X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pamamaga ng paa: Sanhi, sintomas at gamot para dito

6 min read
Pamamaga ng paa: Sanhi, sintomas at gamot para ditoPamamaga ng paa: Sanhi, sintomas at gamot para dito

Narito ang ilan sa dahilan kung bakit namamaga ang paa at ang mga paraan kung paano ito malulunasan.

Gamot sa pamamaga ng paa, narito kung anu-ano base sa sinasabing posibleng dahilan nito. Pati na ang mga paraan kung paano ito maiiwasan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga posibleng dahilan ng pamamaga ng paa
  • Ano ang mga pwedeng gamot sa pamamaga ng paa
gamot sa pamamaga ng paa

Image from Freepik

Gamot sa pamamaga ng paa

Ayon sa health website na Healthline maraming posibleng maging dahilan ang pamamaga ng paa. Maaaring ito ay dahil sa sobrang kalalakad o paggamit nito.

Maaaring ito ay dahil rin sa pagbubuntis o kaya naman ay sa surgery. Pwede ring dahil sa isang karamdaman o sakit kung ito ay hindi agad na gumaling at sinasabayan ng iba pang sintomas.

Ilan nga umano sa posibleng maaaring maging dahilan ng pamamaga ng paa ay ang sumusunod. Pati na ang gamot sa pamamaga ng paa base sa posibleng dahilan nito.

1. Edema o manas

Ang edema o manas ay isang kondisyon na kung saan may excess fluid na na-trap sa ating body tissue. Ito ang nagdudulot ng puffiness o pangangapal sa tissue sa ilalim ng balat sa ating paa, sakong at binti. Maari rin nitong maapektuhan ang ating mga kamay at braso.

Maliban sa pamamaga ng paa ang iba pang sintomas ng edema ay ang sumusunod:

  • Stretched o nangingintab na balat
  • Balat na nagkakaroon ng dimple kapag ito ay nadiinan
  • Paglaki ng tiyan
  • Hirap sa paglalakad

Ito naman ay madalas na kusang gumagaling. Pero ang mga paraan kung paano malunasan at maiwasan ito ay ang sumusunod:

  • Bawasan ang iyong salt intake.
  • Uminom ng 8-10 baso ng tubig araw-araw.
  • Bahagyang pagtaas ng iyong paa sa tuwing nakahiga.
  • Ibabad ang paa sa cool Epsom salt bath sa loob ng 15-20 minuto
  • Gumamit ng support stockings o compression socks.
  • Uminom ng mga diuretic medications.
  • Magdagdag ng magnesium supplements sa iyong diet.
  • Masahiin ang paa.
  • Kumain ng potassium-rich foods.
  • Pag-adjust sa iyong prescription medications.
  • Pagsasagawa ng Legs-Up-the-Wall Pose o pagsandal ng iyong mga paa sa dingding habang ikaw ay nakahiga.
gamot sa pamamaga ng paa

Image from Freepik

2. Pagbubuntis

Ang pamamaga ng paa ay madalas na dulot rin ng pagbubuntis. Ito ay dahil mas maraming tubig na na-reretain ang katawan. At marami rin itong pino-produce na dugo at fluids.

Sa pagbubuntis, ang pamamanas ay madalas na nararanasan tuwing gabi o sa ika-5 buwan ng pagdadalang-tao. Lalo na kapag nakatayo o naglalakad buong maghapon ang babaeng nagbubuntis.

Para mabawasan at malunasan ang pamamaga ng paa sa pagbubuntis, narito ang mga paraang maaring gawin:

  • Iwasang magtatayo ng sobrang tagal.
  • Manatili sa malamig o airconditioned na lugar sa tuwing mainit ang panahon.
  • Itaas ang iyong paa sa tuwing nagpapahinga.
  • Magsuot ng komportableng sapatos at iwasan ang may matataas na takong.
  • Magsuot ng tights o stockings.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon.
  • Lagyan ng cold compress ang namamagang paa.
  • Dagdagan ang iniinom na tubig araw-araw.
  • Bawasan ang pagkain ng maaalat.

3. Pag-inom ng alak o alcohol

Ang pag-inom ng alak ay nagdudulot rin ng pamamaga ng paa. Ito ay dahil nag-reretain rin ng maraming tubig ang katawan matapos ang paglalasing. Kusa naman itong nawawala matapos ang ilang araw. Ngunit kung hindi at madalas nangyayari sa tuwing ikaw ay umiinom maaring palatandaan na ito ng sakit. Maaring ito ay kondisyon na may kaugnayan sa iyong atay, puso o kidney.

Ngunit sa oras na makaranas ng pamamaga ng paa matapos uminom ng alak ay narito ang maaring gawin upang ito ay malunasan.

  • Dagdagan ang iyong water intake.
  • Bawasan ang pagkain ng maalat na pagkain.
  • Magpahinga na nakataas ang paa.
  • Ibabad ang paa sa malamig na tubig.

