X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Easter activities na maaaring gawin sa loob ng bahay

6 min read
Easter activities na maaaring gawin sa loob ng bahayEaster activities na maaaring gawin sa loob ng bahay

Gawing exciting ang Easter celebration ng inyong pamilya kahit nasa loob lang ng bahay sa tulong ng mga games na ito. Feature photo source: Freepik

Indoor Easter games at activities ba na maaring gawin sa loob ng bahay ang hanap mo para iyong pamilya? Puwes, narito ang ilang family Easter games ideas na maaari ninyong subukang gawin.

Indoor Easter games

Image from Freepik

Indoor Easter games at activities

Matapos ang pagninilay-nilay sa Semana Santa o Holy Week ay sunod namang ipinagdiriwang ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Ito ay kilala sa tawag na Easter Sunday na kung saan iba’t-ibang makukulay na activities ang ginagawa. Partikular na ang may kaugnayan sa mga Easter eggs na hindi lang nai-enjoy ng mga bata kung hindi pati narin ng matatanda.

Marahil sa ngayon, dahil sa lockdown, ang pinoproblema mo ay kung paano ninyo ito maipagdiriwang ng buong pamilya. Hindi ka na dapat mag-alala dahil may mga indoor Easter games and activities ang maari ninyong gawin. Para nga mabigyan ka ng idea ay narito ang ilang family Easter games na inyong magagawa sa loob lang ng inyong bahay. Hindi lang nito bibigyang saya ang muling pagkabuhay ni Hesus kung hindi mas pasisiglahin rin nito ang pagsasama ng inyong pamilya.

Family Easter games

1. Easter Egg Hunt

Sino nagsabing sa labas lang ng bahay puwedeng gawin ang Easter egg hunt? Puwede ninyo rin itong gawin sa loob ng bahay ninyo na kasing exciting rin kung sa labas gagawin.

Kaysa magkalat ng mga eggs sa mga sulok ng inyong bahay, ay magbigay ng trail clues kung saan matatagpuan ang natatanging Easter egg na may katumbas na premyo. Puwedeng, gumamit ng bugtong o logic questions sa mga trail clues papunta sa Easter egg. Sa ganitong paraan ay hindi lang nag-ienjoy ang mga bata sa laro kung hindi may natutunan rin silang bago.

Ready? Set. Go! 🏃‍♀️🏃🏻‍♂️ Worried about what to do with the kids for Easter Weekend in #isolation? Fear not! 😎

Check out our Easter Egg Trail which you can print and hide around your home 🥚👇 Tag us in your photos, using #BurnsBirthplace 📷 pic.twitter.com/GnIWT0St3R — Robert Burns Birthplace Museum (@RobertBurnsNTS) April 9, 2020

Kung gusto naman ng dagdag na thrill ay gawin ang Easter egg hunt sa gabi. Bumili lang ng mga glow in dark eggs o accessories na mag-guguide sa mga chikiting papunta sa hinahanap nilang itlog.

2. Egg and Spoon Race

Indoor Easter games

Image from Pinterest

Kung may malaking space naman kayo sa inyong bahay ay subukan ang Egg and spoon race. Hatiin sa dalawang grupo ang inyong pamilya. Maghanda ng itlog o hindi kaya naman ay plastic eggs upang hindi maging makalat kapag nahulog. Ipatong ito sa kutsara at saka magpaunahan ang dalawang grupo na maihatid ang itlog sa finish line ng hindi nahuhulog. Para mas magkaroon ng thrill ay maaring maglagay ng obstacle course na nadadaanan ng kada grupo papunta sa finish line.

3. Easter Egg Toss

Pagpares-paresin ang miyembro ng pamilya. Sa una ay dapat magkalayo muna ang bawat pares ng isang metro ang sukat. Kung gagamit ng hilaw na itlog sa larong ito ay mas mabuting lumang damit ang suot ng bawat isa. Maari rin namang gumamit ng lutong itlog para hindi masyadong makalat kapag nahulog.

Simulan ang laro sa paghagis ng itlog ng bawat pares sa isa’t-isa ng hindi nahuhulog. Mas magiging exciting kung magpapatutog ng upbeat music habang ito ay ginagawa. Magbigay ng oras kung gaano katagal magpapasahan ang mga pares ng itlog. Ang sinumang matagumpay na matapos ang oras ng hindi nahuhulog ang itlog ay tutuloy sa susunod na round na kung saan madadagdagan ng isa pang metro ang layo ng bawat pares sa isa’t-isa.

Ang huling pares na hindi nakabasag ng itlog ang panalo sa laro. O kaya naman imbes na magpares-pares, ay gumamit ng mga basket na kung saan dapat matagumpay na mai-shoot ang mga itlog ayon sa mga kulay nila.

Indoor Easter games

Image from Frugal Fun

4. Easter Egg Scrabble

Maglaro ng scrabble na may Easter twist. Hatiin muli ang miyembro ng pamilya sa dalawa. Ihanda ang scrabble board na kung saan ang bawat team ay dapat makabuo ng mga salita na may kaugnayan sa Easter o Linggo ng Pagkabuhay.  Kung sinong pinakamaraming mabuong salita sa dalawang team ang siyang mananalo sa laro.

Indoor Easter games

Image from Dreamstime

5. Easter Egg Matching Game

Ang Easter egg matching game ay isang laro na siguradong mai-enjoy ng mga maliliit na bata. Maghanda ng mga plastic eggs. Saka sulatan ang kalahating parte ng bawat itlog ng kada isang letra sa alphabet. Ang isang kahalati ay dapat puro malalaking letra o upper case letter ang nakasulat. Habang ang isa pang kalahati ay mga maliliit na letra o lower case letters naman ang nakasulat.

Ilagay sa isang basket ang mga itlog at saka i-instruct ang iyong mga anak na i-match ang mga maliliit na letra sa malalaking letra na kapareha nito upang mabuo ang mga itlog.

Indoor Easter games

6. Easter Charades o Easter Pinoy Henyo

Isang exciting na laro rin para sa buong pamilya ay ang charades o kaya naman ay Pinoy Henyo. Lagyan lang ito ng Easter touch na kung saan ang mga pahuhulaang character o items ay may kaugnayan sa selebrasyon.

Indoor Easter games

Image from Bas Bleu

7. Easter Eggs-ercises

Gawin namang egg-citing ang isang Question and Answer game. Maghanda ng mga tanong na may kaugnayan sa Easter. At maghanda rin ng isang basket ng mga plastic eggs na may nakasulat na exercise o consequence sa loob. Ang sinumang makakasagot ng tanong ay makakatanggap ng premyo. Habang ang magkakamali ay kukuha ng isang itlog sa basket at gagawin ang exercise o consequence na nasa loob nito.

Indoor Easter games

Image from Good Housekeeping

8. Easter Egg Puzzles

Maglagay ng bawat piraso ng jigsaw puzzle sa loob ng plastic eggs. Saka ito paunti-unting pabuksan hanggang sa ang puzzle ay mabuo.

Indoor Easter games
Partner Stories
How to Really Reduce Plastic Use – and Why a Total Ban may not be the Real Solution
How to Really Reduce Plastic Use – and Why a Total Ban may not be the Real Solution
Josephine Gotianun-Yap and daughter Isabelle Gotianun Yap on motherhood, career, and everything in between
Josephine Gotianun-Yap and daughter Isabelle Gotianun Yap on motherhood, career, and everything in between
Ramen Nagi opens 21st store in Greenhills
Ramen Nagi opens 21st store in Greenhills
Take the #FirstStepToHealth with AXA Philippines and get free  teleconsultation
Take the #FirstStepToHealth with AXA Philippines and get free teleconsultation

Image from Good Housekeeping

9. Easter Egg Painting

Puwede rin kayong magpaligsahan sa pagpinta o decorate ng mga Easter eggs. Dito ay maari kayong humingi ng tulong ng mga friends ninyo sa social media upang magdecide kung sino ang mananalo.

Easter activities na maaaring gawin sa loob ng bahay

Image from Freepik

I-celebate ang inyong Easter Sunday na puno ng sigla at saya kasama ang buong pamilya gamit ang indoor Easter games na nabanggit.

Source:

Stuff, Country Living, Featured photo

ALSO READ: Throw a last-minute Easter party in 4 easy steps!

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Bahay
  • /
  • Easter activities na maaaring gawin sa loob ng bahay
Share:
  • What to do and where to go for families this Easter

    What to do and where to go for families this Easter

  • Awesome Easter Egg Hunt destinations for Easter 2019!

    Awesome Easter Egg Hunt destinations for Easter 2019!

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • What to do and where to go for families this Easter

    What to do and where to go for families this Easter

  • Awesome Easter Egg Hunt destinations for Easter 2019!

    Awesome Easter Egg Hunt destinations for Easter 2019!

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.