Kakaibang kirot sa puso ang makitang may sakit ang anak, lalo na kung ito ay nasa bibig at nahihirapan siyang kumain. Narito ang ilang gamot para sa singaw at iba pang mouth problems ng baby.
Kapag masaya ang anak, masaya rin ang magulang. Ngunit may mga pagkakataong malungkot sila o kaya naman umiiyak dahil sa sakit na kanilang nararamdaman dahil sa singaw. Kung may singaw si baby, narito ang ilang home remedies at herbal na gamot sa singaw sa baby na maaari mong subukan.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng singaw ng baby?
Mahihirapang kumain si baby sa tuwing may singaw, kaya narito ang ilang paraan para gamutin ito. | Larawan kuha mula sa Pexels
Ang pagkakaroon ng singaw ng baby ay maaaring may iba’t ibang sanhi. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan:
- Mouth injury: Maaaring magkaroon ng singaw ang baby dahil sa pagkakaroon ng maliliit na sugat o gasgas sa bibig, kagaya ng pagkagat sa labi o loob ng pisngi, o pagkaskas ng toothbrush.
- Mouth burns: Ang pagsubo ng mainit na pagkain ay maaaring magdulot ng singaw sa bibig ng baby.
- Allergy sa pagkain: Ang ilang mga pagkain na maaaring maging sanhi ng allergy sa baby ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng singaw sa bibig.
- Vitamin deficiency: Ang kakulangan sa ilang mahahalagang bitamina tulad ng folic acid, iron, o vitamin B12 ay maaaring magdulot ng paglabas ng singaw sa bibig.
- Herpes virus (HSV-1): Ang herpes simplex virus (HSV-1) ay maaaring magdulot ng singaw sa bibig, na kilala rin bilang cold sores.
- Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD): Ang HFMD ay sanhi ng Coxsackie virus at maaaring magdulot ng singaw sa bibig, pati na rin sa mga palad at talampakan ng baby.
- Poor oral hygiene: Ang hindi tamang pangangalaga sa bibig at oral hygiene ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng singaw.
Sa pangkalahatan, ang singaw ng baby ay maaaring maging resulta ng iba’t ibang mga kadahilanan, kaya’t mahalaga na suriin ng mga magulang ang mga posibleng sanhi at konsultahin ang isang doktor para sa tamang pag-diagnose at paggamot.
Gamot para sa singaw ng baby: Home remedy
Para makatulong sa singaw ng baby, narito ang ilang home remedies at tips:
- Painumin ng maraming tubig o gatas (para sa mga batang 1 taon pataas).
- Bigyan ng cold foods tulad ng popsicle o sorbetes (huwag sosobra, para sa mga baby na kumakain na ng solid foods).
- Iwasan ang fruit juices gaya ng orange juice dahil sa acid nito.
- Pakainin ng yogurt ang mga toddler na may singaw.
- Bigyan ng soft foods para hindi lumala ang singaw.
- Huwag pilitin kumain kung talagang walang gana.
- Iwasan ang maaasim, maaalat, at maaanghang na pagkain.
- Gamitin ang anesthetic mouth gel para maibsan ang sakit.
- Kung inireseta ng doktor, magbigay ng liquid antacid para sa mga batang 1 taon pataas.
- Puwedeng bigyan ng acetaminophen para sa sakit.
- Punasang bibig ng maligamgam na tubig na may asin, o magmumog kung kaya na.
- Huwag bigyan ng anumang produkto ng aspirin.
Medikal na gamot para sa singaw ng baby
Narito ang ilang medikal na gamot na maaaring ipinapayo ng doktor para sa singaw ng baby. Siguraduhing kumonsulta sa isang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga ito dahil kinakailangan ng ilan dito ng reseta para mabili.
1. Topikal na anesthetic gel:
Ang mga anesthetic gel tulad ng benzocaine o lidocaine ay maaaring magbigay ng ginhawa sa baby sa pamamagitan ng pagpapabawas ng sakit at pamamaga sa singaw.
2. Liquid antacid:
Sa mga kaso ng singaw na dulot ng acid imbalance, ang liquid antacid ay maaaring makatulong sa pagpapabawas ng acid sa bibig ng baby.
