Baby muntik nang maputulan ng daliri sa paa dahil sa hair tourniquet syndrome

lead image

Isang baby ang muntik nang maputulan ng daliri sa paa dahil sa hair tourniquet syndrome. Alamin kung ano ito at kung paano ito maiiwasan.

Nagising si Alex Upton, 26, isang umaga dahil umiiyak ang kaniyang 10-linggong gulang na baby na si Ezra. Sinubukan niya itong padedehin ngunit ayaw nitong tumahan. Dahil na rin sa mother’s instinct, dama niya na may kakaiba sa kaniyang baby. Hindi niya alam na may hair tourniquet syndrome na pala ang kaniyang anak!

src=https://i.dailymail.co.uk/1/2018/10/02/12/4694506 6230879 image m 40 1538478006034.jpg Baby muntik nang maputulan ng daliri sa paa dahil sa hair tourniquet syndrome

Hair tourniquet syndrome

Sinubukan na ni Alex ang iba’t ibang paraan para mapatahan si Ezra, ngunit hindi ito tumitigil sa pag iyak at pag sigaw. Nang papalitan na niya ng damit ang baby, dito niya nakita ang sanhi ng discomfort ng kaniyang anak: magang-maga at namumula ang apat na daliri nito sa paa!

Nang tignan nang maige, nakita ni Alex na may nakapulupot na isang piraso ng buhok sa mga daliri sa paa ng bata na naging sanhi upang hindi makadaloy ng maayos ang dugo sa paa nito.

Sinubukan ni Alex na hilahin ang buhok, madali naman itong natanggal sa ibang toes ngunit mahigpit ang pagkakapulupot nito sa daliri katabi ng hinlalaki. At dahil namaga na nga ang maliit na toe ng baby, naging mahirap para kau Alex na tanggalin ang buhok. Dadalihin na sana niya si Baby Ezra sa duktor dahil may 15 minuto na niyang sinusubukang tanggalin ang buhok. Finally, natanggal niya rin ito ng tweezers.

Dinala pa rin ni Alex si Baby Ezra para matignan. Sa kabutihang palad, walang naging kumplikasyon ang nangyaring hair tourniquet syndrome sa bata. Binigyan ito ng anti-bacterial cream para sa sugat.

Tantsa ni Alex napulupot ang buhok sa paa ng 12 hanggang 14 na oras dahil umaga na nang makita niya ito. Dagdag pa nito na buti nakita niya ang buhok kundi baka pinutulan na daw ng mga daliri sa paa ang baby kung natagalan pa ang pagkaka-tanggal ng daloy ng dugo sa mga toes nito.

Kasalukuyang okey na si Baby Ezra, ngunit nananawagan naman si Mommy Alex na dapat maging aware ang ibang magulang sa hair tourniquet syndrome.

“Simula ngayon, iche-check ko na nang mabuti ang bawat strand ng buhok. Lubos akong natakot sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na hindi nagbibigay ng babala ang mga duktor at midwife na puwedeng mangyari ito sa baby.”

src=https://i.dailymail.co.uk/1/2018/10/02/11/4694512 6230879 image a 13 1538477159471.jpg Baby muntik nang maputulan ng daliri sa paa dahil sa hair tourniquet syndrome

Photo: Daily Mail

Ano ang hair tourniquet syndrome?

Ang hair tourniquet syndrome ay nangyayari kapag napupulupot ang buhok sa isang parte ng katawan at nagiging sanhi ito ng pagpigil sa daloy ng dugo sa parte na iyon.

Ang sintomas ng hair tourniquet syndrome ay ang sumusunod:

  • Hindi mapatahan na pag-iyak
  • Namumula o ibang kulay na ang daliri, toes, ari, dila o umbilical cord
  • Pamamaga ng parte ng katawan na nabanggit sa itaas
  • May linya na gabuhok kahit hindi makita ang buhok

Dahil sa hormones, kadalasan naglalagas ang buhok ng mga nanay matapos manganak. Pinapayuhan ang mga nanay na parating magsuklay para matanggal ang mga loose hair. Dapat din na magtali ng buhok para hindi naglalagas na lang ang buhok. At ang pinaka-importante sa lahat, parating i-check kung may nakapulupot na buhok kay baby para maiwasan ang hair tourniquet syndrome.

Source: Daily Mail

Basahin:
A single strand of hair could cost your baby a toe! Scary!
Hairband found in girl’s arm shows the need for parental vigilance always