Jennica Garcia on answered prayer: "He gave me what I was waiting for—Alwyn to come back for us"

Mukhang magiging happy family na ulit ang pamilyang Uytingco!

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco magkakabalikan na nga ba?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jennica Garcia at Alwyn Uytingco magkakabalikan nga ba?
  • Co-parenting relationship ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco magkakabalikan nga ba?

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco magkakabalikanImage from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Matapos ang halos limang buwan ng kumpirmahin ni Jennica Garcia na hiwalay na sila ng asawa na si Alwyn Uytingco, ngayon ay sinasabi ng aktres na may posibilidad na mabuo muli ang kanilang pamilya. Ito ay sinabi ng aktres sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Lhar Santiago sa programang 24Oras sa GMA.

Ayon kay Jennica, ipinagdasal niya sa Panginoon na bumalik sa kanila ang asawa at ama ng dalawa niyang anak na si Mori at Alessi.

Bagama’t hindi niya idinetalye kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa, sabi ni Jennica masaya siya na malaman at makitang tulad niya ay ninanais rin ni Alwyn na buuing muli ang kanilang pamilya.

“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for – Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration.”

Ito ang nasabi ni Jennica sa panayam sa kaniya.

Jennica at Alwyn may maayos na co-parenting relationship sa ngayon

Matatandaang una na rin namang sinabi ni Jennica na kahit sila ay hiwalay na ni Alwyn ay hindi niya ipagdadamot sa aktor ang mga anak nila.

Ito ay matapos makitang magkasama sila ni Alwyn at kanilang mga anak na namamasyal sa Tanay, Rizal noong Hulyo. Ito ay dalawang buwan matapos kumpirmahin ni Jennica na sila ni Alwyn ay hiwalay na at lumipat na sila ng dalawa niyang anak sa bago nilang bahay.

Paliwanag noon ni Jennica, hindi pa sila nagbabalikan ni Alwyn. Pero pareho nilang sinisikap na magkaroon ng maayos at healthy co-parenting relationship para sa kanilang anak.

 “I hope people won’t look at it as a surprise that Alwyn and I are together in one place with our children especially when it wasn’t an intimate gathering with just the four of us there since we are exerting all efforts to make the situation less painful for my children than it already is.”

“Alwyn joining our trip to Tanay is not the first and definitely not the last since his presence is welcome in my children’s life forever. Magkapamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila.”

Ito ang nasabi noon ni Jennica.

BASAHIN:

Jennica Garcia’s open letter: “There is nothing you can do to change your spouse heart.”

Jennica Garcia on trip with Alwyn and kids: “Hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila”

6 co-parenting tips para sa mga mag-ex

Alwyn humingi ng tawad kay Jennica

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco magkakabalikan

Image from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Samantala, sa isa niyang post sa kaniyang Instagram account ay ipinakita ni Alwyn ang pagmamahal niya sa asawang si Jennica. Doon ay humingi rin siya ng tawad sa mga naging pagkukulang niya.

“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.”

Ito ang sabi ni Alwyn. Dagdag pa niya, wala siyang pakealam sa sasabihin ng ibang tao. At ang tanging mahalaga lang sa kaniya ay ang sasabihin ng misis na si Jennica.

“’Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sa ‘yo.”

Sinabi niya ring babangon siya sa naging pagkakamali niya. At muling babalik papunta sa misis niyang si Jennica na mahal na mahal niyang talaga.

“Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sa ‘yo. Mahal na mahal kita,” sabi pa ni Alwyn.

Hiwalayang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

Jennica Garcia on answered prayer: He gave me what I was waiting for—Alwyn to come back for us

Image from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Ang usaping hiwalayan sa pagitan ni Jennica Garcia at Alwyn ay nagsimula noong Pebrero.  Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account.

Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.

Hanggang sa ibinenta na online ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa at lumipat sila sa bagong bahay ng kaniyang mga anak. Subalit nanatiling tahimik ang aktres sa estado ng relasyon nilang mag-asawa.

Kinumpirma niya na hiwalay na sila ni Alwyn nitong Mayo na ginawa niya sa isang virtual interview. Ito rin umano ang dahilan kung bakit siya bumalik sa pag-aartista para matustusan ang pangangailangan ng mga anak niya.

Source:

GMA News

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!