Gender formula
May “gender formula” daw para makabuo ng lalaki o babae. Ayon sa mga napakaraming teorya tungkol sa pagpili ng kasarian ng magiging baby. Ano nga ba ang dapat paniwalaan tungkol dito?
Ayon sa mga pagsasaliksik, maraming mga paraan para mapalaki ang tyansa para makabuo ng lalaki o babae. Pero walang garantiya ito.
Mula sa natural methods, tulad ng rekumendadong posisyon habang nagtatalik hanggang sa mga high-tech na pamamaraan tulad ng pagpili ng sperm o “sperm sorting”.
Maraming pamilya ang magsasabing kahit anong kasarian naman, masaya sila. Basta malusog ang bata. May ibang kultura nga lang na mas pabor ang pagkakaroon ng lalaking anak. Lalo ang panganay, at mayro’n ding mga kultura na ang gusto ay babae naman.
Gender preference ng mga pamilya
Karamihan naman sa mga Pilipino, halimbawa, ang gusto ay pantay—may anak na babae at may anak ding lalaki. Ito ang tinatawag na “family balancing”. At mayroon ding pinipili ang kasarian dahil iniiwasan ang pagmamana ng mga genetic diseases na may kinalaman sa kasarian. Dagdag pa dito ang nakalap na data ng National Center for Health Statistics na may halos 105 na sanggol na lalaki ang ipinapanganak sa bawat 100 sanggol na babae.
Ayon sa isang ethics committee report ng Fertility and Sterility noong May 2001, walang pamamaraan na sigurado at garantisado. At karamihan pa ay “myth” na lang.
Ang Natural Method
1. Shettles Method
Ang isa sa pinakakilalang pamamaraan ay ang Shettles method, na nadiskubre ni Landrum B. Shettles, MD, PhD. Mahigit 30 taon na ang nakakaraan. Ito ang pagpaplano ng araw at posisyon ng pakikipagtalik. Marahil ay naituro na ito sa inyo sa sex ed o Family Planning.
Sa kaniyang librong How to Choose the Sex of Your Baby, ipinaliwanag ni Shettles na ang male sperm (Y) ay mas maliliit. Mas mabibilis lumangoy, at mas madaling mamatay, kaysa sa mga female sperm (X), na mabagal lumangoy pero matagal ang buhay. Kaya nga kapag gusto ng baby boy, dapat daw magtalik ng mismong araw. Pwede rin malapit sa araw ng ovulation ng babae, dahil mauunang makarating ang male sperm para makatagpo ang fertile egg.
Ano ang dapat gawin?
Kung gusto ng baby girl, mas malaki ang tyansa kapag makikipagtalik 2 o 4 araw bago ang ovulation. Karaniwang nangyayari ang ovulation sa ikalawang linggo o ika-14 araw ng menstrual cycle ng isang babae.
Pati ang posisyon sa pakikipagtalik ay nakakaapekto din sa kasarian ng magiging baby. Ang Y chromosome ay mas mauuna kapag inilabas ng malapit sa bukana ng cervix. Kaya’t rear-entry o mula sa likod ang nirerekumendang sexual position kung gusto ng baby boy.
Kung baby girl naman ang gusto, missionary position o nasa taas ang lalaki at nakahiga ang babae. Ang dapat na gawing position sa pagtatalik.
Ayon sa data, nasa 75% ang success rate ng Shettles method. Sa Canada, itinala ni Pat Buie, isang registered nurse, sa kaniyang librong Choose the Sex of Your Baby na 95% ang success rate ng Shettles method. Bagama’t may mga fertility experts ang hindi lubusang naniniwala na epektibo ito. Sa pagsasaliksik ng Texas pediatrician na si J. Martin Young, MD, sinabi niyang 39% lamang ang success rate ng Shettles method. Wala rin itong pinagkaiba sa random method.
2. Whelan Method
Katulad ng Shettles, nagtatakda din ng oras ng pagtatalik. Ayon kay Elizabeth Whelan, doctor of science (ScD), may mga biochemical changes na maaaring gamitin para mapili ang kasarian ng magiging baby. Kailangan lang orasan o magtakda ng oras ng pagtatalik para sumakto sa ovulation ng babae. 4 hanggang 6 na araw bago ang ovulation kung gusto ng baby boy. At 2 hanggang 3 araw bago ang ovulation kung gusto ng baby girl.
Base daw ito sa biochemical changes sa katawan ng babae. Ang male sperms na may Y chromosome ay mas nabubuhay ng matagal. Dahil sa temperatura ng katawan ng babae, 4 – 6 araw bago ang ovulation. Kaya’t mas makakarating ng mabilis sa itlog ng babae, at 2 – 3 araw kung gusto ng baby girl.
Parehong mas mura at non-invasive, pero hindi ganoon kataas ang success rate. Kailangan ding kunin ang basal body temperature araw-araw, para malaman kung nag-oovulate.
Sa kabilang banda: Ang high-tech methods
Marami nang mga fertility treatments ngayon na maaaring makatulong sa pagpili ng male and female embryos. Para sa gustong kasarian ng magiging anak. Hindi nga lang ito simple, at lalong hindi mura. Ang mga pinaka-epektibong paraan ay pinakamahal din ang gastos. Kasama kasi dito ay ang mga invasive infertility treatments at mamahaling fertility drugs na maaari pang may side effect.
Nariyan ang Artificial insemination (AI) at in vitro fertilization (IVF) ay dalawang uri ng infertility treatment na ginagamit din bilang mga sex-selection techniques. Bago pa gawin ang AI o IVF, may preimplantation genetic testing na ginagawa para masuri ang embryo. Para sa mga genetic o chromosomal disorders. Ang preimplantation genetic diagnosis (PGD) at chorionic villus sampling (CVS) ang ginagamit para makita kung may medical illness ang mga chromosomes. Ito ay bago ipasok gamit ang IVF o AI, na siya ring ginagamit para malaman o piliin ang kasarian ng magiging embryo o baby. Mayron itong halos 100% accuracy sa pag-siguro ng kasarian ng embryo. Lalo sa mga babaing hindi hihigit sa 35 ang edad. Pero hindi lahat ng fertility clinics ay nagpapagamit ng preimplantation genetic testing para sa sex selection.
Ericsson Method
Sa tinatawag na Ericsson method (ni Ronald Ericsson), ang Y chromosomes o male sperms ay hinihiwalay sa mga X chromosomes o female sperms ng lalaki. At saka ipinapasok sa uterus ng babae ang gustong kasarian—sa pamamagitan ng AI. Pero ayon sa mga pagsusuri, ang AI ay hindi kasing epektibo ng IVF. At mas maraming beses ang pagsusubok nito bago maging matagumpay.
Mayron ding tinatawag na MicroSort, na tulad din ng ipinaliwanag sa itaas, pinaghihiwalay ang male sperm sa female at ginagamit sa pamamagitan ng IVF. Ayon kay William Gibbons, MD, director ng Institute for Reproductive Medicine. Ito ay isang epektibong pamamaraan ng sex selection. Gumagamit ang mga doktor ng laser light, dye, at ang machine na flow cytometer para mahiwalay ang X at Y sperms. Saka ipinapasok sa uterus ng babae ang gustong kasarian.
High-tech na pagpili ng kasarian
Maraming mga espesyalista ang nagsasabing ang pagpili ng kasarian o gender selection sa pamamagitan ng IVF. Sinasabing ang AI ay unethical at hindi dapat ginagawa sa fertility treatments. May iba kasing itinatapon ang mga embryo o sperm na hindi na kailangan o hindi gusto ang kasarian. Pero marami pa rin ang nagsasabing walang masama sa pagpili ng kasarian ng bata gamit ang high-tech na pamamaraan.
Sabihin man ng American Society for Reproductive Medicine na walang sapat na ebidensiya para paniwalaan ang Shettles o Whelan method. Sinasabi pa rin ng mga OB-Gyn at fertility specialist, tulad ni Brian Acacio, na walang masama kung susubukan ito ng mga mag-asawa. Hindi ba’t mayro’n pa rin namang 50% na tiyansa ito?
SOURCE:
How to Choose the Sex of Your Baby ni Landrum Shettles.
Boy or Girl? ni Elizabeth Whelan
BASAHIN:
5 Benefits of leaving your baby’s gender a mystery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!