Hindi ibig sabihin na may PCOS ka, hindi ka na magkakaanak

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“As much as you want to plan your life, it has a way of surprising you with unexpected things that will make you happier than you originally planned. That’s what you call GOD’S WILL.”

After our marriage (April 2019), nag-resign ako sa trabaho thinking na hindi dapat ako ma-stress dahil alam kong mahihirapan kaming makabuo because of PCOS. Almost a year din akong tambay noon hanggang sa napapatanong na ko kung kailan kami bibiyayaan o mabibiyayaan pa kaya kami?

I’m not sure. Mahirap pag may PCOS kasi swerte mo na pag kabilang ka sa mabilis mabuntis. Every month, lagi akong assumera. Ma-delay lang ako ng 2 weeks nagpi-PT na agad ako. Ganun ako ka-OA! Lahat ng early pregnancy symptoms nararamdaman ko pero dadating lang pala mens ko.

Delayed mens pero never ako nagka-dysmenorrhea ‘pag nagkakaroon. Acne, oily face, overweight, darkening of some parts of my skin especially my neck — yan ‘yong mga PCOS symptoms na naranasan ko. I found out I had PCOS year 2016 nung na-delay ako ng 6 months.

May nireseta saking gamot at nung nagkaroon na ko, ‘di na ko nakabalik dahil busy sa trabaho. Ang dami ko din sinalihan na trying to conceive group at discipline sa pagkain ang ginawa ko. Iwas sa coffee, malalamig, at matatamis. Na-try ko din uminm ng mga herbal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

July 12, 2020 – I will never forget that day. One week delayed lang ako nun nung nag-PT ako pero no early pregnancy symptoms. As in okay na okay ako. ‘Di ko nga alam bakit nag-PT ako nung araw na ‘yon kasi usually pinapaabot ko talaga ng 2-3 weeks delayed. Pero ayun napakalinaw na 2 lines.

Ako lang mag-isa sa bahay noon kaya di ako makatili o makasigaw sa saya. Teary eyed. Hindi ako makapaniwala!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung kailan hindi ko inaasahan, kung kailan wala ako signs at kung kelan busy na ako ulit sa bago kong work at kung kailan na napasabi na ko ng bahala na. Itinaas ko na lang talaga lahat kay Lord. Sobrang thankful ko kasi ‘di ako pinapahirapan ni baby na akala ko noon maselan ako. Minsan nga nakakalimutan ko pang buntis ako kasi no symptoms at all, lumaki lang yun tyan ko.

Hindi totoo na pag may PCOS ay hindi ka na mabubuntis. Yun kasi ‘yong akala ko nung una kaya masyado ako na-pressure. Sa buhay, hindi dapat tayo nagmamadali. Magkakaiba tayo ng timeline kaya huwag mo i-compare yung sarili mo sa iba.

Discipline yourself. Pa-check sa OB. Iwasan ang dapat iwasan. At, magtiwala kalang kay Lord at ibibigay Niya iyon sa tamang panahon. Pray lang nang pray! I wish na sana masagot na ang isa sa kahilingan mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement