Heart Evangelista nahaharap sa mabigat na problema: “I’m really in search for just being happy."

Heart Evangelista nahaharap sa mabigat na problema: “I’m really in search for just being happy.

Ayon kay Heart, na-realize niya na kaysa sa mga materyal na bagay ay ang mga simpleng bagay ang mas makakapagpasaya sa isang tao.

Heart Evangelista nagbigay update sa buhay niya. Ano nga ba ang personal na problemang pinagdadaanan sa ngayon?

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Heart Evangelista life update
  • Relasyon ni Heart Evangelista at mister niyang si Chiz Escudero

Heart Evangelista life update

Nitong Biyernes, September 2, sa kaniyang YouTube vlog ay nagbigay ng update si Heart Evangelista tungkol sa kaniyang buhay. Pag-amin ng aktres at kilala ngayong fashion icon, siya ay may pinagdadaanang personal na problema.

“I’ve always been such a happy person. I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me. I’m not gonna to lie.  I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.”

Ito ang pagbabahagi ni Heart sa kaniyang vlog. Hindi idinetalye ni Heart kung ano ang problemang gumugulo sa isip niya. Pero pagpapatuloy niya, siya ngayon ay labis na nape-pressure at kasalukuyang in search pa rin sa bagay na tunay na magpapasaya sa kaniya.

“I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life. And basically now, I’m really in a search for just being happy.”

heart evangelista life update

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Kilala si Heart sa pagsusuot ng mga mamahalin at luxury brands mapa-damit man, sapatos, bag at make-up. Pero sa ngayon, ayon kay Heart may na-realize siyang isang bagay, hindi ang mga materyal na bagay umano ang tunay na makakapagpasaya sa isang tao.

“I’ve come to realize that life is also not just about the material stuff. I mean it helps a bit and I’ve been always saying how putting on the best shade of lipstick, and the best clothes kinda help you uplift your mood. But really, it’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy. And that’s where I’m at now.”

Pagpapatuloy pa ni Heart, sa kabila ng pressure na nararamdaman sa ngayon ay feeling blessed at thankful pa rin siya. Siya nga din daw ay humuhugot ng lakas ng loob sa mga kapwa niyang babae na empowered at nagiging inspirasyon niya.

Dagdag pa niya, hindi man sa lahat ng oras ay sasang-ayon ang mga tao sa paligid mo sayo, mahalaga na ikaw ay magpakatotoo. Tulad ng ginagawa niya ngayon na pagharap sa pressure at problemang pinagdadaanan na hindi niya tinukoy kung ano.

“Not everything is dandy and beautiful at the end of the day. But I feel like it’s so important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not.”

Ito ang sabi pa ni Heart.

heart evangelista life update

Relasyon nina Heart Evangelista at mister niyang si Chiz Escudero

Sa pahayag na ito ni Heart, ay mas uminit ang ispekulasyon na maaring hiwalay na nga talaga sila ng mister niyang si Senator Chiz Escudero. Lalo pa’t nitong nakaraang mga linggo ay umagaw sa pansin ng mga netizens ang pag-aalis ni Heart sa apelyidong Escudero sa kaniyang Instagram account name.

Pebrero ngayong taon ng mag-diwang si Heart at Chiz ng kanilang 7th anniversary bilang mag-asawa. Ito ay ginawa nila sa Balesin Island kung saan ayon sa isang post ni Heart sa Instagram ay ang lugar kung saan nagsimula ang lahat sa kanila ni Chiz.

Si Heart may iniwan ring sweet na mensahe sa mister na tinawag niyang kaniyang best friend at one true love.

“Happy anniversary to the best husband anyone could ask for. Whenever I tell people that I don’t think I’ll be able to find anyone like you, I mean it with all my heart. You’re the only one for me, my best friend and my one true love!”

Ito ang mensahe ni Heart noon sa mister na si Chiz.

Nagpasalamat rin ito sa mga natutunan niya kay Chiz. At sinabi niya ring umaasa siya na maraming taon pa silang magsasama bilang mag-asawa.

“Thank you for all the wisdom you have taught me, for being a good father, and a great partner to me. I thank God for you and the way you hold my hand in every step of the way. I’ll always be here right by your side.”

“Cheers to 7 years and a lifetime more of our story!”

Ito ang sabi pa noon ni Heart kay Chiz sa kanilang 7th wedding anniversary.

Heart sa kung sakaling mag-cheat sa kaniya si Chiz

heart evangelista and chiz escudero

Samantala, sa naging panayam kay Heart at Chiz ng newscaster na si Karen Davila sa kaniyang vlog ay ibinahagi ng mag-asawa ang take nila sa cheating.

Ayon kay Heart, papatawarin niya parin si Chiz sa oras na mahuli niya itong magloko sa kaniya. Ito ay dahil maliban sa pagiging asawa ay kaibigan niya rin ito. Bagamat pabiro niya mananatili siya sa tabi nito para hindi sila magkaroon ng happy ending ng sinumang ipapalit nito sa kaniya.

“Cheating, I don’t think it will be a deal-breaker for me. He had struggles in his past relationships that he got married so that’s serious. I’ve never gotten married so I don’t really know how that feels.”

“Because I love him I don’t love him as a lover I love him also as a friend. Ibig sabihin like, so you guys are going to have your happy ending? No! I’m gonna stay with you till the end.”

Ito ang pabirong sabi pa noon ni Heart.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!