Hello mga ka-nanay. I want to share my stories about sa una kong anak.
Hindi ako naging maselan sa paglilihi, kung nakaramdam man ako ng pagsusuka, madalang lang.
Sa first trimester ko, palaging okay ang mga check-up ko, walang nakikitang mali sa mga test sa akin.
Then sa second trimester ko, sa unang pagkakataon ay biglang tumaas ang blood pressure ko. Ni wala akong naramdaman or sakit ng ulo, as in normal lang ang pakiramdam ko. Pinayuhan ako ng OB ko na uminom ng pineapple juice so syempre sinunod ko siya. Then after non, balik sa dati ang BP ko na normal level.
Pero noong last trimester ko, dalawang beses na sobrang taas ng BP ko, 150/200. Pero pakiramdam ko is normal lang kaya nga nagugulat ako bakit ganun nakukuhang BP sa’kin.
Syempre malapit na ako manganak so natatakot ako. Then last check-up ko, nagreseta saken ‘yong OB ko na pampababa Ng BP. Pagsapit ng madaling-araw ay pumutok na ang panubigan ko na may kasamang dugo.
Dali-dali kaming pumunta sa OB ko. Pagkadating namin doon, 1 cm na at sobrang taas pa ng tiyan ko, BP ko is 150/200.
Nilipat ako sa malaking ospital, kinailangan na i-emergency CS then pagkarating ko doon, chineck record ko, BP ko, mga mata kung may pumutok ba ugat dahil sa taas ng BP ko.
Sobra akong takot at nanghihina ng oras na yun, nasa isip ko lang ‘yong baby ko.
Mga ilang minutes, nilipat ako kung saan ‘yong mga nagla-labor, nasa isip ko, emergency CS ako bakit doon ako dadalhin? Sobrang hina ko na at hindi ko na kaya umire. Tanging nagbibigay na lng sa’kin ng lakas ay ‘yong dasal na gabayan niya kami para malampasan lahat.
Dahil every 15 minutes ay sinasaksakan ako gamot pampababa ng BP. Pero mga nanay, normal ko po naipanganak yung baby ko sa awa ng Diyos, ligtas kami pareho. Pag ikaw na ‘yong nasa ganung sitwasyon, doon mo masasabi sa sarili mo tama sila na ‘yong isa mong paa, nasa hukay kapag manganganak.
Sa mga first time mommy or magiging mommy pa lang, hangga’t maari ay kumain ng gulay at prutas. Iwasan Ang mga matatabang pagkain at mga street foods. Matuto makinig sa mga doktor at nakakatanda dahil nasa huli Ang pagsisisi.