Ano ang gamot sa tigyawat o pimples sa mukha?
May pimples o tigyawat sa mukha? Narito ang mga gamot sa tigyawat na maari mong subukan upang ito ay malunasan na hindi na kailangan pa ng preskripsyon ng doktor.
Gamot sa tigyawat sa mukha ba ang haanp mo? Yes may mga gamot na makakatulong sayo. Narito ang mga mabisang gamot sa tigyawat sa mukha at mga paraan kung paano ito maiiwasan.
Gamot sa tigyawat sa mukha
Ang tigyawat, pimples o acne ay isa sa madalas na nagiging problema sa balat ng karamihan sa atin. Lalo na ang mga nagbibinata o nagdadalaga, dahil ayon sa mga eksperto ang pagkakaroon nito ay dulot ng hormonal changes sa ating katawan.
Ngunit maliban sa normal na pagbabago na ito na nararanasan ng katawan, ang pagkakaroon ng pimples o tigyawat ay maari ring namamana. O kaya naman ay dahil sa mga medications o gamot na minsan ay mas nagpalala pa rito.
Puwede ring maging epekto ito ng mga trabahong maaring mag-expose sa isang tao sa mga industrial products. O sa paggamit ng mga cosmetics o skin products na nagdudulot ng pore-clogging sa ating mukha.
Iba-iba man ang maaring maging dahilan ng pagkakaroon nito, maraming paraan o gamot sa tigyawat sa mukha ang maaring subukan ng isang tao.
[caption id="attachment_455938" align="aligncenter" width="670"] Gamot sa tigyawat sa mukha/Larawan mula sa Shutterstock[/caption]
Ito ay maaring sa pamamagitan ng ointments o medications na hindi na kailangan ng prescription ng doktor. O kaya naman ay mga natural treatments na available lang sa loob ng bahay. Ilan nga sa gamot sa pimples sa mukha na maaring subukan ay ang sumusunod:
Gamot sa pimples sa mukha na hindi kailangan ng prescription
1. Sabon at tubig
Isa sa mabisang paraan upang malunasan at maiwasan ang tigyawat sa mukha ay ang madalas na paghihilamos gamit ang sabon at tubig. Gawin ito ng hindi hihigit sa dalawang beses sa isang araw.
Bagamat hindi nito agad na maalis ang tigwayat na lumabas na sa mukha, makokontrol naman ng paraan na ito na hindi na ito dumami pa. Iwasan lang na kuskusin ang mukha, dahil sa ito ay maaring maka-injure sa balat at magdulot ng iba pang skin problems.
[caption id="attachment_325753" align="aligncenter" width="670"] Image from Freepik[/caption]
2. Facial cleansers
May mga face cleansers at soaps rin na maaring gamitin upang magamot ang tigyawat sa mukha. Ang mga ito ay ang nagtataglay ng benzoyl peroxide, salicylic acid, o sulfur.
Ang benzoyl peroxide ay ginagamot ang tigwayat sa mukha sa pamamagitan ng pagpatay sa mga bacteria na nagdudulot nito. Madalas ay umaabot ng isang buwan bago tuluyang magamot nito ang tigyawat sa mukha. Kailangan lang ay lagi itong gagamitin upang masigurong ito ay magiging epektibo.
Hindi tulad nd benzoyl peroxide, ang salicylic acid naman ay ginagamot ang tigyawat sa mukha sa pamamagitan ng pag-cocorrect ng abnormal shedding ng ating cells.
Nakakatulong din ito upang ma-unclog ang mga pores na nagdudulot ng pimples. Kailangan lang ay maging tuloy-tuloy ang paggamit nito para sa mas magandang epekto.
Ang sulfur naman ay tumutulong upang ma-absorb ang excess oil sa balat na nagdudulot ng pimples. Pinapatuyo rin nito ang mga dead skin cells sa mukha upang ma-unclog ang pores at hindi na ito maging tigyawat pa.
