LOOK! Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kasal na!

Congratulations Jennylyn at Dennis!

Ikinasal na ang magkasintahang si Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, silipin ang kanilang simple wedding at alamin ang kanilang love story dito!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Wedding ni Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
  • Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Wedding ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Kamakailan lamang ibinahagi ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na sila’y engaged na at magkakaroon na ng baby. Pero ngayong araw sa isang Facebook post ni Jennylyn Mercado ibinahagi niya na kinasal na sila ni Dennis. Sa kaniyang post na may caption na, “Forever You & Me.” 

jennylyn mercado and dennis trillo wedding

Wedding ni Jennylyn Mercado and Dennis Trillo. | Larawan mula sa Facebook ni Jennylyn Mercado

Isang simple civil wedding lamang ang kasal nang dalawa, makikita na nakasuot si Jennylyn ng white suit na talaga namang simple lamang pero elegant din. Habang ganoon din si Dennis.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engagement

Pinaghandaan daw ng maigi ni Dennis ang ginawa niyang marriage proposal kay Jennylyn. Sa tulong ng event designer at florist na si Gideon Hermosa ay ginawa niyang mas special ang big event na ito sa relasyon nilang dalawa.

Wala umanong kaalam-alam si Jennylyn Mercado na aayain na siya ni Dennis magpakasal sila. Pinagbihis pa umano ni Dennis si Jen para kunwari pupunta sila sa isang shoot.

Naghinala at nagtaka lamang umano si Jen nang may kakaibang nangyayari nang magsalita si Dennis ng seryoso.

jennylyn mercado and dennis trillo wedding

Larawan mula sa Facebook ni Jennylyn Mercado

Habang tinutugtog ang kantang “My Love” ni Paul McCartney ay doon daw biglang naglabasan ang nagliliwanag na mga salitang “Marry Me” sa harap ni Jennylyn. Doon umano naiyak ang aktres na sinundan agad ng paglapit ni Dennis na agad na sinuot ang singsing sa daliri ni Jennylyn.

“Sinuot na niya ‘di pa ‘ko sumasagot. Confident siya. Sabi ko lang, ‘Di mo pa ‘ko tinatanong!’”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Jennylyn sa ginawang panayam sa kanila ni Dennis ng Preview Magazine.

Ayon naman kay Dennis, bagama’t hindi magarbo ang ginawa niyang proposal ay sigurado naman niyang mula sa puso ang lahat ng ginawa at sinabi niya rito.

“Siyempre gusto ko hindi masyado magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin,” sabi ni Dennis.

Panoorin ang kanilang engaged video dito!

Kuwento ng dalawa sa ginawang panayam sa kanila ng showbiz reporter na si Nelson Canlas, naganap ang proposal sa bahay ni Jennylyn.

Pagkukuwento ni Jennylyn ay wala umano siyang ideya sa gagawing proposal ng kaniyang boyfriend na si Dennis.

“Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ’yon, sinabi sa ’kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-shoot daw kami parang future message.”

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo love story

Naging magkasintahan si Dennis at Jennylyn taong 2010 subalit nang sumunod na taon ay naghiwalay rin sila. Taong 2015 naan nang muli silang magkabalikan.

Mula noon ‘di na silang naghiwalay pa at palagi ng pinapakilig ang kanilang mga fans sa kanilang ka-sweetan sa harap at likod man ng camera.

Nakita rin ang kanilang pagiging swak sa isa’t isa sa kanilang mga music covers sa kanilang YouTube channel.

jennylyn mercado and dennis trillo wedding

Larawan mula sa Facebook ni Jennylyn Mercado

Pagbubuntis ni Jennylyn sa kanilang first baby ni Dennis Trillo

Sa kaniyang interview sa Preview magazine, nais sana ni Dennis na out of town mangyari ang kaniyang proposal. Ngunit dahil sa maselan na pagbubuntis ni Jen ay pinili na lamang niyang sa home gym na lang gawin ito.

Sa pag-aanunsyo na rin nila sa 24 Oras, naibahagi ng dalawa na 9 weeks pregnant na si Jen.

Pero ang pagbubuntis umano ni Jennylyn ay maselan dahilan para hindi siya makalabas ng bahay.

Kuwento ni Jennylyn, nagsimula siyang makaramdam ng sintomas ng pagbubuntis habang siya ay nagte-taping ng isang programang ginagawa niya sa GMA dalawang buwan na ang nakakalipas.

Nakaramdam umano siya nang pananakit ng ulo, nausea at acid reflux na madalas na sintomas na nararanasan ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Hiling ng dalawa sana baby girl na ang ipagkaloob sa kanila. Dahil mayroon na silang two boys. Si Jazz na anak ni Jennylyn at Patrick Garcia. Si Calix naman ay  anak Dennis sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar.

Congratulations Jennylyn at Dennis!

Source:

Facebook 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!