Newborn Guide: 17 things na hindi dapat gawin sa newborn baby

Everyone loves to celebrate a newborn. But your baby might not be ready for everything yet. Here's what NOT to do with a newborn!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala sa mga magulang: Narito ang mga bagay na hindi dapat gawin sa newborn.

Handa ka na ba sa pagdating ni baby?

Marahil ay naayos mo na ang iyong hospital bag at anumang oras ay pwede ka nang pumunta sa ospital pagkapanganak. Pero alam mo na ba ang dapat mong gawin kapag nanganak ka na?

Pagkatapos mong isilang ang iyong sanggol, at pwede na kayong umuwi mula sa ospital, alam mo na ba kung paano mo masisiguro ang kaligtasan ni baby sa mga unang araw niya sa mundo?

Bilang first-time parents, marahil ay nakatanggap ka na ng napakaraming payo tungkol sa pag-aalaga sa isang bagong panganak na sanggol. Sa dami nang narinig mong payo, hindi mo na alam kung alin ang dapat sundin.

Bagamat karamihan sa mga ito ay nakakatulong, dapat mong malaman na ang ilang paniniwala ng matatanda ang hindi na sinusunod ngayon dahil pinabubulaanan na ito ng mga doktor, at sa halip na makabuti ay lalong makasama sa iyong baby.

Kaya naman narito ang isang gabay sa mga bagay na hindi dapat gawin sa isang newborn para masiguro ang kanilang kaligtasan pagkatapos niyang ipanganak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

17 bagay na HINDI dapat gawin sa newborn

1. Hayaan siyang matulog nang nakadapa

Image source: iStock

Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), hindi dapat gawin sa newborn ang pagkakalagay ng sanggol sa posisyon na nakadapa habang natutulog. Mahalaga na ang iyong baby ay laging pinapatulog sa posisyong nakatihaya upang maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS.

Ang SIDS ay maaaring mangyari kapag paulit-ulit na nahihinga ng iyong baby ang kaniyang sariling carbon dioxide. Ang sitwasyong ito ay maaaring mangyari kung ang iyong sanggol ay nakaharap sa isang lugar na hindi maganda ang bentilasyon, tulad ng pagkaipit sa kama o unan, kaya’t hindi dapat gawin sa newborn ang ganitong posisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagaman maaaring mukhang mas komportable ang iyong baby sa pagkakadapa, hindi dapat gawin sa newborn ang posisyong ito. Siguraduhing tama ang posisyon ng iyong sanggol habang natutulog para sa kanyang kaligtasan.

2. Hayaan na halikan o kargahin si baby basta-basta ng strangers

Lahat ay mahuhumaling sa iyong munting anghel at magnanais na kargahin siya at halikan ang kaniyang maamong mukha. Subalit sa mga unang linggo ng buhay ng iyong baby, hindi dapat gawin sa newborn ang paghalik sa kanya.

Hindi pa gaanong developed ang immune system ng iyong newborn, kaya’t hindi dapat gawin sa newborn ang anumang paghalik o paghawak mula sa mga taong may sakit. Madali silang makakakuha ng impeksiyon o sakit mula sa inosenteng paghalik. Sa katunayan, maaari pa silang makakuha ng herpes, kaya’t hindi dapat gawin sa newborn ang ganitong pag-uugali.

Kung may mga bisita, sabihan sila na huwag halikan ang iyong baby at maghugas ng kamay bago hawakan ang sanggol. Mas maganda rin kung magsuot sila ng face mask kapag lalapit sa newborn. Maging matatag ngunit magalang sa pagpapahayag ng mga patakarang ito, dahil mahalaga ang kaligtasan ng iyong sanggol. Siguradong maiintindihan nila na ginagawa mo ito para sa kapakanan ng iyong baby.

3. Hayaan nang matagal na suot ang maruming diaper

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: iStock

Dahil sa mahal ang mga bilihin ngayon, maaaring mag-isip kang makatipid sa pamamagitan ng pagpapabaya sa pagpapalit ng diaper ni baby hanggang sa ito ay maging sobrang marumi. Subalit, hindi dapat gawin sa newborn ang pagpapabaya sa kalinisan ng kanyang diaper.

Mas maraming beses umihi at dumumi ang mga newborn kumpara sa mga mas matandang baby, kaya’t hindi dapat gawin sa newborn ang pagpapabaya sa kanyang diaper. Ang pag-iwas sa regular na pagpapalit ng diaper ay maaaring magdulot ng diaper rash o iba pang sakit tulad ng urinary tract infection, na delikado para sa mga bagong silang na sanggol.

