon ng cold at ear infection.
  • Mga batang umiinom sa feeding bottle. Lalo na kapag nakahiga sila, mas mataas ang tiyansa na magkaroon sila ng impeksyon sa tenga kaysa sa mga bata na naka-breastfeed.
  • Ang mga taong may seasonal allergy. Ang pagkakaroon din ng impeksyon sa tenga ay maaaring sanhi ng pagbabago ng panahon. Kaya naman ang mga taong may seasonal allergy ay mataas din ang tiyansa na magkaroon nito.
  • Mga taong exposure pangit na quality ng hangin. Ang exposure sa usok ng sigarilyo o mataas na lebel ng air pollution ay may mataas din na tiyansa ng pagkakaroon ng impeksyon sa tenga.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

Larawan mula sa Woman photo created by prostooleh – www.freepik.com

Ang pagkakaroon ng sintomas at senyales ng impeksyon sa tenga ay maaaring indikasyon ng iba pang kundisyon. Kaya naman napahalaga na ng isang accurate diagnosis at tamang gamot dito. Magpatingin agad sa doktor kapag nakakaranas ng mga sumusunod:

Partner Stories
A TASTE OF THAI: A culinary jewel, Thai food shines bright even in Philippine shores
A TASTE OF THAI: A culinary jewel, Thai food shines bright even in Philippine shores
#SayItWithOreo Makes It Playful to Express Your Fun
#SayItWithOreo Makes It Playful to Express Your Fun
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls
Beginning of Lent: Ash Wednesday Mass Schedules at Megaworld Lifestyle Malls
Lamoiyan Corporation donates 3 million worth of hygiene products for DepEd’s Basic Education Learning Continuity Plan
Lamoiyan Corporation donates 3 million worth of hygiene products for DepEd’s Basic Education Learning Continuity Plan
  • Kung ang sintomas ng impeksyon sa tenga ay hindi pa nawawala pagkatapos ng isang araw.
  • Kapag ang sintomas ay nararanasan ng batang wala pang 6 na buwan.
  • Kung nakakaranas na ng matinding pananakit ng tenga.
  • Kapag ang iyong baby o todller ay hindi makatulog o naiirita.
  • Obserbahan ang discharge o lumalabas na likido sa tenga ng bata, o kung may dugo na bang lumabas.

 

Sources: Mayo Clinic, Healthline, ClevelandClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup
Share:
  • Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

    Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

  • Maling posisyon sa pagpapadede gamit ang feeding bottle, maaaring maging sanhi ng ear infection sa mga babies

    Maling posisyon sa pagpapadede gamit ang feeding bottle, maaaring maging sanhi ng ear infection sa mga babies

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

    Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

  • Maling posisyon sa pagpapadede gamit ang feeding bottle, maaaring maging sanhi ng ear infection sa mga babies

    Maling posisyon sa pagpapadede gamit ang feeding bottle, maaaring maging sanhi ng ear infection sa mga babies

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.