Gladys Reyes at Christopher Roxas: 26 years in love

lead image

Narito ang sikreto ng masaya at matibay na pagsasama ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Gladys Reyes at Christopher Roxas naging emosyonal habang inaalala at ibinabahagi ang kanilang sikreto sa 26 years nilang pagsasama.

Glayds Reyes at Christopher Roxas

Image screenshot from ABS-CBN Lifestyle Video

Ang tagpong ito ay makikita sa isa sa mga webisodes ng programang OTP o One True Pairing ng ABS-CBN Lifestyle.

Sa naturang webisode ay nagkaroon ng tiyansa ang celebrity couple na matanong ang isa’t-isa tungkol sa “honest feelings” nila sa kanilang relasyon at pagsasama.

Habang sinasagot nga ang mga tanong ay hindi napigilan ng dalawa ang tumulo ang kanilang luha. Ito ay dahil matapos ng lahat ng pagsubok ng kanilang pinagdaanan sa loob ng 26 years ay magkasama parin sila at mas minahal pa ang isa’t-isa.

Gladys Reyes and Christopher Roxas relationship

Mula sa pagiging love team sa harap ng camera noong 1992 sa teleseryeng Mara Clara ay tinotoo nila Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang love story na nauwi sa isang kasal noong 2004.

Young Gladys Reyes and Christopher Roxas

Image screenshot from Christopher Roxas Instagram account

Sa unang tanong na kung ano ang unang pumasok sa isip ni Gladys Reyes ng una niyang makikilala si Christopher Roxas sinabi niyang alam niya na agad na sila ang magkakatuluyan ng asawa.

Nang tanungin nga ulit ni Christopher Roxas si Gladys Reyes kung kailan naman nito naisip na gusto niyang pakasalan ang asawa ay ito ang sinagot niya,

Christopher Roxas: “When was the exact moment you knew you wanted to marry me?”

Gladys Reyes: “Like what I said the moment we became a couple I knew then we’ll end up together. Because I wasn’t just relying with our feelings kasi parang from pupply love pa.

“I kept on praying from day 1 na sana tayo mag-end up together. Sana you’ll be strong with your faith. And mahal ako ng Diyos feeling ko may ginawa akong tama sa buhay ko kaya bineless niya ko.”

Sinundan naman agad ni Christopher Roxas ang pahayag na ito ng asawa na inaalala rin ang mga naging pagkakamali niya sa kanilang pagsasama.

Christopher Roxas: “Naalala ko ‘yan kasi nagpakasal kami ang bata pa so sinasabi ng marami hindi ka pa ready ‘yan.

“Pero ako feeling ko e patatagalin ko pa ganoon din naman. Wala naman akong nakikitang ibang kasama sa buhay ko kung hindi lang ikaw. kaya huwag na ganun din iyon e. Yun nga lang yung pinagdaanan mo hindi pa ko matured noon.”

Pero para kay Gladys Reyes, ang mga pinagdaanan nila ay part ng kanilang journey na ngayon ay inaani na nilang magkasama.

Ngunit ano nga ba ang naging sikreto para tumibay ang pundasyon ng pagmamahalan nina Gladys Reyes at Christopher Roxas para magtagal sila ng 11 years bilang mag-boyfriend-girlfriend at 15 years bilang mag-asawa?

Gladys Reyes and Christopher Roxas marriage

Certified kontrabida man kung maituturing sa pinilakang tabing ngunit napaka-God fearing naman sa totong buhay ni Gladys Reyes. Ayon nga sa kaniya, ito ang naging sentro ng kanilang relationship ni Christopher Roxas para mas maging faithful at tumibay pa ang kanilang pagsasama.

Christopher Roxas: “What do you love about our relationship?”

Gladys Reyes: “Everything. Even yung mga challenges. Because those challenges helped us to be a better person. And that we’re both God fearing.

“Masyadong cliche pero lagi nilang sinasabi God is the center of our relationship. Tama talaga yun.

