Elem at HS graduates na may honors sa Pasig, makakatanggap ng cash

Elem at HS graduates na may honors sa Pasig, makakatanggap ng cash

Good news para sa mga Elem at High School graduate with honors! Isang maagang graduation gift ang ibinigay ni Mayor Soto para sa honor students benefits.

Honor Students Benefits: Good news para sa mga hardworking Elementary at High School graduate with honors sa Pasig! Isang maagang graduation gift ang ibinigay ni Mayor Sotto.

 

Sa isang Facebook post ni Mayor Vico Sotto ng Pasig, masaya nitong ibinahagi ang pag-apruba ng Pasig City Council sa kanyang resolution. Ito ay ang makatanggap ng cash gifts ang mga Elementary at High School graduate na may honors. Ang cash incentives na ito ay umaabot sa Php 500 hanggang Php 3,000

“#justsigned. Resolution approving cash gifts for our public ES and HS students graduating with Honors!” Sotto said. 

Ang city government ay magbibigay ng Php 500 sa mga Elementary graduate na may honor. Samantalang Php 1,000 naman sa mga may high honors at Php 1,500 sa may pinakamataas na honor.

honors-students-benefits

Imagre from Juan Carlos student benefits.

 

Sa senior high school students naman na may honor ay Php 1,000. Samantalang ang estudyanteng may high honor ay Php 2,000 at Php 3,000 sa may pinakamataas na honor.

 

Kilala si Mayor Vico sa pagiging malapit sa mga kabataan

honors-students-benefits

Image from Unsplash

Matatandaan noong August 31 sa Linggo ng Kabataan na ginanap sa Pasig, nagbahagi ito ng kanyang saloobin tungkol sa mga kabataan sa panahon ngayon.

“Naniniwala ako sa kapasidad ng mga kabataan. Naniniwala ako sa kapasidad ninyo…. Huwag nating limitahan ang mga sarili natin at ngayon pa lang, makilahok na tayo sa gawain ng ating gobyerno. Makilahok na tayo sa pagpaplano, paggawa ng mga programa at proyekto. Huwag nating hayaan ‘yung mga nakaupo sa city hall na sila lang ang gagawa,”

-Mayor Vico Sotto

Dagdag pa niya,

“Ang bahagi ko naman bilang mayor ay buksan ang city hall, buksan ang ating local school board, buksan ang decision-making process natin para makasama at mapakinggan ang bawat isang grupo, ang bawat isang mamamayan ng Pasig.”

 

Si Mayor Vico Sotto ang kasalukuyang mayor ngayon ng Pasig City. Siya rin ang naitalang pinakabatang alkalde sa buong Metro Manila, sa edad na 30.

 

Source: GMA News

BASAHIN: How I took the first step to prepare for my child’s college educationProgressive education: A comprehensive guide for all parents!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner