Kilalanin ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak

lead image

Dagdag pa ng aktres na si Ina Raymundo sa kaniyang post, ang anak daw niya na si Erika ang susunod na "Sabado Nights" girl.

Noong 90s ay sumikat ang aktres na si Ina Raymundo bilang "Sabado Nights" girl. At ngayon, mukhang sumusunod sa yapak ni Ina ang kaniyang panganay na anak na si Erika Poturnak.

Ina Raymundo, ipinakilala ang anak sa Instagram

Noong November 15 ay pormal na ipinakilala ng aktres na si Ina Raymundo ang anak niyang si Erika sa kaniyang Instagram account. Siya ang panganay nila ng asawang Ukranian-Canadian na si Brian Poturnak.

Dati rati ay hindi nagpopost ng larawan ng anak si Ina, dahil gusto raw nitong maging anonymous, at hindi makita sa IG ng kaniyang ina. Dagdag pa ng aktres na nirerespeto niya ang desisyon ng anak na maging pribado.

Kadalasan ay tungkol sa fitness at sa mga endorsements ang pinopost ng aktres sa kaniyang Instagram. Paminsan, naglalagay din siya ng larawan ng kaniyang mga anak na si Mikaela, Anika, at Minka, pati na rin ang unico hijo niya na si Jakob. Pero halos walang mga larawan ang kaniyang panganay na si Erika.

Si Erika daw ang susunod na "Sabado Nights" girl

Pero mukhang nagbago na ang isip ng dalaga, dahil sunod-sunod ang mga post ni Ina kasama ang panganay na si Erika. 

Ang una ay isang larawan kung saan magkatabi silang mag-ina, at binansagan niyang susunod na "Sabado Nights" girl si Erika.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

 

Ang isa naman ay larawan ni Erika at Jakob noong nakaraang Halloween, at kitang-kita na malapit sa isa't-isa ang magkapatid.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

 

Nagbahagi rin si Ina ng larawan ng kaniyang mga anak na babae, at kitang-kita na lahat sila ay nagmana kay Ina!

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Papasok kaya sa mundo ng showbiz ang anak ni Ina na si Erika? Hindi natin masabi, pero siguradong malaki ang potensyal niyang sumikat tulad ng kaniyang mommy na si Ina!

 

Source: GMA Network

Basahin: Mom of 5 Ina Raymundo on maintaining fit figure: “I eat 6 full meals a day”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!