4. Pamamaga ng paa dulot ng kidney disease

Ang pamamaga ng paa ay maiiugnay sa pagkakaroon ng sakit sa kidney, kung ito ay sinasabayan ng sumusunod na sintomas:

  • Hirap mag-concentrate
  • Walang gana kumain
  • Pakiramdam ng panghihina o pagkapagod
  • Hirap makatulog
  • Kawalan ng energy
  • Muscle cramping
  • Madalas na pag-ihi hindi tulad ng dati
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Hirap sa paghinga
  • Mataas na blood pressure
  • Pananakit ng dibdib

Para sa lunas kinakailangan ng propesyonal na payo ng doktor.

gamot sa pamamaga ng paa

Image from Freepik

5. Pamamaga ng paa dulot ng liver disease

Ang pamamaga ng paa ay maiiugnay sa pagkakaroon ng liver disease kung ito ay sinasabayan ng sumusunod na sintomas:

  • Paninilaw ng balat at mata o jaundice
  • Pangangati ng balat
  • Dark urine
  • Namumula o nangingitim na dumi
  • Fatigue
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Kawalan ng gana kumain
  • Madaling pagpapasa ng katawan

Ilan naman sa ipinapayong paraan upang mapabilis ang recovery at maiwasan ang sakit sa atay na ito ay ang sumusunod:

  • Pagbabawas ng timbang
  • Hindi pag-inom ng alak

6. Mainit na panahon

Tuwing mainit na panahon ay nag-eexpand o namamaga rin ang ating mga ugat dahilan upang mamaga rin ang ating mga paa.

Sa ganitong pagkakataon ang gamot sa pamamaga ng paa na maaring gawin ay ang sumusunod:

  • Ibabad ang paa sa malamig na tubig.
  • Uminom ng maraming tubig.
  • Magsuot ng komportableng sapatos.
  • Magpahinga na nakataas ang paa.
  • Magsuot ng support stocking.
  • Magsagawa ng feet exercises.

7. Injury

Kung ang pamamaga naman ng paa ay dulot ng injury tulad ng pilay o pagkabali ng buto, narito ang maaring gawin upang ito ay malunasan:

  • Ipagpahinga ang paa at iwasan na ito ay mapwersa.
  • Lagyan ng yelo o cold compress ang paa sa loob ng 20 minuto sa buong araw.
  • Gumamit ng compression bandage.
  • Magpahinga ng nakataas ang paa lalo na gabi.
  • Maari ring mag-reseta ang doktor ng pain reliever depende sa lala ng injury.

8. Impeksyon

Isa pa sa maaaring sanhi ng pamamaga sa paa ay impeksyon kaya naman ito namamaga. Katulad na lamang ng mga taong may diabetic neuropathy o iba pang kundisyon sa nerves sa paa ay mataas ang tiyansa mamamaga ang pa.

Maaaring sanhi ito ng mg sugat katulad ng blister, burns, o insects bites. Kapag mayroon nito maaari kang makaranas ng pananakit, pamumula at iritasyon sa iyong paa.

Partner Stories
Hair Care: Why natural is as effective but much better than synthetic
Hair Care: Why natural is as effective but much better than synthetic
3 massive mistakes that makes parenting stressful and how to avoid these forever
3 massive mistakes that makes parenting stressful and how to avoid these forever
Cleaning Appliances That Will Change Your Mind About Chores
Cleaning Appliances That Will Change Your Mind About Chores
Turning big payments into big rewards: Citi Philippines introduces Citi PayAll
Turning big payments into big rewards: Citi Philippines introduces Citi PayAll

Agad na magpatingin sa doktor at ang gamot sa pamamaga ng paa na maaari niyang ibigay ay topical antibiotic para magamot ang impeksyon. 

9. Mainit ang panahon

Ang pamamaga ng paa ay kadalasang nangyayari kapag mainit ang panahon, sapagkat ang veins ay nag-e-expand bilang proseso ng ating katawan. Sa prosesong ito ang mga fluids ay pumupunta sa ating mga tissues.

Subalit sa kabilang banda, ang ating mga ugat ay maaaring hindi makapagdala ng dugo papunta sa ating puso. Kaya naman ang resulta nito ay pamamaga minsan ng ating mga paa o angles. Ang mga taong may problema sa circulation ng dugo ay mas prone dito.

Narito ang mga maaaring gawin upang maibsan ang pamamaga ng paa at magamot ito kahit papaano, ay mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Ibabad ang paa sa malamig na tubig
  • Uminom ng maraming tubig
  • Magsuot ng mga sapatos na makakahinga ang iyong paa at makakagalaw ito ng maayos.
  • I-rest ang iyong legs na naka-elevate position.
  • Magsuot ng support stockings
  • Maglakad-lakad ay gumawa ng mga simpleng leg exercises.

 

Source:

Healthline, Medical News Daily, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pamamaga ng paa: Sanhi, sintomas at gamot para dito
Share:
  • Mga dahilan at lunas ng pamamaga ng gilagid

    Mga dahilan at lunas ng pamamaga ng gilagid

  • Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

    Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

app info
get app banner
  • Mga dahilan at lunas ng pamamaga ng gilagid

    Mga dahilan at lunas ng pamamaga ng gilagid

  • Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

    Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.