X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Headache, pagkahilo at pagod: Maaaring ito ang mga sanhi ng mga sintomas na ito

5 min read
Headache, pagkahilo at pagod: Maaaring ito ang mga sanhi ng mga sintomas na itoHeadache, pagkahilo at pagod: Maaaring ito ang mga sanhi ng mga sintomas na ito

Moms, 'wag kakalimutang mag-pahinga.

Help! Anong gamot sa sakit ng ulo ko?

Kahit na halos lahat tayo ay nasa bahay at hindi na kailangang maranasan ng matagal na biyahe papasok ng trabaho dahil may ‘work from home’ naman, bakit nakakapagod pa rin? Actually, parang mas doble pa ang pagod ko ngayong nasa bahay ako kaysa nasa labas. Isabay pa ang kambal na pananakit ng ulo at pagod. Hindi na kayang tumingin sa screen ng laptop para makapag trabaho. Moms! Kaya pa ba?

Sa totoo lang, nag-aalala na ako sa physical health ko pero alam ko ang mga sintomas na ito ay may kaugnayan sa stress ko. Oo, hindi na bago sa atin ang hatiin ang katawan para lang makapag-multitask sa pagtulong sa mga anak na kasalukuyang may online learning. Samahan pa ni bunso na iyak ng iyak dahil gusto ng gatas! Ganito ang pandemic story ko.

gamot sa sakit ng ulo

Gamot sa sakit ng ulo | Image from Freepik

Ayon sa emergency physician at public health professor sa George Washington University, at former health commissioner ng Baltimore na si Dr Leana Wen, mahirap talagang ihiwalay ang mental health at physical health. Ang pag-aalaga ng mga anak ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, depression at pagtaas ng pag-inom ng alak. “That’s why seeking help from your doctor, not waiting until it reaches a boiling point, and seeking help early is important.”

Parenting ngayong COVID-19: Ang totoong nangyayari sa ‘Stay Home’

Noong unang punta ko sa telemedicine appointment ko para talakayin ang mga sintomas, inabisuhan akong magpa-test ng COVID-19. Magandang balita naman dahil negative ako! Pero siyempre, may kapalit ang kasiyahan ko. Ang sabi sa akin, mayroon akong stress na sinamahan ng sinus pressure kaya kinakailangan kong uminom ng Claritin.

Pagkatapos ng isang buwan, dito na ako nakaramdam ng seryosong kondisyon. Kinakailangan kong umupo ng ilang minuto para makaakyat ng hagdan. Ang pananakit ng ulo ko ay lumala at dumating na sa puntong, buong araw akong nakahiga sa kama at hindi makaaalis. Pagkatapos ng pangalawang telemedicine appointment at isa pang coronavirus test, napagalaman na ako ay  anaemic at kailangang ma-confine sa ospital para masalinan ng dugo.

Ayon kay Amanda Zelechoski, isang associate professor ng psychology sa Valparaiso University at co-founder ng Pandemic Parenting, ang pagkakaroon ng hesitation ng mga pasyenteng nakakaranas ng minos symptoms ay dahil sa message na: Stay at home; hayaan niyong makapag-focus ang mga frontliners sa emergency cases.

gamot sa sakit ng ulo

Gamot sa sakit ng ulo | Image from Freepik

Ngunit sa mabilis na pagtaas ng kaso ngayong pandemic, para kay Dr. Zelechoski, ang kasabihan na ito ay kailangang itigil na.

“We have to think about getting back to what that routine care looks like — or when there are concerning things, recognizing that ‘I still need to get it checked out.”

Dagdag pa nito na mas delikado kung hindi masusuri ang mga pasyente.

Ang isang writer mula sa Indianapolis na si Ericka Andersen, may dalawang anak, dahil sa nangyayaring pandemic, nagkakaroong ng delay sa lahat. Hindi niya maiwasang mabahala. “I just want to make sure, as someone who has a history of cancer in my family. That nothing is wrong.”

Ganito rin ang iniisip ni Dr. Wen, na nagkaroon ng cervical cancer at high risk sa breast cancer. “For me, missing my preventive screenings would have a potential physical consequence. But also it would cause an extraordinary amount of stress.” sabi niya. “I would always be thinking about: Should I have gotten screened earlier because I may have cancer?”

Paano malalabanan ang ‘decision fatigue’

Para kay Dr. Zelechoski na may tatlong anak, ang desisyon na ito ay maaaring makadagdag lang ng problema sa mga magulang at palalain ang sitwasyon. Kinakailangan ng mga magulang na malaman ang tamang school. “It’s just not sustainable and it really will start to take a toll.”

gamot sa sakit ng ulo

Gamot sa sakit ng ulo | Image from Unsplash

Kwento naman ni Ojeda, pagkatapos ng nakakapagod na linggo, hinayaan niya ang kaniyang sarili na mag-relax at kalimutan pansamantala ang role ng ‘nanay’. Halimbawa na lang kapag gusto ng kaniyang anak na umorder ng pizza, hahayaan niya ito at tila nakatatandang kapatid lang na walang naririnig na ang solusyon ay kumuha na lang ng pagkain mula sa fridge.

Nakatulong ito para makapag-charge siya at bumalik ang dating sigla para naman makapag-isip ng magiging desisyon kung ililipat na niya sa ibang school ang anak niya.

Payo ni Dr Zelechoski, ‘wag kakalimutan ng mga magulang ang kanilang sarili lalo na ngayong stress sila. “You’re in the middle of a collective global trauma right now.”. Inaabiso niya rin ang mga magulang na madalas magpatingin ng sarili, kung ito ba ay in person o via telemedicine.

 

“When What Parents Are Feeling Is More Than Just Stress” by Sandi Villarreal © 2020 The New York Times Company

Sandi Villarreal is editor in chief of Sojourners, a print and online magazine about faith, culture and politics. She lives with her husband and three children in Washington, D.C.

This story was originally published on 14 October in NYT Parenting and translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

 

BASAHIN:

Partner Stories
Tiger Biscuit rallies an army of moms to raise kids with strength from within
Tiger Biscuit rallies an army of moms to raise kids with strength from within
Jollibee Foods Corporation and PayMaya pioneer conversational commerce with ‘cashless’ ordering chatbot
Jollibee Foods Corporation and PayMaya pioneer conversational commerce with ‘cashless’ ordering chatbot
Glorietta’s Food Choices Reopens with a New Look and an Exciting Dining Lineup
Glorietta’s Food Choices Reopens with a New Look and an Exciting Dining Lineup
P&G Safeguard Philippines encourages Filipinos to embrace the power of safe hands
P&G Safeguard Philippines encourages Filipinos to embrace the power of safe hands

Check-up ng buntis: Mga pagbabago dahil sa COVID-19 pandemic

COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito

6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Headache, pagkahilo at pagod: Maaaring ito ang mga sanhi ng mga sintomas na ito
Share:
  • Paano malalaman kung masakit ang ulo ni baby?

    Paano malalaman kung masakit ang ulo ni baby?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don't have any cellphones, wala silang social media.”

    Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don't have any cellphones, wala silang social media.”

app info
get app banner
  • Paano malalaman kung masakit ang ulo ni baby?

    Paano malalaman kung masakit ang ulo ni baby?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don't have any cellphones, wala silang social media.”

    Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don't have any cellphones, wala silang social media.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.