3. Acetaminophen (Paracetamol):
Ang acetaminophen ay maaaring ibinibigay para sa pagpapabawas ng lagnat at pananakit na dulot ng singaw.
4. Antiviral medications:
Kung ang singaw ay dulot ng herpes virus, maaaring i-prescribe ng doktor ang antiviral medications tulad ng acyclovir.
5. Liquid pain relievers:
Maaaring magreseta ng mga liquid pain relievers na may aktibong sangkap tulad ng ibuprofen para sa pamamaga at sakit.
6. Oral antibiotics:
Sa mga kaso ng severe infection, maaaring magreseta ng oral antibiotics upang labanan ang impeksyon.
Mahalaga ang tamang pagtanggap ng mga medikal na gamot, kaya’t dapat sundin ang mga payo ng doktor.
Halamang gamot para sa singaw ng baby
Narito ang ilang natural o herbal na gamot para sa singaw ng baby:
- Tea Bag: Dampi ng tea bag na binabad sa malamig na tubig sa mga singaw.
- Honey: Mag-apply ng kaunting honey sa singaw. (Ito ay pwede lamang sa mga may edad na 1 taong gulang pataas)
- Aloe Vera Gel: Ilagay ang gel mula sa dahon ng aloe vera sa singaw.
- Curry Leaves: May anti-inflammatory at anti-microbial properties.
- Tulsi/Basil Leaves: Panguyain upang makuha ang juice ng dahon.
Gumagaling ang mouth sores sa loob ng dalawang linggo. Kung hindi gumaling sa loob ng dalawang linggo, magpatingin sa doktor.
Dapat unang tandaan kapag sa singaw ng baby: huwag hayaang madehydrate siya. | Larawan kuha mula sa Dreamstime
Paano iiwasang makahawa ang singaw ng baby?
Ang mouth sores o singaw na sanhi ng virus ay lubhang nakakahawa. Narito ang ilang paraan para maiwasang kumalat ito:
- Maghugas ng kamay: Palaging maghugas ng kamay pagkatapos hawakan ang batang may singaw.
- I-sterilize ang utensils: Hugasan at i-sterilize ang mga bote, pacifier, tsupon, kubyertos, pinggan, baso, panyo, at bimpo na ginamit ng batang may singaw.
- Iwasang mag-share: Huwag ipagamit sa ibang bata ang bottle o pacifier ng iyong anak.
- Hugasan ang laruan: Banlawan at sabunin mabuti ang mga laruan na isinusubo ng batang may sakit.
- Iwasan ang paggamit muna ng bote: Iwasan munang magpakain o magpadede gamit ang bote; gumamit ng sippy cup o kutsarita.
- Iwasan halikan ang iyong anak: Huwag halikan ang iyong anak kung ikaw ay may singaw, at paalalahanan ang iba na huwag halikan o yapusin ang baby kung sila ay may singaw.
Kailan nga ba dapat nang ipakonsulta ang singaw ng baby? | Larawan kuha mula sa Pexels
Kailan dapat tumawag ng doktor?
Palaging kumonsulta sa doktor kung may mouth sore ang bata, lalo na kung may lagnat at iba pang sintomas ng infection. Huwag magbigay ng gamot nang walang payo ng doktor.
Kumonsulta agad kung:
- Ang lagnat ay tumaas sa 101°F at tumagal ng pitong araw.
- Ang bata ay tumatangging uminom ng fluids.
- Hindi tumitigil sa pag-iyak.
- May senyales ng dehydration (tuyong labi, walang luha, kaunti at madalang na pag-ihi, panghihina).
Mga senyales na dapat bantayan:
- Nakainom ng kemikal.
- Higit sa limang singaw.
- May dugo sa bibig.
- Mapula at magang gilagid.
- Singaw sa gitna ng masakit na ngipin.
- Lagnat at pamamaga ng mukha.
- Malaking lymph node sa panga.
Mahalaga rin ang magandang oral hygiene para maiwasan ang mga sakit sa bibig. Kaya naman ang pinakamahalagang gawin kapag may singaw ang iyong anak ay tiyaking hindi siya ma-dehydrate.
Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!