JC Santos proposal to wife Shyleena: “Nag-pray ako out loud tapos, doon ako nag propose, doon ko nilabas yung ring.”

JC na-busted daw noon ng misis na si Shy dahil sa pagkapilyo.

JC Santos and wife Shyleena shares their love story here.

Mababasa sa artikulong ito:

  • JC Santos and wife Shyleena love story.
  • Paano nagpropose ng kasal ni JC Santos sa misis na si Shyleena.

JC Santos and wife Shyleena love story

JC Santos proposal to wife Shyleena: Nag-pray ako out loud tapos, doon ako nag propose, doon ko nilabas yung ring.

Image from JC Santos Instagram account

Sa mga larawan nilang magkasama na makikita sa social media ay makikita ang chemistry ng mag-asawang sina Shyleena Herrera at aktor na si JC Santos.

Ang mag-asawa ay cool na cool sa isa’t isa. Pero sa aming exclusive interview ikinuwento ng dalawa na hindi naging okay ang pagsisimula ng relasyon nila.

Ito ay way back high school pa kung saan una silang nagkakilala. Si Shy, agad umanong nakuha ang atensyon ni JC dahil sa height at looks niya. Nilagawan siya ng aktor pero sa kasamaang palad binusted niya ito.

“Nung high school ako, I remember her, 15 years ago. I was 15 and she was 16 that time. 4th year high school na siya ako 3rd year.

Nagkasama kami sa isang organization. It’s actually a pageant. A school pageant. Tapos kinuha kami both candidates. Ayun doon kami naging friends. Nanligaw ako and busted.”

Ito ang pagkukuwento ng aktor na si JC Santos tungkol sa pagsisimula ng love story nilang mag-asawa.

Kuwento naman ni Shy, kaya niya nagawang i-busted si JC noon ay nalaman niyang may iba na itong girlfriend. At mula ng ma-busted niya na ito ay naging masungit na sa kaniya ang aktor. Pero pag-amin niya ay attracted na rin siya noon kay JC.

Kuwento pa ni Shy,

“Sasagutin ko na eh kaya lang… kapilyuhan days niya.” 

Ito ang strategy na ginawa ni JC para malaman kung si Shy na ba ang “the one”!

jc santos wife

Image from JC Santos Instagram account

Lumipas na ang panahon ay pumasok rin sa parehong college university ang dalawa. Pero hindi na muling niligawan ni JC si Shy. Hanggang sa nag-artista na si JC at muling pumasok sa buhay niya si Shy ng makita niya ito sa social media.

“May friend sya na tinag ‘yong pangalan niya sa isang picture ko. Tapos chineck ko ‘teka parang familiar to.’ Minessage ko siya right away – Shy Herrera as in pageant?’

“Tapos nagreply naman siya agad.”

Dahil sa palitan ng message online ay muling nabuhay ang feelings ng dalawa sa isa’t isa. Doon ay nagdesisyon silang muling magkita.

“It was October then 2018 birthday nya. I sent video greeting. After a week, vinideo sya ng friend nya na umiiyak nung birthday niya.

October 22, I remember that kasi may shoot ako sa Pampangga. Sabi ko ‘do you wanna meet after? May starbucks dito. Parang catch up lang.’ Tapos pumunta ako but I wasn’t expecting her to come.”

Ito ang pagkukuwento pa ni JC.

Noong mga panahong iyon, kuwento naman ni Shy ay pareho silang single. Mas napalapit nga ang loob nila sa isa’t-isa dahil pareho umano silang mahilig sa anime. At doon na sila nagsimulang magkaroon ng totoong relasyon.

Pagbabahagi ni JC, may ginawa siyang strategy para mas makilala si Shy at matukoy kung ito na ba ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

“It was kind of a little strategy na nilalabas ko siya to travel. Kasi gusto ko through thick and thin. Malalaman ko ‘yong standard niya na maarte ba siya o hindi.”

Sa kanilang mga byahe ay doon niya mas nakilala si Shy at mas tumibay ang pagnanais niyang makasama na ito ng pangmatagalan.

BASAHIN:

JC Santos and wife Shy Herrera, ibinahagi ang pregnancy journey sa kanilang “miracle” Baby River

LOOK: Meet River Aletheia, ang super cute na anak ni JC Santos

JC Santos at Mommy Shy, ibinahagi kung paano nila napapatulog ng 8pm si Baby River

Marriage proposal ni JC sa misis na si Shy

jc santos wife

Image from JC Santos Instagram account

Pagdating sa kaniyang ginawang proposal ay parang mala-pelikula rin ang naging eksena. Dahil si JC nag-propose ng kasal kay Shy sa loob ng simbahan.

“Actually sa simbahan mismo kung saan kami nagpa-pray lagi. Every week, every sunday or wednesday.” kuwento ni Shy.

Ang naging proposal ng aktor ay labis umanong kinagulat ni Shy.

“The day before kinausap ko na ‘yong parents niya at pinakita ko na ‘yong ring and kinausap ko ‘yong mommy niya and daddy niya saka ‘yong kapatid nya, ‘I’m gonna be proposing tomorrow.’

Pinakita ko na ‘yong ring. The next day, doon sa simbahan mismo. Nag-pray ako out loud. Tapos doon ako nag-propose, doon ko nilabas ‘yong ring.”

Ito ang kuwento ni JC sa kaniyang naging marriage proposal kay Shy. Silang dalawa ay ikinasal noong Septermber 2019.

JC and Shy as husband and wife

Sa ngayon, ay masayang namumuhay bilang mag-asawa sina Shy at JC. Bagamat very challenging para sa kanila as new parents sa anak nilang si River ang pandemic na nararanasan ay ginagawa daw nila ang lahat para matulungan at masuportahan ang isat-isa.

“Sa relationship naman namin we try to be aware na we’re both, kaming tatlo mismo pati si River, we’re both discovering this new world.

We try to open na nasa adjusting phase tayo. So whenever it’s challenging, that means we’re adjusting and we’re learning something new and it should be a good progress every time.”

Ito ang sabi pa ni JC tungkol sa kanilang relasyon.

Habang si Shy naman, very thankful sa mister nitong si JC. Dahil very supportive daw itong mister. At kahit isa itong artista ay less ang worry niya dahil lagi siyang sine-secure ng asawa.

“He’s a very supportive na husband. Sine-secure niya bago sya mag-work ‘yong feelings ko.”

Ito ang sabi pa ni Shy.

SI JC at Shy ay proud parents ngayon sa anak nilang 1 year and 8 months old na si River.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!