Ibinahagi ng isang ina ang simpleng lunas sa sipon at ubo

lead image

Alam niyo ba na pwedeng gamiting gamot sa ubo ng bata ang bawang? Heto ang isang simpleng paraan upang maibsan ang sipon at ubo ng inyong anak

Maraming benepisyo ang bawang. Punong-puno ito ng mga vitamins, minerals, at mga enzyme na mabuti sa katawan. Ito rin ay anti-bacterial, at nakakatulong labanan ang mga infection. Bukod dito, nakakatulong rin ito sa sakit ng tiyan, at nakakapagpababa ng kolesterol sa katawan. Kaya't hindi na rin nakakagulat na pwede itong gamiting gamot sa ubo ng bata.

Kahit sinong magulang ay alam kung gaano kahirap kapag nagkaroon ng sipon at ubo ang kanilang mga anak. Kahit na hindi naman ito nakamamatay na sakit, nakakaawa pa ring makitang nahihirapan ang sarili mong anak dahil sa sipon at ubo.

Kaya't ibinahagi ng isang ina, si Hanezfarjaz Zulaiqah, ang kaniyang lunas* para sa sipon at ubo ng bata gamit ang bawang!

*Tandaan, mas mabuti pa rin ang magpakonsulta sa doktor at bigyan ng wastong gamot ang iyong anak. Huwag gamitin itong kapalit ng medical treatment.

Bawang na gamot sa ubo ng bata: Isang lunas gamit ang langis

1. Balatan ang bawang

garlic for cough in babies

Kumuha ng isa o dalawang piraso ng bawang. Balatang mabuti.

2. Lutuin sa apoy ang bawang hanggang masunog

garlic for cough in babies

Pagkatapos nito, buksan ang kalan, at lutuin sa apoy ang bawang hanggang masunog ang labas nito.

3. Ihalo sa mantika, at durugin

garlic for cough in babies

Haluan ng mantika ang bawang. Pwede kang gumamit ng cooking oil, olive oil, coconut oil, sesame oil, o kahit ano pang uri ng oil, basta safe sa bata. Pagkatapos, durugin ang mantika at haluing mabuti.

4. Handa nang gamitin ang langis

garlic for cough in babies

Ngayong may oil ka na, pwede mo itong ipahid sa dibdib at leeg ni baby matapos maligo. Ito ay makakatulong na maibsan ang sintomas ng kaniyang sakit at kadalasang aabutin ng mga 30 minuto bago umepekto ito.

Kung nahihirapan pa rin si baby, pwede mo ulit ilagay ang langis matapos ang 30-60 minuto at masahihin ito ng mabuti.

Tandaan: Wag masyadong maraming oil ang gamitin kay baby. Ilang patak muna ang iyong gamitin, dahil sensitive ang mga baby. Kung wala ka namang nakikitang masamang epekto, pwede mo nang ipagpatuloy ang paggamit nito.

Garlic detox para kay mommy at daddy

Alam niyo ba na hindi lang kay baby effective ang bawang? Pwede niyo rin itong gamitin para makapag-detox! Subukan niyo ang inumin na ito para ma-detox ang inyong katawan! (hindi ito pangbata o kay baby)

Mga hakbang

1. Maghiwa ng bawang.

2. Haluan ng isang kutsarang tubig at lemon water extract. Haluin.

3. Pwede mo nang inumin ang iyong garlic detox! Gawin ito araw araw, at huwag kalimutang uminom ng maraming tubig upang makatulong sa pag-detox ng iyong katawan.

*Unang ibinahagi ni Mrs. Hanezfarjaz Zulaiqah ang mga recipe na ito sa Facebook. Ang orihinal niyang post ay mayroong mahigit 8,000 na share at maraming ina ang sumasang-ayon sa pagiging epektibo nito.

Umaasa kaming makatutulong ang simpleng lunas na ito sa mga inang naghahanap ng gamot sa ubo ng bata. Ngunit palaging tandaan, hindi ito pwedeng gamitin pamalit sa medical treatment. Kung malala ang sakit ng iyon anak, huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor.

Source: Viwanita

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/garlic-for-cough-in-babies/

 

Basahin: Mga home remedies para sa ubo na hindi kailangan ng gamot