Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?
Narito ang limang dahilan kung bakit umiiyak sa gabi ang iyong anak. | Lead image from iStock
Pansin mo bang iyak ng iyak si baby sa gabi? Stress at hindi malaman ang gagawin, ano? Parents, narito ang paliwanag ng mga eksperto kung bakit aktibo ang pag-iyak ng iyong anak sa gabi. (Goodbye, sleepless nights na!)
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan ng pag-iyak ni baby
- Paraan para patahanin ang iyak ng iyak na baby
Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?
Sa pagtunog ng alarm clock ni mommy, isa na itong hudyat na kailangan na niyang bumangon at punan ang panibagong araw ng pagiging nanay.
Paghahanda ng kape ni tatay, pagdidilig ng halaman, pagluluto ng umagahan pati na rin ang pagpapaligo kay bunso, lahat ito ay parte ng umaga ni nanay.
BASAHIN:
10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan
Sleep training: Okay lang bang hayaang umiyak ang baby sa gabi?
Siyempre, hindi mawawala ang pagpapadede kay baby na siyang dahilan kung bakit lagi kang puyat sa gabi. ‘Yung tipong kahit pinadede mo na si baby at alam mong wala itong ibang kailangan pero iyak ng iyak pa rin sila sa gabi.
Tanong ng ating moms, ano ba ang dahilan sa likod ng matinding pag-iyak ni baby sa gabi? Narito ang mga posibleng dahilan:
1. Napapagod din si baby
Kahit na buong araw na nakahiga si baby sa kaniyang crib, alam niyo bang napapagod din sila?
May sikat na paniniwala ang ilan na kapag nanatiling gising si baby sa araw ay magandang senyales ito dahil makakatulong siya ng mahimbing sa gabi. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, ito ay mali. Ang pagod na baby ay mahirap patahanin.
2. Gas? Gas!
Isa pang dahilan ng pag-iyak ni baby sa gabi, ay maaaring sobra-sobra ang gas sa kanilang tiyan. Sanhi ito ng matinding pressure, iniiyak na lamang nila ang pagiging uncomfortable ng hindi makalabas na gas!
3. Pagiging sensitibo
Subukan mong pumunta sa kuwarto ng iyong anak sa gabi. May napansin ka bang sobrang liwanag na ilaw? Mahina ngunit nakakairitang tunog ng aircon? Paano ang temperatura sa loob ng kaniyang kwarto, masyado bang mainit at malamig?
Parents, maaaring iyak ng iyak si baby sa gabi dahil sa mga pagbabago sa kaniyang paligid.
4. Gutom na sanggol
Sa patuloy na paglaki ni baby, tumataas din ang pangangailangan nito sa pagkain. Maaaring umiiyak sa gabi ang iyong anak dahil gutom ito o kulang ang nabigay mong gatas.
5. Colic
Sa apat na maaaring dahilan ng pag-iyak ni baby sa gabi na nabasa mo sa itaas, alin siya rito? Kung wala at patuloy na umiiyak si baby na umaabot ng ilang oras, ‘wag itong balewalain! Ipatingin agad ang iyong anak sa doktor upang masuri ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.
Paano patahanin ang iyak ng iyak na baby?
Lahat ng nanay sa phase na ito ay nais magkaroon ng sapat na tulog. Kaya naman basahin ang ilang tips kung paano patahanin si baby!
- Bigyan ng gatas. Ito naman at ang pinakakaraniwan na ginagawa ng magulang kapag nakitang umiiyak ang kanilang baby. Bigyan ito ng iyong gatas dahil baka gutom lang si baby!
- Ilakad. Kung sakaling walang tigil sa pag-iyak si baby, kargahin ito at i-hele. Maaaring ilakad ng marahan sa loob ng bahay. Paniguradong makakatulog ito sa mahinang pag-alog ni mommy.
- Pansinin ang paligid. Kung maingay ang tunog ng aircon, mabuting pahinaan ito. Masyado bang malamig o mainit sa loob ng kwarto? Gawing katamtaman ang temperatura. Baka naman distracted si baby sa nakakairitang ilaw sa kaniyang kwarto, mabuting patayin muna ang ilaw sa loob.
- Magpatugtog ng music. Paniguradong relaxing ang pagtulog ni baby sa gabi kung bibigyan sila ng malumanay na musika habang natutulog.
- Posisyon sa pagpapasuso. Isa ring factor na kailangang tandaan ni mommy ay ang tamang posisyon kapag pinapadede si baby. Madaling makatulog ang isang sanggol kuung komportable ito sa kaniyang pwesto.
- Padighayin. Ugaliin din ang regular na pagpapadighay kay baby. Makakatulong ito para maalis ang gas sa kanilang katawan na siyang nagiging dahilan din ng pagiging hindi komportable nila sa pagtulog.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
- Sleep training: Okay lang bang hayaang umiyak ang baby sa gabi?
- Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."