Narito ang ilang sa mga effective brands ng facial cleansers na maaari mong mabili online:
Cetaphil Gentle Skin Cleanser
Ang produktong ito ay trusted ng mga experts at subok na nakakatulong sa paglunas ng acne problem. Ito ay may gentle, hypoallergenic at soap-free formulation na hindi magdudulot ng iritasyon sa balat. Mabisa itong panglinis ng sensitive skin at nakakapagtanggal ito ng dirt, makeup at pollutants sa balat.
What we love about it
- TAP Awards 2023 "Parents' Choice Face Cleanser (For Adults)"
- Gentle soap-free composition
- Clinically proven by dermatologists
- With Micellar Technology
Cerave Acne Control Face Cleanser
Gaya nga ng aming nabanggit, nakakatulong ang salicylic acid sa paggamot ng tigyawat. At ito ang ingredient na ibinibida ng CeraVe Acne Control Cleanser. Naglalaman ito ng 2% salicylic acid na bukod sa nakakagamot ng acne ay nakakatulong din upang mabawasan ang blackheads at mapaliit at malinis ang pores ng mukha.
What we love about it
- With 2% salicylic acid
- Treats acne and lessens blackheads
- Has Oil-Absorbing Technology
- Soothes face
3. Topical retinol gel o creams
May mga topical retinol gels o creams rin na maaring gamiting gamot sa pimples sa mukha. Pinipigilan nito ang pimples o tigyawat na mabuo o lumabas sa mukha.
Bagamat sa mga unang araw o linggo ng paggamit nito ay magmumukhang lumala ang pimples o tigyawat, palatandaan lang ito na nililinis ng retinol ang pinakailalim ng balat. At ang mga pimples na naglalabasan ay ang mga nauna o nagsimula ng mag-form sa balat bago pa man ang paggamit ng retinol.
Para sa ninanais na epekto ay kailangang gamitin ito ng hindi bababa sa 8 linggo.
Herbal, organic at natural medications
Marami ring mga herbal o natural ways para magamot ang pimples sa mukha. Bagamat karamihan sa mga ito ay hindi pa lubos na napapatunayang epektibo. Narito ang ilan sa mga herbal na gamot sa pimples:
4. Tea tree oil
Tulad ng pag-aaply ng tea tree oil na sinasabing pumapatay sa bacteria at binabawasan ang skin inflammation.
Ang kailangan lang gawin ay ihalo ito sa tubig. Saka i-apply sa mukha gamit ang cotton. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw. Mahalaga na ihalo sa tubig ang tea tree oil upang maiwasan ang pagdudulot nito ng iritasyon sa balat.
[caption id="attachment_325755" align="aligncenter" width="670"] Image from Freepik[/caption]
5. Iba pang essential oils
Maliban sa tea tree oil, marami pang uri ng essential oil ang maaring gumamot umano sa pimples sa mukha. Gaya nalang ng rosemary at lemongrass na dapat gamitin o i-apply sa mukha sa paraang tulad ng tea tree oil.
6. Green tea
Ang pag-apply ng green tea sa mukha ay sinasabi ring mabisang gamot sa pimples. Dahil sa ito ay nagtataglay ng flavonoids at tannins na nakakatulong upang malabanan ang inflammation at bacteria na nag-dudulot ng pimples.
Para magamit ang green tea bilang gamot sa pimples sa mukha ay pakuluin muna ito sa tubig n 3-4 minuto. Palamigin at saka i-apply sa mukha gamit ang cotton o spray bottle.
Iwan muna ito sa balat ng 10 minuto bago banlawaan. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang araw. Ang natirang nilagang green tea ay maaring ilagay sa ref ng hanggang sa 2 linggo upang muli pang magamit.
7. Aloe vera
[caption id="attachment_455942" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa Vera photo created by jcomp - www.freepik.com[/caption]
Ang aloe vera gel ay pinaniniwalaan ding mabisang gamot sa tigyawat sa mukha. Kunin lang ang gel mula sa dahon ng aloe vera at diretsong i-apply sa mukha. Saka ito gawin ng isa o dalawang beses sa isang araw o hangga’t kinakailangan.
