Aktres na si Isabel Oli-Prats, nanganak na

lead image

Malugod na sinalubong ng mag-asawang si Isabel Oli at John Prats ang kanilang pangalawang anak na si Daniel Freedom Prats.

Parang kailan lang ay nagbigay ng announcement ang mag-asawang si Isabel Oli at John Prats na madaragdagan na ang kanilang pamilya. At matapos ang 9 na buwan, nanganak na nga ang aktres na si Isabel Oli sa kanilang bunsong anak na si Daniel Freedom.

Isabel Oli, nanganak na

Noong Nob. 26 ay malugod na sinalubong ng mag-asawa ang kanilang anak na si Daniel Freedom. Nagbahagi pa nga ng post sa Instagram si John kung saan nagpasalamat siya sa panginoon, at ipinakitang hawak-hawak niya ang paa ng kanilang sanggol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats) on

Nanganak ang aktres sa isang private hospital, at sa kabutihang palad wala namang naging aberya ang kaniyang panganganak.

Bukod sa larawan ng anak ay nagbahagi rin si John ng larawan ng kaniyang asawa habang nanganganak. Heto ang sinabi ni John sa kaniyang Instagram post:

"Maraming salamat po sa lahat ng mga dasal nyo. Salamat po God for protecting her sa delivery of @freedomprats .? Grabe ang paghihirap mo wifey, pero sulit ang lahat. Hindi madaling manganak, kaya pag nakita nyo ang hirap ng mga asawa nyo habang nanganganak, sobra ang pagmahal at respeto na ibibigay nyo sa kanila. I Love you @isabeloliprats ? So much respect to all the Moms in the world! Salamat sa lahat ng nag alaga sa asawa ko sa#StLukesGlobal #wearethepratties"

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats) on

Nag-post din si Isabel Oli sa kaniyang Instagram account

Halos kapapanganak pa lang ng aktres, pero agad-agad ay nakapagpost na ito sa Instagram upang ibahagi ang magandang balita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Oli-Prats 蘇 心 心 (@isabeloliprats) on

Sabi ng aktres sa kaniyang caption, "Your papa @johnprats , achi @featherprats and I prayed. And you came true?? We love you babe @freedomprats#WeAreThePratties #Nov252018"

Na-miss din daw ni Isabel ang kanilang panganay na anak na si Feather, kaya't todo bonding ang dalawa nang makabisita na si Feather sa kaniyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Oli-Prats 蘇 心 心 (@isabeloliprats) on

Kami sa theAsianparent Philippines ay bumabati sa mag-asawang si Isabel Oli at John Prats para sa kanilang anak na si Daniel Freedom. Umaasa kaming lalaki siya ng mahusay, at sana madagdagan pa ang kanilang pamilya.

Source: PEP

Basahin: Isabel Oli answers body-shaming comments on her bikini pic

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!