TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Grape juice nakasama nang ibigay sa bagong panganak na sanggol!

4 min read
Grape juice nakasama nang ibigay sa bagong panganak na sanggol!

Anu nga ba ang gamot sa paninilaw ng sanggol? Ating alamin kung ano ang masamang epekto ng hindi wastong gamot para sa mga sanggol.

Normal lamang sa mga bagong ina ang mag-alala kapag nagkasakit ang kanilang sanggol. Kaya’t kadalasan, humihingi ng tulong ang mga ina sa mga nakatatanda. Ngunit pagdating sa mga sakit at karamdaman, mas mabuti pa ring sundin ang payo ng doktor. Ito ang natagpuan ng isang ina nang bigyan ang anak niya ng grape juice bilang gamot sa jaundice ng baby.

Sa kaniyang Facebook post, na ibinahagi nang mahigit na 19,000 beses, naikwento ng ina ang kaniyang pinagdaanan.

gamot-sa-paninilaw-ng-sanggol

Ayon sa kaniya, dinala ang kaniyang anak sa ospital dahil sa pag-inom ng grape juice. Sabi raw ng mga matatanda, ito ang gamot sa jaundice ng baby niya. Ngunit sa halip na gumaling, lalo pa itong nakasama sa kaniyang kalagayan.

Ang grape juice kasi ay hindi pa kayang i-digest ng mga bagong panganak na sanggol. Dahil dito, nanatili ang sanggol sa ICU at kinailangang tanggalin ang grape juice sa kaniyang tiyan.

dangers of jaundice remedies

Screenshot: 三个包子一个家 – 小肉包专卖店 Facebook page

Nang dinala sa ospital ang sanggol, nalaman ng mga doktor na mayroong grape juice sa kaniyang tiyan. Tinanong ng doktor kung bakit ito nangyari, dahil breastmilk lang dapat ang iniinom ng sanggol. Kahit sariwang gatas ay posibleng makasama sa bagong panganak na sanggol.

Dagdag pa ng ina na nagmakaawa daw siya sa mga nakatatanda na huwag bigyan ng grape juice o pearl powder ang kaniyang anak. Ngunit ginawa pa rin ito ng nakatatanda at binigyan ng grape juice at pearl powder ang sanggol. Ito raw di umano ang gamot sa paninilaw ng sanggol. Ngunit ito pa ay lalong nakasama sa kalagayan ng bata.

Sa kabutihang palad, gumaling rin ang sanggol at bumuti na ang kaniyang kalagayan. Ngunit kung hindi ito agad naagapan, posibleng mas masama ang nangyari.

Ano ang tamang gamot sa jaundice ng baby?

Ang paninilaw ng sanggol ay tinatawag na jaundice. Ang ganitong uri ng paninilaw ay normal at nangyayari sa 50% ng mga bagong panganak na sanggol. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng maraming bilirubin, na nagmumula sa mga namamatay na red blood cells.

Mas madalas itong nakikita sa mga premature na sanggol, lalo na sa unang linggo ng kanilang buhay.

Kadalasang nawawala ang jaundice o paninilaw matapos ang ilang araw. Ngunit kapag masyado na itong matagal, mabuting magpakonsulta na sa doktor sa halip na gumamit ng kung anu-anong gamot sa paninilaw ng sanggol.

gamot sa paninilaw ng sanggol

Image from Freepik

Ayon sa World Health Organisation (WHO) pinakamainam sa mga bagong panganak na sanggol ang breastfeeding hanggang anim na buwan. Kaya’t hindi magandang bigyan ang iyong anak ng juice habang siya ay sanggol pa lamang.

Nakakalito rin ito minsan para sa mga bagong ina, lalong-lalo na at napakaraming impormasyong mahahanap sa kung saan-saan. Kaya’t pinakamainam pa rin sa mga magulang ang magpakonsulta sa doktor bago bigyan ng ung anu-anong gamot ang kanilang anak.

Kung naninilaw ang iyong anak, marami namang mga safe na paraan upang magamot ito.

1. Paarawan si baby

Para sa ibang sanggol, ginagamit ang tinatawag na phototherapy upang maibsan ang paninilaw. Pero puwede mo ring paarawan si baby upang maging gamot sa paninilaw.

Siguraduhin mo ring huwag ibilad si baby ng direkta sa raw, dahil ito ay magiging sanhi ng sunburn.

2. Siguraduhing kumakain ng maayos si baby

gamot-sa-paninilaw-ng-sanggol

Image from Freepik

Kapag mas madalas uminom ng gatas si baby, magiging mas madalas ang kaniyang pagdumi. Sa kaniyang pagdumi, lumalabas ang bilirubin na naiipon sa katawan ni baby.

Ang mga baby na nag-breastfeed ay kadalasang kumakain ng 8-12 beses sa isang araw.

3. Puwede ring gumamit ng supplemental feeding upang lumakas si baby

Kung kulang ang iyong gatas, o nahihirapan kang magpasuso, puwede ka namang gumamit ng formula milk o kaya gumamit ng kutsara para painumin ng gatas si baby.

Huwag mag dalawang isip-na magpakonsulta sa doktor kung tingin mo ay kulang ang iniinom na gatas ni baby.

Ang jaundice ay posibleng maging sanhi ng brain damage, at pagkamatay kapag pinabayaan lang. Kaya’t kahit na nawawala ito ng kusa, mas mainam pa rin na huwag itong balewalain.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

Sources: Mayo Clinic, Livestrong, Medical News Today

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/dangers-of-jaundice-remedies

 

Basahin: Infant jaundice o paninilaw ng sanggol: Mga importanteng kaalaman para sa mga magulang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Grape juice nakasama nang ibigay sa bagong panganak na sanggol!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko