Dahil sa sobrang pag ire, babae nagka-amnesia
Constipation nauwi sa temporary memory loss ng isang babae.
Hirap sa pagdumi o constipation ang naging dahilan umano para pansamantalang mawalan ng memorya ang isang babae sa Hong Kong.
Babaeng nawalan ng memory dahil sa hirap sa pagdumi
Ayon sa report ng China Press, isinugod sa ospital ang constipated na babae nang mapansin ng mga kaanak nito na tila nagkaroon ito ng memory lapse. Ngunit nang tingnan ng doktor ay nakitang normal naman ang brain function niya.
Makalipas ang walong oras ay naka-recover ang babae at unti-unting bumalik ang nawalang memorya niya. Bagamat hindi na niya matandaan ang mga nakalipas na oras na nawala umano ang kaniyang ala-ala.
Transient global amnesia
Ayon sa neurologist na si Dr. Peng Jiaxiong, ang episode na nangyari sa babae ay tinatawag na transient global amnesia. Ito ay isang kondisyon na tinatawag ding internal jugular vein valve incompetence na kung saan hindi nagiging normal o nakukumpromiso ang daloy ng dugo sa utak ng isang tao.
Ito daw ay nangayayari kapag nakukulangan ng oxygen ang utak gaya ng dahil sa labis na pag-ire ng mga taong hirap sa pagdumi.
Bagamat bihira ang kondisyon na ito ay ipinapaalala ng doktor na ang mga constipated, nagbubuhat ng mabibigat na bagay o nakakaranas ng matinding emosyon ang mas mataas ang tiyansang magkaroon nito.
Ang iba pang maaring maging dahilan ng transient global amnesia ay ang sumusunod:
- Biglang paglubog sa malamig o mainit na tubig
- Sexual intercourse
- Medical procedures tulad ng angiography o endoscopy
- Mild head trauma
- Acute emotional distress na maaring dulot ng bad news, conflict o overwork
Samantala ang sintomas naman ng transient global amnesia ay ang sumusunod:
- Biglang pagkawala ng ala-ala ng isang tao
- Kahit nawalan ng ala-ala ay nakikila parin ang sarili o kaniyang identity
- Normal cognition o nakakilala parin ng tao o bagay at nakakasunod sa mga simple directions
- Hindi nakakaranas ng mga sintomas na palatandaan ng brain damage tulad ng limb paralysis, involuntary movement o impaired word recognition.
Ang iba pang dagdag na sintomas na maaring makatulong para matukoy kung transient global amnesia ang nararanasan ng isang tao ay ang sumusunod:
- Pagkawala ng ala-ala sa loob ng 24 oras o mas maikli
- Paunti-unting pagbalik ng ala-ala
- Hindi nakaranas ng head injury
- Hindi nakaranas ng seizure sa mga oras na nawalan ng ala-ala
- Walang history ng active epilepsy
Paalala ni Dr. Jiaxiong sa kung sinumang makaranas ng sintomas ng memory loss pagtapos umire dahil sa hirap sa pagdumi ay pumunta agad sa doktor at magpakonsulta. Dahil ang kondisyon daw na ito ay maaring lumala at mauwi sa stroke.
Noong 2016 ay may naitala ring kaso ng transient global amnesia sa isang 58-anyos na babae sa Taiwan. Bigla nalang daw nawala ang memorya nito matapos makaranas ng constipation at makaranas ng intense emotions dahil sa panonood ng isang political talk show.
Source: Asia One, Mayo Clinic