Mas mabuting maging maingat. Regular na palitan ang diaper ng iyong baby. Hindi dapat gawin sa newborn ang paghihintay hanggang mapuno o bumigat ang diaper bago ito palitan. Kung gusto mo talagang makatipid, maaari kang gumamit ng cloth diaper, ngunit kailangan mong bantayan at siguruhing mapapalitan mo ito agad kapag nabasa o marumihan.

4. Sobrahan ang kanyang suot na damit

Minsan, sa kagustuhan nating protektahan ang ating baby laban sa lamig, sinusuotan natin siya ng maraming damit at babalutin pa ng swaddle. Subalit, hindi dapat gawin sa newborn ang sobrang pagbabalot ng damit, dahil nagbabala ang American Academy of Pediatrics (AAP) na ang sobrang damit ay maaaring magdulot ng overheating at magpataas ng panganib ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang isang pangkalahatang patakaran, hindi dapat gawin sa newborn ang pagsusuot ng higit sa isang layer ng damit. Maaari mong suotan si baby ng long-sleeves o pajama, at kapag naka-aircon, pwede mo pa siyang balutin ng swaddle, ngunit hindi dapat gawin sa newborn ang sobrang pagdadamit.

Dahil hindi pa nakakapagsalita si baby, maaaring hindi mo agad malaman kung siya ay nag-o-overheat o naiinitan sa kaniyang damit. Hindi rin siya palaging umiiyak kapag siya ay naiinitan; ang mga sanggol na nag-o-overheat ay madalas na nagiging lethargic o matamlay.

Kaya naman, hindi dapat gawin sa newborn ang hindi pag-check ng kanilang temperatura. Isang paraan para malaman ang kanilang temperatura ay hawakan ang likod ng kanilang leeg. Kung nararamdaman mong mainit ito at pinagpapawisan si baby, magtanggal ng isang layer ng damit upang matiyak na komportable siya.

5. Hayaan ang iyong newborn na umiyak

Ang iyong newborn ay hindi pa nakakapagsalita at ang tanging paraan nila para mapahayag ang kanilang kailangan ay ang pag-iyak. Iiyak sila kapag gutom, iiyak sila kapag inaantok o kinakabag.

May mga magulang na nag-aakalang kapag hinayaan nilang umiyak ng umiyak ang kanilang newborn, ay matuturuan o sleep train nila ito. Pero hindi ito ang kaso sa newborns at sa katunayan, lubhang delikado ang paraang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hahayaang umiyak ang iyong newborn umiyak nang hindi binibigyan ng atensyon, maaari itong magdulot ng mataas na stress levels, na maaaring makaapekto sa brain development ng iyong baby.

Isa pa, maaaring matutunan ng iyong baby na hindi siya makakatanggap ng atensyon at maramdaman na siya ay pinapabayaan.

Wala pang konsepto ang mga sanggol ng pag-iyak para i-manipulate ang kanilang mga magulang. Bawat iyak niya ay may dahilan, kaya huwag isipin na maii-spoil si baby kung tutugunan mo ang pag-iyak niya.

Pumunta agad sa iyong newborn kapag umiyak siya at alamin ang rason ng kaniyang kawalan ng ginhawa. Maaaring kailangan nang palitan ang kanyang diaper, gutom na siya, o gusto lang ng paglalambing.

6. Iwanan ang iyong baby mag-isa

Image source: iStock

Maraming malalang aksidente na ang napabalita dahil sa pinabayaan ng mga magulang o tagapag-alaga ang sanggol nang mag-isa. Hanggang kaya na nilang alagaan ang kanilang sarili, kailangan ng newborns ng mag-aalaga at magbabantay sa kanila.

Tandaan, bago pa lamang sila sa mundong ito at hindi nila alam kung ano ang nangyayari, kaya naman madali silang makaramdam ng takot kapag naiwang nag-iisa. Kailangan ka ng iyong baby para maging pampakalma at katiyakan na presensya.

Gayundin, malingat ka lang sandali, maaaring mayroon nang masamang mangyari sa kanila. Kaya naman siguruhin na huwag iiwanang mag-isa ang iyong sanggol. Kung kailangan mong lumabas sandali, ipabantay muna siya sa iba. Huwag mahiyang makisuyo sa iyong asawa o kaya naman kapamilya para tignan muna sa baby. 

7. Bigkisan ang iyong sanggol

Paniniwala ng mga matatanda, dapat ay binibigkisan ang tiyan ni baby. Para raw maging maganda ang hugis o kurba nito. Pero ayon kay Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, ang paniniwala na ito ay walang basehan at hindi na dapat sundin. Paliwanag niya,

“Tandaan po ninyo na ang bata pinanganak iyan na globular ang tiyan, ibig sabihin malaki ang tiyan kasi ang chest nila maliit pa. And they breathe through their abdomen ibig sabihin ang paghinga nila is sa diaphragm kaya nakikita ninyo iyang umaalon kapag humihinga sila. So iyan kapag nilagyan mo ng bigkis mas mahihirapan silang huminga. At the same time kapag dumede siya, iyong tiyan nila ay nasa gilid lang ng kanilang pusod kaya kapag tinalian ninyo mas naglulungad sila lalo na kung mahigpit at kapag busog na busog.”

Dagdag pa ng doktora, sa halip na makatulong ay maari pang makasama ang paglalagay ng bigkis sa tiyan ni baby dahil pwede itong magdulot ng infection.

“Kung may pusod pa si baby o iyong stump, hindi po iyan matutuyo kung may bigkis. At maging source pa po ng infection iyan kung iyan ay namamasa-masa. Kasi minsan iyang bigkis nalalagyan iyan ng ihi lalo na kapag ang baby ay lalaki ang ihi niyan pataas kaya mapapansin ninyo ang bigkis basang-basa.”

8. Bigyan ang iyong newborn ng cow’s milk

Image source: iStock

Mas madali man, huwag bigyan ng cow’s milk o fresh milk ang iyong newborn. Hindi pa kasi handa ang kaniyang digestive system na i-digest ito. Maaari pa itong magdulot ng mga komplikasyon sa hindi pa developed na kidney ng iyong baby.

Ang breast milk ay may sapat na nutrients at vitamins na kakailanganin ng iyong baby (maliban kung may mga pangyayari na hindi makakapagpa-breastfeed ang ina).

Kung balak mo nang magbigay ng formula milk, bilang pag-iingat, tanungin muna ang pediatrician ni baby kung anong gatas ang pwedeng ibigay sa kaniya.

9. Iwanan si baby kapag pinapaliguan siya.

Kapag papaliguan mo si baby, mahalagang bantayan siya nang maigi. Huwag malilingat kahit saglit dahil ma.aaring malunod ang iyong sanggol sa tubig, makainom ng tubig na magdudulot ng diarrhea, o kaya naman ay mahulog mula sa mesa kung saan mo siya ipinatong.

Siguruhin na abot-kamay mo lahat ng bagay na gagamitin mo sa pagligo sa iyong sanggol upang hindi mo na kailangang lumayo. Gayundin, siguruhing mabilis lang ang pagpaligo kay baby para hindi siya lamigin. Tandaan ang pagiging handa ay napakahalaga. 

10. Hayaan ang iba na bumisita nang sabay-sabay

Lahat ay excited na makita ang iyong newborn! Ngunit kapag lahat ay bumisita nang sabay sabay, maaari itong makabagabag sa iyong anak.

Bukod dito, hindi rin makakabuti na maraming hahawak at kakarga kay baby sa dahilan na mahina pa ang immune system ng sanggol, at hindi pa siya nakakatanggap ng mga bakuna na kailangan niya panlaban sa sakit.

Pahayag ni Dr. Tiglao,

“Baka may dalang sakit iyong tao na iyon at mahawa iyong anak mo. Hindi natin kilala so baka mamaya may sakit, may flu o carrier ng measles, tigdas o bulutong edi nahawa si baby.” 

Mas makakabuti kung huwag munang tumanggap ng bisita sa ngayon. Sariwain mo muna ang mga araw na makakapag-bonding kayo ng husto ni baby.

11. Bigyan ang iyong newborn ng pacifier

Image source: iStock

Maaaring isang paraan para masoothe o mapakalma si baby ay ang pagbibigay ng pacifier, pero maaari itong magdulot ng nipple confusion, kung saan mahihirapan na si baby sa pagdede dahil sa mas gusto na niya ang hugis ng pacifier o baby bottle.

Ayon sa AAP, mas mabuting antayin muna ng magulang na masanay si baby na magdede sa kaniya o magkaroon sila ng feeding routine bago bigyan si baby ng pacifier para makaiwas sa nipple confusion. Kadalasan nangyayari ito 4 na linggo pagkatapos niyang ipanganak.

