7 sex positions na siguradong magpapainit ng inyong gabi

lead image

Hindi maikakaila na para sa ilang mga mag-asawa, nagiging routine o paulit-ulit lang ang sex. Kaya't nakakatulong ang iba't-ibang mga hot sex positions 

Hot sex positions na nakakadagdag ng excitement para sa mga mag-asawa

1. The Lotus

Sa Lotus position, naka cross ang binti ni mister, at aakyat ka sa taas niya habang nakaharap sa kaniya. Pagkatapos, ibabalot mo ang iyong mga binti sa baywang ni mister.

Sa ganitong position, makokontrol mo ang paggalaw, pati ang lalim at bilis ng pagpasok ni mister. Kaya siguradong magiging masarap at mainit ang inyong gabi.

2. The Scissor Tabletop

Sa position na ito, kailangan niyo ng lamesa. Hihiga ka sa lamesa, at ang puwit mo ay malapit sa dulo. Iaangat mo ang iyong mga binti sa 90 degree position, at dito na papasok si mister. Pero habang pumapasok siya, kailangan mong i-cross ang iyong mga binti.

Mas nagkakaroon ng sensation sa posisyon na ito, at mas may friction dahil naka-cross ang iyong mga binti. Isa talaga ito sa mga pinaka-hot sex positions na puwede ninyong gawin.

3. The Dirty Dancer

Sa Dirty Dancer, nakatayo kayo parehas ni mister, at siya ay naka-lean sa pader. Puwede mong iangat ang isa mong binti para makakuha ng mas magandang anggulo, pero sa posisyon na ito, ay ikaw ang gagalaw habang si mister ay naka-lean lang.

Maganda ang posisyon na ito dahil mas malalim ang pag-penetrate ni mister, at mas madali niya ring matatamaan ang iyong G-spot.

4. The X

Ang position na ito ay ginagawa sa upuan. Nakaupo si mister sa upuan, at naka-stretch ang kaniyang mga binti. Papatong ka naman sa taas niya, at naka-stretch din ang iyong legs. Ang hitsura dapat nito ay parang naka-X na posisyon ang inyong mga legs.

5. The Spider

Sa spider position, nakahiga sa kama ang iyong mister, at nasa spread ang kaniyang mga binti. Papatong ka sa kaniya, pero ikaw ay nakatalikod. Puwede mong gamitin ang iyong mga paa para sa support.

Sa position na ito ay mas may kontrol ka sa mga nangyayari, at makokontrol mo ang bilis, lalim, at ang posisyon ng pagpasok ni mister. 

6. The Sexual Plank

Ang position na ito ay para sa mga mas athletic na couples. Nakadapa ka sa kama, at papasok sa likod mo si mister. Kapag nasa likod na siya, itataas mo ang iyong mga legs at bubuhatin naman ito ni mister.

Nakasuporta dapat ang iyong mga braso habang hawak-hawak ni mister ang legs mo at pumapasok sa likod mo.

7. The MegaHurtz

Nakakatakot man ang pangalan ng position na ito, pero siguradong makapagbibigay ito ng pleasure sa inyong dalawa! Ang position na ito ay ginagawa sa sahig, at dapat ikaw ay nakadapa, habang nakagilid ang ulo mo.

Bubuhatin ni mister ang legs mo, at gagamitin mong pang suporta ang iyong mga braso at balikat. Habang hawak-hawak ni mister ang iyong legs, ay papasok siya sa likod.

Kakaiba ang posisyon na ito dahil maraming dugo ang dadaloy sa ulo mo. Kaya't siguradong magiging mas intense ang orgasms at ramdam na ramdam mo talaga ang bawat thrust ng iyong asawa.

 

Source: Women's Health

Basahin: 5 sex positions na dapat subukan kapag matagal na kayong walang sex ni mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!