Gardo Versoza, nag-propose na sa kaniyang girlfriend of 13 years

lead image

Matapos ang ilang taon, Gardo Versoza nagbago na ang isip at magpapakasal na!

Pinakilig ni Gardo Versoza ang mga kapwa niya aktor at aktres pati narin ang mga netizens sa isang larawan na ipinost niya sa Instagram. Ang larawan ay may mga salitang “Will you marry me?” na isinulat sa pamamagitan ng rose petals sa isang kama.

gardo versoza proposal

Image screenshot from Gardo Versoza’s Instagram account

Wedding proposal ni Gardo Versoza

Marami nga ang sumagot ng yes sa tanong na ito ni Gardo Versoza, pero ang sagot na hinihintay niya ay hindi naman ipinagdamot ng taong talagang tinatanong niya. Ito ay ang kaniyang long-time partner for 13 years na si Ivy Vicencio at ina ng limang taon niyang anak na si Deity Uziel.

Sa parehong Instagram post nga ni Gardo ay sumagot si Ivy Vicencio ng yes sa comments section na ni-replyan parin ng nagtatamisang salita ni Gardo Versoza.

gardo versoza gf says yes

Image screenshot from Gardo Versoza’s Instagram account

Sinundan naman ang “Will you marry me?” post na ito ni Gardo Versoza ng iba pa tungkol sa marriage at weddings.

Pero ang pinaka-nagustuhan ng netizens sa lahat ay ang Instagram post ni Gardo Versoza na kung saan makikita si Ivy Vicencio na suot na ang engagement ring habang may “Will you marry me Shugs” banner on the background.

Shugs ang term of endearment nila Gardo at Ivy.

ivy vicencio gf ni gardo versoza

Image screenshot from Gardo Versoza’s Instagram account

Nagulat ang mga kaibigan at kakilala ni Gardo Versoza sa ginawa na ito ng actor na alam ang different views nito tungkol sa marriage. Pero very happy at pinaabot nila ang kanilang congratulations sa kaniyang change of views at finally after 13 years ay naisip ng magpakasal kay Ivy Vicencio.

iam_iwa

Finally!!! Woot woot!!! Love you both. Congratulations

ginalajar

Woot woot woot!!!!!!!!! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️so happy for you Ivy!!!!

jackielou.blanco

Congrats!!!

nyhl25

@gardo_versoza oi nagbago na views mo idol.. that’s nice, Best wishes💖💖💖

Pagbabago ng isip ni Gardo Versoza

Gardo Versoza at Ivy Concepcion

Image screenshot from Gardo Versoza’s Instagram account

Ang different view na ito ng 49 years old na aktor ay hindi naman niya itinatago sa publiko na minsan narin niyang ipinaliwanag sa isang interview niya sa Pep.ph.

Sa nasabing interview niya nga na ito ay sinabi niya na wala pa sa plano niya ang pagpapakasal dahil katulad nga daw ng sinasabi ng iba na isang pirasong papel lang ang kasal. Balewala daw ito kung hindi naman magwo-work-out ang relasyon.

Sa tanong na kung may trauma o phobia siya sa kasal, sinabi niyang ang tingin niya sa kasal ay may feeling of ownership na antimano literal na nakatali. Hindi katulad ng hindi kasal na may leeway at freedom, ayon kay Gardo.

Dagdag pa niya ang kasal daw kasi ay may basbas ng pari at blessing ni Lord na para sa kaniya ay mahirap at hindi dapat baliin.

Kahit wala daw kasing kasal ang isang mag-partner ay mas mame-maintain ang fire at mas hindi mawawala ang kulay sa pagsasama depende sa kung paano nila ihahandle ang relasyon.

Ang ideya daw ng paghihiwalay ay nakakatakot para sa kaniya. Ang paniniwala naman daw na ito ni Gardo Versoza ay naiintindihan at nirerespeto ng kaniyang partner na si Ivy.

Kaya naman ang change of mind na ito ni Gardo Versoza tungkol sa marriage ay hindi lang kinasaya ng kaniyang mga kaibigan ngunit pati narin sa mga taong nakapaligid sa kanila ng kaniyang partner na si Ivy Vicencio. Matagal na nga rin silang naghintay at nagtanong kung kelan mangyayari ang napakaespesyal na moment na ito sa dalawa na sa ngayon ay malapit na.

Si Gardo Versoza at Ivy Vicencio ay may isang anak na lalaki na si Deity Uziel, limang taong gulang. Hindi rin naman itinatanggi ni Gardo Versoza na may iba rin siyang anak sa iba pang babae.

Samantalang si Ivy Vicencio naman ay may dalawa naring binatilyong anak na minsan ng ipinakilala ni Gardo Versoza sa isang magazine show na kaniyang mga stepsons na nakakasama niya rin sa pagba-bike.

 

Sources: PEP.ph, PEP.ph, PEP.ph, ABS-CBN News

Basahin: Aga Muhlach shares wife Charlene was not his girlfriend when he proposed

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner