X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jay Manalo, ibinahagi ang nangyaring insidente sa kaniyang anak

3 min read
Jay Manalo, ibinahagi ang nangyaring insidente sa kaniyang anak

Nais ni Jay na maging aware ang mga magulang sa nangyaring karanasan sa kanyang anak at maging sobrang maingat lalo na sa kanilang mga anak ngayong summer.

Maliban sa pagiging actor, si Jay Manalo ay isang padre de pamilya, butihing asawa sa kanya esposa na si Raizza, at isa na ring proud lolo.

Noong ika-1 ng Abril, nagpahayag ng saloobin si Jay Manalo sa kanyang Instagram account tungkol sa nangyari sa kanyang babaeng anak at sa hindi magandang karanasan nito pagkatapos mag-swimming.

Nais din ni Jay na itaas ang kamalayan ng iba ring mga magulang sa nangyaring karanasan sa kanyang anak at maging sobrang maingat lalo na sa kanilang mga anak ngayong summer.

Ang masamang karanasan sa pagswi-swimming

Ayon sa Pinoy Showbiz Latest, sabi ng aktor sa kanyang post, "Naiyak ako ng di ko napigilan ng makita ko ang mukha ng anak ko ng ganito. Talagang hindi na safe ang magpa-araw ngayon para sa mga tao.”

Dagdag pa ng aktor, "Kaya po ingatan niyo po mga anak niyo at sarili niyo pag nag-out-of-town po kayo, hangga’t maaari mga 7-9am at 4-6pm na kayo mag-swimming.”

"Love you my love love get well soon. Alam mo naman ‘di bale na ako nagkaganyan ‘wag lang kayo magkakapatid."

Tila, nagkaroon ng masamang kaso ng facial sunburn ang anak na babae ni Jay pagkatapos ng matagal na exposure sa araw habang nagswi-swimming ito.

View this post on Instagram
 
    A post shared by Jayman30 (@jayman301) on Apr 4, 2019 at 1:40am PDT

Reaksyon ng ilang netizens

Ito ang mga ilang naging reaksyon at komento ng mga netizen sa post ni Jay:

"Avoid Swimming between 11 am to 3pm."

"Omg kawawa ang bata get soon my dear! God bless."

"So sad Mr. Jay. Ganyan din nangyayari sa anak ko minsan nakainom siya ng gamot not recommended by her Dr. Allergy kasi siya sa gamot na ‘di riniseta ng doktor niya. Get well soon sa baby mo."

Ilang mga tips para makaiwas sa facial sunburn

Para makaiwas sa sunburn, heto ang ilang mga tips na kailangang tandaan ng mga magulang:

  • Umiwas sa paglangoy sa mga oras na 10am hanggang 2pm.
  • Siguraduhing gumamit ng sunscreen, lalong-lalo na sa mukha, at batok.
  • Kung maaari, magsuot ng swimwear na matatakpan ang iyong balat upang makaiwas sa sunburn.
  • Gumamit ng sunscreen na may sapat na SPF at nagpoprotekta sa UVA and UVB rays. 
  • Mainam din gumamit ng water resistant na sunscreen.
  • Mag reapply ng sunscreen kada 2 oras upang masiguradong protektado ang balat.

Source: Kami, Pinoy Showbiz Latest

Basahin: 14 Beach Safety Tips ngayong Bakasyon

Partner Stories
Trouble with the exact sciences: Kaspersky evaluates student performance during enforced distance learning in APAC
Trouble with the exact sciences: Kaspersky evaluates student performance during enforced distance learning in APAC
Benefits of feeding your cat an animal-based protein diet
Benefits of feeding your cat an animal-based protein diet
New on Netflix: Women’s Month Watch List
New on Netflix: Women’s Month Watch List
5 digestive problems in children that should raise red flags for parents
5 digestive problems in children that should raise red flags for parents

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Jay Manalo, ibinahagi ang nangyaring insidente sa kaniyang anak
Share:
  • Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

    Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

  • Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

    Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.