Sakit sa tiyan, Kawasaki disease at iba pang sakit na lumalabas sa mga batang may COVID-19

undefined

Mga batang nag-positibo sa COVID-19 maari rin umanong makaranas ng malalang sintomas ng sakit ng katulad sa mga matatanda. Ito ay ayon sa bagong NHS urgent alert.

Bagong inflammatory syndrome COVID 19 related umano ayon sa mga health experts. Sakit natuklasang nararanasan ng ilang batang nag-positibo sa coronavirus disease.

inflammatory syndrome COVID 19

Image from Freepik

Bagong inflammatory syndrome COVID 19 related umano

Nitong April 27 ay may isang urgent alert ang ibinahagi ng Paediatric Intensive Care Society UK o PICS sa Twitter. Ito ay tungkol sa bagong inflammatory syndrome na tumatama ngayon sa mga bata sa UK. Ayon sa PICS, ang impormasyon ay mula sa National Health Services England. At ang bagong inflammatory syndrome ay COVID 19 related umano.

Base sa urgent alert, ay may hindi bababa sa 12 na bata ang kinailangang mailagay sa intensive care unit o ICU matapos mag-positibo sa coronavirus disease. Ito ay sa kabila ng una ng ipinahayag ng ahensya na hindi nakakaranas ng malalang sintomas ng sakit ang mga bata kumpara sa matatanda. Dahil maliban umano sa sintomas ng COVID 19 sa bata ay nagpapakita rin sila ng multisystem inflammatory state. O mga sintomas na may kaugnayan sa toxic shock syndrome at Kawasaki disease.

“There is a growing concern that [a Covid-19-related] inflammatory syndrome is emerging in children in the UK, or that there may be another, as yet unidentified, infectious pathogen associated with these cases.”

Ito ang nakasaad sa inilabas ng urgent alert ng NHS UK.

Severe COVID-19 symptoms sa mga bata

Ayon parin sa urgent alert maliban sa pamamaga ng blood vessels na pangunahing sintomas ng Kawasaki disease ay nakakaranas rin ng pananakit ng tiyan at cardiac inflammation ang mga batang nakakaranas ng inflammatory syndrome. Ito ay maihahalintulad sa severe COVID-19 symptoms na nararanasan ng mga matatanda.

Pero paglilinaw rin ng ahensya, hindi lang mga batang COVID-19 positive ang nakakaranas ng bagong inflammatory syndrome. May mga bata ring hindi nagpositibo sa sakit ang nagpapakita ng sintomas nito. Bagamat mas pinapalala nito ang sintomas ng COVID-19 na una ng sinabing mild lang ang ipinapakita sa mga bata.

inflammatory syndrome COVID 19

Batang may Kawasaki Disease
Image from KPBS

Pahayag ng mga eksperto

Sa kabila ng bagong inflammatory syndrome na ito, siniguro naman ng mga health experts na wala dapat ipag-alala ang mga magulang tungkol sa kaligtasan ng mga bata laban sa sakit na COVID-19. Dahil nanatili paring mababa ang bilang ng mga batang nagpopositibo sa sakit. Kung magpositibo man ay mild symptoms lang ang kanilang nararanasan. At itinuturing parin ang bagong inflammatory syndrome na COVID 19 related umano na bibihirang kaso. Pero kung nag-aalala sa kondisyon ng anak ay mabuting ipakonsulta na ito sa doktor. Ito ay ayon kay Professor Russell Viner, president ng Royal College of Paediatrics and Child Health.

Walang dapat ipag-alala ang mga magulang

Ganito rin ang paniniwala ni Professor Simon Kenny, NHS national clinical director for children and young people sa UK. Ayon sa kaniya, walang dapat ipag-alala ang mga magulang. Dahil ang urgent alert ay inilabas upang mabigyan ng idea at maging aware ang mga health professionals na maaring mangyari ito. At upang mapaghandaan nila ang kanilang gagawin sa oras na maka-encounter sila ng COVID-19 patient na nagpapakita ng sintomas ng bagong inflammatory syndrome.

“Thankfully Kawasaki-like diseases are very rare, as currently are serious complications in children related to Covid-19, but it is important that clinicians are made aware of any potential emerging links so that they are able to give children and young people the right care fast.”

Ito ang pahayag ni Professor Simon Kenny.

Sumang-ayon naman sa pahayag na ito ni Professor Kenny si Dr. Tina Tan na professor of pediatrics and infectious disease sa Northwestern University’s Feinberg School of Medicine sa Chicago.

“I think it’s really important that an alert like that goes out, not to alarm anybody but to have people be aware of the fact that this can happen. There have been an increased number of cases like this reported in Italy as well as Spain. Here in the US, I think we’re just starting to see it”, pahayag ni Dr. Tan.

Dagdag pa niya, may ilang batang pasyente rin sila ng COVID-19 sa Chicago ang nakakaranas ng malalang sintomas ng sakit. Partikular na ang mga may iniinda ng iba pang karamdaman tulad ng obesity at hypertension.

Mahalagang impormasyon ito para sa mga health professionals

inflammatory syndrome COVID 19

Image from Freepik

Ganito rin ang sinabi ni Dr. Liz Whittaker, consultant ng St Mary’s hospital sa London at miyembro ng the Royal College of Paediatrics. Ayon sa kaniya ang NHS alert ay bagong batayan ng mga health professionals sa pag-eeksamin ng batang nakakaranas ng sakit ng tiyan at lagnat.

“Our worry is that paediatricians who see children with fever and abdominal pain will do blood tests to look for problems such as appendicitis, but might not do bloods that look for inflammatory issues.”

Ito ang pahayag ni Dr. Whittaker.

Kailangan pa ng dagdag na impormasyon at pag-aaral

Habang para kay Dr. James Gil, honorary clinical lecturer sa Warwick Medical School sa UK kailangan pa ng ibayong pag-aaral at ebidensya upang masabi ngang may kaugnayan ang bagong inflammatory syndrome sa COVID-19. At kung ito nga ay masabing totoo, dapat daw ay maglabas rin ng instructions kung paano i-hahandle ng mga health professionals ang kondisyon na ito.

“The PHE surveillance guidance on children with regard to Covid-19 does not currently mention issues with a multi-system inflammatory response. In many ways, there is no change here. Clinically health professionals have a heads-up about possible presentations, but will not change their current high level of caution.”

Ito ang pahayag ni Dr. Gil.

 

Source:

The Independent UK, The Guardian, CNN Edition

Basahin:

ALAMIN: Mga bagong sintomas ng COVID-19 na dapat mong bantayan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!