8. Apple cider vinegar
Gawa ito sa fermented apple cider o unfiltered juice mula sa pressed apples. Tulad ng ibang mga uri ng suka, may kakayahan itong labanan ang iba’t ibang uri ng bacteria at fungi.
Mayroon itong organic acids tulad ng citric acid na pinaniniwalaang mabisang gamot sa pimples. Ayon sa pag-aaral ang lactic acid sa apple cider vinegar ay makatutulong din para ma-improve ang appearance ng acne scars.
Ihalo ang 1-part ng apple cider vinegar sa 3 parts ng tubig. Matapos maghilamos ay ipahid ang mixture sa balat gamit ang bulak o cotton ball. Hayaan lang ito sa iyong mukha sa loob ng 5 hanggang 20 segundo. Pagkatapos ay banlawan ng tubig at tuyuin gamit ang malinis na bimpo. Gawin ang prosesong ito nang isa hanggang dalawang beses kada araw.
Tandaan na maaaring magdulot ng hapdi at iritasyon ang paggamit ng apple cider sa iyong balat. Mahalagang kumonsulta sa iyong dermatologist. Kung nais itong gamitin, kaunting apple cider lang ang gamitin at ihalo sa mas maraming tubig.
9. Honey and cinnamon
Sa isang pag-aaral na nabanggit ng Healthline sa kanilang artikulo, napatunayan na ang kombinasyon ng honey at cinnamon bark extract ay mayroong antibacterial effects kontra pimples. May anti-inflammatory properties din ito na makatutulong para maiwasan at magamot ang pimples.
Para gumawa ng honey and cinnamon mask, kailangan lang paghaluin ang 2 kutsarang honey at isang kutsaritang cinnamon upang makagawa ng paste.
Matapos maghilamos, i-apply ang mask sa iyong mukha at hayaan ito nang 10 hanggang 15 minuto. Pagkatapos ay banlawan ang iyong mukha at tuyuin ng malinis na bimpo.
Paalala: Para naman sa mga pimples na may nana at malapit ng pumutok, ay lagyan ito ng hot towel ng ilang minuto upang ma-encourage ang natural busting process. Iwasang kutkutin o putukin ito. Dahil sa ito ay maaring mauwi sa pamamaga o permanenteng peklat sa mukha. Ang mga infected pimples ay mas mainam na buksan o putukin lamang ng mga nurses o doktor gamit ang surgical instruments at antiseptic practices.
Gamot sa tigyawat sa mukha: Paano mawawala ang pimples sa mukha
Ang paggamot sa pimples sa mukha ay depende sa severity o sa lala nito.
Para sa mild na pimples o acne symptoms, maaaring gumamit ng over-the-counter medicated creams, cleansers, at soap treatments. Ang mga common ingredients na makikita sa mga acne creams at gels ay ang mga sumusunod:
- Benzoyl peroxide – makatutulong ito para matuyo ang pimples at maiwasan ang pagdami nito. Nakapapatay ito ng mga bacteria na nagdudulot ng acne.
- Salicylic acid – nakatutulong ito para ma-exfoliate ang skin upang maiwasan na mabarahan ang pores ng acne-causing bacteria.
Para naman sa mga may moderate acne problems, o kung patuloy na nagkakaroon ng pimples matapos gumamit ng OTC acne treatments sa loob ng ilang linggo, maaari mong ikonsidera ang professional treatment.
Maaari kang bigyan ng iyong dermatologist ng medication upang maibsan ang sintomas ng pimples at maiwasan ang pagkakaroon ng mga peklat sa iyong mukha.
Narito ang ilan sa mga maaaring irekomenda sa iyo ng iyong doktor:
- prescription-strength benzoyl peroxide
- antibiotics tulad ng erythromycin o clindamycin
- retinoids tulad ng retinol
May cases na maaaring i-suggest ng iyong dermatologist ang pag-inom ng oral antibiotic o hormonal birth control pills para ma-manage ang acne symptoms.
Subalit, tandaan na ang pag-inom ng antibiotics ay hindi maaaring gawin sa matagal na panahon. Ito ay dahil ang madalas na pag-inom nito ay maaaring maging dahilan para mag-build up ng resistance ang iyong katawan.