12. Mag-iwan ng stuffed toys sa tabi ng iyong natutulog na baby

Cute man tignan at magandang larawan sa Instagram, huwag na huwag mag-iiwan ng stuffed toys o anumang laruan sa crib ng iyong newborn.

Pinapataas nito ang posibilidad ng SIDS kung ang iyong baby ay gumulong at matabunan ng mga unan o anumang gamit sa kaniyang crib habang natutulog.

Ilagay lang si baby sa isang flat surface, at siguruhin na hindi rin masyadong malambot ang kutson para hindi siya lumubog at mahirapang huminga. 

13. Katabing matulog ang iyong newborn

Image source: iStock

Nirerekomenda ng AAP ang room sharing kung saan matutulog si baby sa isang kwarto kasama ang kaniyang ina. Subalit hindi naman nila ipinapayo ang bed-sharing o co-sleeping sa panahong iyon, lalo na sa mga newborn.

Ito ay dahil hindi natin kontrolado ang nagagawa natin habang tulog. Maaari mong madaganan o magulungan ang iyong newborn nang hindi mo namamalayan.

Isang no-no rin ang paglagay kay baby sa iyong dibdib habang tulog kayo. Maaaring ma-suffocate ang sanggol at maaari mo siyang mabitawan nang hindi sinasadya.

Kapag tulog o inaantok na si baby, ilapag na siya sa kaniyang crib kung saan mababantayan mo siya at maririnig ang kaniyang pag-iyak.

14. Hindi paglinis sa gilagid ng iyong newborn

Wala pa man silang ngipin, mahalaga pa rin na regular na nalilinisan ang gilagid ng iyong newborn.

Gumamit ng malinis at mamasa-masang pamunas o gauze at punasan ang gilagid ng iyong anak pagkatapos niyang dumede o kaya naman pagkatapos mo siyang paliguan.

Ito ay para maiwasan ang oral thrush o pagkakaroon ng infection sa kaniyang dila.

15. Iwanan ang baby mag-isa kasama ang alagang aso o pusa

Ang mga alaga ay bahagi rin ng pamilya. Ngunit ang pag-iwan mag-isa sa ng iyong anak kasama ang family pet ay hindi dapat gawin sa newborn.

Ang mga alaga na sentro ng atensyon hanggang dumating ang newborn mo ay maaaring maging agresibo, kaya’t baka saktan nila ang iyong anak kung pabayaan mo lang. Kung may alaga, siguruhin mong hindi sila abot ng iyong newborn.

16. Pagbibigay ng tubig kapag naglungad ang sanggol

Ayon kay Dr. Tiglao, hindi dapat binibigyan ng tubig o anumang inumin ang baby maliban sa kaniyang gatas kung wala pa siyang 6 na buwan. Narito ang kaniyang paliwanag.

“Actually you don’t give water during the first 6 months of life ng bata. Kasi enough naman iyong water sa breastmilk at kung naka-formula enough rin iyong water doon.

Hindi pa kaya ng kidneys ang maraming water, we call it water intoxication din. And at the same time baka magkaroon tayo ng electrolyte imbalance like more on sodium, or more on electrolytes. Kapag nagwater ka kasi ang tendency mas hihina iyong intake ng milk ng baby.” aniya.

Ano ba ang dapat gawin ng magulang kapag naglungad si baby?

“Kapag naglungad, the moment na nagbigay ka ng water lalo siyang magsusuka. Kasi kapag naglungad iyan active pa iyan sa dibdib to lalamunan niya.

Dapat i-rest, wala ka munang ibibigay. Hayaan mo munang maglungad then rest and feed after 30 minutes.” ani Dr. Tiglao.

17. Pagkamot o pagkiskis sa cradle cap ni baby

Ang cradle cap ay ang langib sa ulo ni baby na parang balakubak. Sanhi ito ng extra sebum production sa hormones ni Mommy. Nakakairita mang tingnan, hindi ito masakit para kay baby at kusa rin itong mawawala.

Pero kung gagalawin mo o pilit na tatanggalin ito, maaari itong mairita ay magdulot ng impeksyon. Kaya dapat ay pigilan mo ang sariling galawin ito.

Alamin mo na lang ang tamang pangangalaga sa ulo ng iyong newborn dito.

 

Na-republish nang may pahintulot mula theAsianparent Singapore

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio at Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.