“Usually we don’t pray together. Nagpre-pray tayo, individually.

“I know laging kasama rin sa mga prayers mo is yung about our family, and most specially about our relationship. And because of those prayers nothing is impossible kaya we’ll remain faithful to each other.”

Nagpapasalamat nga daw talaga si Gladys Reyes kay God kasi ang tulad ng kaniyang asawang si Christopher ang binigay nito sa kaniya dahil kung hindi baka hindi daw siya tumagal ng 26 years sa isang pagsasama.

Nang tanungin nga ni Christopher si Gladys kung paano niya nagagawang ilabas ang better version ng asawa niya ay hindi na napigilan ng dalawa na tumulo ang luha nila.

Christopher Roxas: “How do I make you a better person?”

Gladys Reyes: “There’s no such thing as perfect relationship but ours is so beautiful because you bring out, both actually the best and the worst out of me. Kasi ganoon naman di ba hindi naman laging bringing out the best in you.

“But with that question, you already made me a better person Bebe.

“I had mistakes in the past I wasn’t aware of but I am so grateful to God na yung asawa ko tulad mo kasi kung hindi baka hindi na tayo tulad ngayon.”

Nang tanungin naman si Gladys kung ano ang maaring maging dahilan para iwan niya ang asawa ay wala itong maisip na maisagot.

Christopher Roxas: “What would make you leave me?”

Gladys Reyes: “Wala pero sana huwag kang mambabae ah hindi porket sinasabi kong wala.

“I know hindi pa dumarating yung time na sobrang susubukin yung relationship natin together, but I am just praying na huwag ko ng pagdaanan yun.

“Alam mo kung ano yung weakness ko na siyempre hindi kita kayang i-share, on that aspect I am so selfish. But I am just praying always paglabas natin ng bahay and we go to our separate na work at lakad na laging i-guide yung heart natin na to remain faithful and strong.”

Pagdating naman sa pagiging ina ng tahanan at magulang sa kanilang apat na anak ay puring-puri ni Christopher Roxas ang asawang si Gladys Reyes.

Gladys Reyes with family

Image screenshot from Christopher Roxas Instagram account

Gladys Reyes: “What has surprised you most about me as a parent?”

Christopher Roxas: “I know you are strong but I never didn’t expect na ganyan ka katapang. I mean sa lahat, sa 4 kids being a super mom, being a super wife, a good provider sa family mo, sa lahat ng mga taong nakapaligid sayo. Higit sa lahat mabuti yung puso mo.”

Sa paglipas nga daw ng panahon ay mas lalong minahal pa ni Christopher Roxas si Gladys Reyes dahil sa kabila ng mga pagkukulang nito ay nananatili parin sa tabi niya ang asawa. At ito daw ang dahilan kung bakit ngayon ay alam niya na kung ano ang rason kung bakit siya nabubuhay sa mundo.

Gladys Reyes: “How have your feelings for changed over time?”

Christopher Roxas: “Mahal na kita noon pero mas mahal pa kita ngayon.

“With 4 kids alam ko na ngayon kung ano yung reason kung bakit nandito ako sa mundo.

“I maybe not successful as yung iba in money matters kung ano. Pero alam ko, now clear sa akin na yung meron ako ngayon e sobrang successful na ako. Sobrang grateful na ako. Thank you and I love you so much.”

Ang madamdaming Q and A nga na ito ng mag-asawa ay tinapos nila sa isang halik.

Nito nga lang nakaraang buwan, January 23 ay nagcelebrate ng kanilan 15th anniversary bilang mag-asawa sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Gladys Reyes renewal of vows

Image screenshot from Gladys Reyes Instagram account

Samantala, January 23 ng nakaraang taon ay nag-renewal of vows sila bilang celebration ng kanilang 14th wedding anniversary at silver anniversary bilang isang couple.

Ang buong Q and A video ng mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ay maaring mapanood dito.

 

Sources: Inquirer, ABS-CBN News

Basahin: 11 katangian na nakakapagpatatag sa relasyong mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!