Dapat ba mag-alala kapag mayroong nana ang sugat ng iyong anak?

lead image

Ang nana ay inilalabas ng katawan na panlaban nito sa impeksiyon, kadalasan sa impeksiyon dahil sa bacteria. Ang nana ay malagkit na likido na puno ng patay na tissue, cells at bacteria. Depende kung saan ang lokasyon ng nana, maaari itong maging kulay puti, dilaw, berde o kayumanggi.

Alamin ang gamot sa sugat na may nana sa pamamagitan ng pag-alam ng sanhi ng nana.

Mga dahilan ng pagkakaroon ng nana

Ang mga impeksiyon na nagreresulta sa pagkakaroon ng nana ay kapag ang bacteria o fungi ay nakakapasok sa katawan sa pamamagitan ng:

Pagkasira sa balat

Pahinga ng hangin na galing sa ubo o sipon

Pagiging madumi sa sarili

Kapag nakakaramdam ng impeksiyon ang katawan, nagpapadala ito ng neutrophils, isang tipo ng white blood cells, para labanan ang fungi o bacteria. Sa preosesong ito, ang pagkamatay ng mga neutrophils at tissue sa bahagi na may impeksiyon ang nagiging nana.

Karaniwan, ang mga impeksiyon na dahil sa bacteria na Staphylococcus aureus o Streptococcus pyogenes. Dahil ito sa mga toxins na inilalabas ng mga bacteria na ito na pumapatay ng tissue.

Saan nabubuo ang nana?

Kadalasang nabubuo ang nana sa mga puwang ng mga tissue. Maaaring magkaroon ng mga puwang na ito sa ibabaw ng balat o sa loob ng katawan. Subalit, may mga bahagi ng katawan na mas madaling magka-impeksiyon dahil mas maraming bacteria ang napupunta dito:

Urinary tract - karamihan ng urinary tract infections (UTI) ay dahil sa Escherichia coli, isang uri ng bacteria na nakikita sa colon. Ang ihi ng taong may UTI ay nagiging malabo dahil sa pagkakaroon ng nana.

Bibig - Ang pagkakaroon ng sira sa ngipin ay maaaring dahilan upang maging dahilan upang pasukan ng bacteria ang gilagid o ugat ng ngipin. Ang impeksiyon sa bibig ay maaari rin maging dahilan ng pag-ipon ng nana sa may tonsils na nagiging dahilan ng tonsilitis.

Balat - Ang mga puwang sa balat ay kadalasang dahil sa pigsa o impeksiyon sa hair follicle. Ang malalang tigyawat ay maaari rin pagmulan ng puwang sa balat na ito. Ang sugat ay maaari rin pagsimulan ng nana.

Mata - Ang sore eyes ay kadalasan may kaakibat na nana. Ang ibang impeksiyon sa mata na nagiging dahilan ng nana ay baradong labasan ng luha at pagkakaroon ng dumi sa mata.

Sintomas na dulot ng pagkakaroon ng nana

Ang pagkakaroon ng nana sa balat ay kadalasang mapapansin na mainit na namumulang balat. Maaari rin maging masakit at namamaga ang bahaging may impeksiyon.

Ang pagkakaroon ng nana sa loob ng katawan ay nagbibigay ng ibang sintomas tulad ng:

  • Lagnat
  • Panginginig
  • Pagkapagod
  • Ang mga sintomas na tulad ng sa trangkaso ay maaaring may kaakibat na malalang impeksiyon sa balat.

Pagkakaroon ng nana pagkatapos ng siruhiya

Ang surgical site infection (SSI) ay ang mga paghiwa sa siruhiya na nagiging dahilan ng impeksiyon. Mayroong 1% hanggang 3% na tsansang magkaroon nito ang mga nagpapa-siruhiya.

Masmalaki ang pannganib ng pagkakaroon ng SSI kung ang pasyente ay:

  • May diabetes
  • Naninigarilyo
  • May labis na katabaan
  • Tumagal nang lagpas 2 oras ang operasyon
  • May kundisyon na nagpapahina sa immune system

Ang mga sintomas ng SSI ay kadalasang pamumula at pag-init sa bahagi ng siruhiya, paglabas ng nana sa sugat ng siruhiya, at lagnat.

Paggamot sa sugat na may nana

Ang paggamot sa sugat na may nana ay nagdedepende sa kung gaano kalala ang impeksiyon nito. Para sa maliliit na impeksiyon na may nana sa balat, gumamit ng basahan na may mainit na tubig. Idiin ito sa sugat na may nana upang malabas ang nana. Ulit-ulitin ito sa isang araw nang tig iilang minuto.

Iwasan na iputok ang sugat na may nana. Imbes na mailabas nito ang nana, naitutulak ito lalo papasok ng katawan. Dahil rin dito nagkakaroon bagong sugat na maaaring maging dahilan ng panibagong impeksiyon.

Para sa mga sugat na may nana na malalim, malaki at mahirap abutin, kakailanganin ng lumapit sa mga eksperto. Maaaring tanggalin ng mga duktor ang nana sa pamamagitan ng syringe o paghiwa. Kung masyadong malaki ang nana, maaaring magpasok ng tubo upang tanggalin ang nana.

Para sa mga nana na sobra na ang lalim, kinakailangan ng antibiotics.

Paano iiwasan ang pagkakaroon ng sugat na may nana?

May mga impeksiyon na hindi maiiwasan pero pwedeng mapababa ang tsansang magkaroon nito sa pamamagitan ng:

  • Paglilinis at pagtutuyo sa mga sugat
  • Hindi paggamit ng pang-ahit ng iba
  • Hindi paggalaw sa mga tigyawat at sugat
  • Kung mayroon nang sugat na may nana, maaaring hindi makahawa sa pamamagitan ng:
  • Hindi pamamahagi ng tuwalya at mga kagamitan sa kama
  • Paghugas ng kamay matapos hawakan ang sugat na may nana
  • Pag-iwas sa mga public pools
  • Hindi paggamit ng mga bagay na maaaring gamitin ng iba na dumidikit sa sugat na may nana

 

Normal lamang ang pagkakaroon ng sugat na may nana bilang ito ay ang panlaban ng katawan sa impeksiyon. Ang mga maliliit na impeksiyon sa balat ay kusang nawawala. Ang mga malalang impeksiyon ay kakailanganin ng tulong ng mga duktor.

 

Source: HealthLine

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!