Ihi lang ba o pumutok na ang aking panubigan?

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos isang linggo ako nakaramdam ng pananakit ng tiyan bago ko mairaos ang aking anak.

Alas tres ng madaling-araw, Hunyo 1,2021, ay hindi na ako makatulog at sobra na ang pananakit ng tiyan ko. Nakakaramdam na rin ako na parang naiihi pero bago pa ako makaihi sa arinola, naisipan kong ilabas habang nakatayo. At nong nailabas ko na ang likido hinawakan ko ito at inamoy, ngunit hindi siya mapanghi at walang amoy.

Kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng wipes at ipinunas sa likido at ipiniga sa aking kamay. Hindi ito kulay dilaw at muka siyang tubig lamang. Inulit ko ang pagpunas at pagpiga ng mga tatlong beses hanggang sa naisipan ko nang puntahan ang aking ina para sabihin na may lumabas ng tubig sa aking pwerta.

Nag-ayos na kami ng mga dadalhin dahil hindi ko na rin kaya ang sakit. Alas kwatro kami nakarating sa paanakan (lying-in) at tinanong muna ako bago tingnan kung bukas na ba ang aking cervix. 2 cm pa lamang ito ngunit sobrang sakit na talaga ng tiyan ko na parang gustong gusto na lumabas ni baby.

Dahil hindi ko na kaya ang pananakit nito, in-admit na ako at nilagyan ng suwero. Noong una, hirap ang aking kumadrona na hanapin ang ugat ko kaya umabot ng apat na subok bago nahanap ito. Buti na lamang hindi ako takot sa karayom at nakayanan ko kahit masakit at namaga ang aking kamay.

Pagkatapos akong lagyan ng suwero, may tinurok na pampahilab. Pagkaraan ng mga ilang minuto lalo nang sumasakit ang aking tiyan at may mga oras na masakit ito at biglang nawawala. Doon ko naisip na ganun pala kasakit ang mag-labor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inabot ng hanggang alas diyes ng umaga bago dumating ang aking OB at natiis ko ang sakit ng ganun katagal na para akong nababaliw habang nakatagilid dahil hindi raw ako pwedeng tumihaya at umiri hanggang wala ang doktora.

Noong handa na akong umire, nahirapan ako kasi hindi ako marunong at mabilis akong mawalan ng hangin. May pangyayari pa nga na lumabas na ang kalahati ng ulo ni baby ngunit bigla akong nawalan ng hangin kaya bumalik siya sa loob at bumakat ang daliri ni doktora sa ulo niya. At doon na ginupit ang aking pwerta para makalabas na si baby.

Nailabas ko siya ng saktong 10:10 at nakaramdam ako ng ginhawa. Noong nahawakan ko siya, hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama tapos agad siyang kinuha saakin para ako’y makapagpahinga bago ko siya padedehin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ko malilimutan ‘yong parte kung saan isang oras nanginig ang aking buong katawan na parang nilalamig at hindi makontrol ang sarili ko, kaya ginawa saakin ay pinainom ng mainit na tubig at kinumutan.

Ang sanhi ng panginginig ng aking buong katawan ay ang paghugas ko ng pwerta gamit ang tubig sa gripo. Kaya simula nun maligamgam na tubig na ang pinagamit sa’kin.

Maraming salamat at naipamahagi ko ang aking karanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

razzel jade jabal