Hello mga ka-momma, share ko lang po ito, isa sa mga paborito ng anak ko na niluluto ko.
Makikita dito is more on gulay. Gusto ko kasi sila masanay kumain ng mga masustansyang gulay. Aaminin ko sa una, nahirapan ako dahil ngayon lang ako naging full-time mom since nag-resign na ko sa work ko this past few months.
Madaming akong strategy na ginawa mapakain lang sila ng gulay. Pero sa awa ng Diyos, kapag niluluto ko na ang paborito nila, nauubos nila minsan nakakadalawang kain pa. Super blessed din ako kasi dahil sa gulay, madami silang nutrients na nakukuha.
Hindi ko na need ng vitamins, sapat na sa akin na malulusog sila at hindi sila nagkakasakit. Dumaan din kasi sila sa pagiging sakitin.
Kaya nag-isip ako ng mga masusustansyang gulay na iluluto sa kanila. Much better, lagi ko pinapaintindi sa kanila ang pagkain ng gulay ay nakakabuti sa kalusugan nila. Pinapaliwanag ko isa-isa ‘yong mga sangkap kung para saan ba to ito at ano nakukuha nila sa gulay. At least may bonding din kami ng mga anak ko.
‘Yong strategy na ginagawa ko pag hindi sila kumakain, halimbawa sinasabihan ko sila na hindi na sila lalaki.
Minsan din kasi, dapat patok din talaga sa panlasa ng mga bata ‘yong niluluto natin para kumain sila ng marami. Madalas kasi ginagawa ko bawas sa vetsin. Mas pinapalasa ko ‘yong gulay dahil gusto ng mga anak ko masasabaw.
Isa sa mga ginawa ko, inisip ko lahat ng pwedeng gawing recipe at kung ano ang magiging paborito nila, sa awa ng Diyos lumalaking healthy mga anak ko. Hindi man sila ganon kataba, sapat na sa’kin nakakain sila ng masustansyang gulay.
Masaya akong pinaglulutuan ko sila ng paborito nilang pagkain. Kaya maganda po na i-encourage natin kumain ng masustansyang gulay ang ating mga anak samahan pa natin ng pagmamahal habang nagluluto at pwede din natin ipakita kung paano ang tamang proseso sa pagluluto.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!