Kapag nangyari ito, mas magiging prone sa impeksyon ang iyong katawan. Kumonsulta sa iyong doktor kung hanggang kailan lang pwedeng inumin ang antibiotics.
Samantala, para sa mga malalang kaso ng pimples sa mukha at iba pang sintomas ng acne, maaaring irekomenda sa iyo ang treatment na kombinasyon ng isa o higit pang gamot tulad ng mga sumusunod:
- oral antibiotics
- benzoyl peroxide
- topical antibiotics
- topical retinoids
Maaari ring irekomenda ng doktor ang hormonal birth control at oral isotretinoin. Pwede rin na sumailalim sa treatment procedure ang mga taong may malalang sintomas ng acne at pimples. Ilan sa mga medical procedures na ito ay ang mga sumusunod:
- Photodynamic therapy – gumagamit ng medication at special light o laser para mabawasan ang oil production at bacteria.
- Dermabrasion – uri ito ng exfoliation na nagtatanggal sa top layers ng balat gamit ang rotating brush. Ang procedure na ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng peklat dulot ng pimples, pero hindi nito nagagamot ang mismong acne. Tinatawag naman na microdermabrasion ang milder treatment na nakatutulong para matanggal ang mga dead skin cells.
- Chemical peel – tinatanggal ang top layers ng balat para lumabas ang less damaged skin sa ilalim nito. Makatutulong din ito sa paggamot mild acne scarring.
Paano mawala ang pimples ng mabilis?
Cortisone injections – Makatutulong ang cortisone injections para maibsan ang inflammation at gumaling nang mabilis ang pimples. Ginagamit ang cortisone kasabay ng iba pang acne treatments lalo na para sa mga acne na mayroong malalaking cysts.
Paano maiiwasan ang pimples o tigyawat sa mukha?
[caption id="attachment_325756" align="aligncenter" width="670"] Image from Freepik[/caption]
- Panatilihing malinis ang iyong mukha. Ugaliin ang paghihilamos sa mukha ng dalawang beses sa isang araw upang maalis ang mga dead skin cells at extra oil sa balat. Ang paghihilamos ng higit sa dalawang beses ay hindi inirerekumenda dahil sa maari itong magdulot ng dryness sa balat.
- Gumamit ng moisturizer upang maiwasan ang dryness at skin peeling sa mukha.
- Sa paggamit ng make-up ay piliin ang mga “noncomedogenic" o ang mga make-up na hindi nagdudulot ng pimples o acne. Piliin rin ang mga oil-free cosmetics at walang dyes o chemicals.
- Mag-ingat rin sa mga produktong inilalagay sa iyong buhok dahil sa ito ay maaring madikit sa iyong mukha. Iwasan ang paggamit ng mga produkto sa buhok tulad ng pabango, oils, pomada o gels. Dahil sa maari nitong i-block ang skin pores at ma-irritate ang balat. Gumamit lang rin ng gentle na shampoo at conditioner. O kaya naman ay ugaliing itali ang buhok upang hindi ito dumikit o mapunta sa iyong mukha.
- Iwasan ring laging ilagay sa mukha ang iyong kamay. Dahil maaring malipat rito ang mga bacteria at germs na dumidikit sa ating kamay.
- Umiwas sa init ng araw hangga’t maari. Dahil ang ultraviolet rays mula sa araw ay mas magdudulot ng skin inflammation at pamumula ng balat.
- Iwasan rin ang pagkain ng mga mamantikang pagkain. Sa halip ay kumain ng mga fresh foods tulad ng fruits at vegetables. Ang mga dairy products at pagkaing nagtataglay ng processed sugar ay maari ring magdulot ng acne.
- Mag-exercise araw-araw makakabuti ito hindi lang sa katawan, kung hindi pati rin sa balat. Siguraduhin lang na mag-shower o maligo matapos mag-execise.
- Iwasang ma-stress dahil ayon sa mga pag-aaral ito ay nagdudulot ng pimples o acne.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.