LOOK: Jessy Mendiola at Luis Manzano, biniyayaan ng baby girl!

Luis may pabirong hirit na sa mga posibleng manliligaw ng kaniyang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano and Jessy Mendiola ibinahagi ang kanilang naging baby gender reveal. Luis may banat na biro sa kaniyang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Luis Manzano and Jessy Mendiola baby gender reveal party
  • Mensahe ni Vilma Santos sa soon to be parents
  • Jessy Mendiola as soon to be and first time mom

Luis Manzano and Jessy Mendiola baby gender reveal party

Nitong nakaraang Linggo ay marami ang natuwa sa surprise announcement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na sila ay magkakaanak na. Isa na nga rito ay ang 'Star For All Seasons' at ina ni Luis na si Vilma Santos.

Ang saya ng aktres nadagdagan pa ng malaman na ang gender ng magiging apo niya. Makikita ito sa baby gender reveal party na ginawa nina Luis at Jessy na tampok sa kanilang latest vlog.

Kuwento ni Jessy at Luis sa nasabing vlog ay nagkapustahan na sila kung ano ang magiging gender ng kanilang anak. Si Luis Team Girl, habang si Jessy naman ay Team Boy. At nang putukin na ang balloon na may sagot sa kanilang tanong, pink confetti ang lumabas.

Nangangahulugan ito na girl ang magiging baby nila. Si Jessy makikitang sobrang saya at naluluha na malaman ang gender ng baby nila. Habang si Vilma Santos napatalon sa tuwa at napasayaw pa.

Larawan ay screenshot mula sa YouTube vlog ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Super happy namin. I'm sure si Momskie sobrang saya niya kasi girl talaga yung gusto niya.”

Ito ang sabi ni Jessy Mendiola ng malaman na ang gender ng kanilang baby. Dagdag pa niya, hindi mahalaga ang gender basta healthy si baby.

Si Luis may pabirong banat agad sa magiging anak.

“Ang bahay namin, hindi ko lalagyan ng pinto, puro pader lang para walang makadalaw, walang makapasok. Maaarawan siya nang 62 years old!”

Ito ang pabirong sabi ni Luis para maprotektahan umano ang anak sa mga manliligaw.

Pero on a serious note, sabi ni Luis hindi mahalaga ang gender ng kanilang baby. Basta ito ay healthy ay masaya na sila at sisiguraduhin nila na mapapalaki ito ng tama at mabait na bata.

“The priority is Peanut to be healthy regardless of the gender. Mommy and I will do our best to raise you and for you to be a blessing to other people. Ngayon palang Peanut alam mo na, wala munang lalabas,” pabiro pa niyang sabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Vilma Santos sa soon to be parents

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Samantala, si Vilma Santos ay may mensahe ring ibinigay sa soon to be parents. Doon niya binalikan ang matagal niya na daw hinihiling kay Luis.

“Anak, I've been waiting for this for so long, you know that. Even the time when you got married I said sige na anak. Kahit di pa kinakasal sige na anak kahit di pa kasal. Puwede sunod nalang natin, to follow nalang yung kasal. We are not getting any younger.”

Ito daw ang laging hinihirit ni Vilma Santos sa anak niyang si Luis noon na ngayon ay malapit ng maisaktuparan.

May paalala rin ang aktres kay Luis at Jessy na sa pagsisimula na ng pagbuo ng isang pamilya.

“This time it’s not husband and wife anymore. You are going to be mommy and daddy and then you'll be looking forward holistic na 'to, family na ito. I am praying na sana, looking forward for a more meaningful life sa family.”

Ito ang sabi pa ng beteranang aktres sa mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jessy Mendiola as soon to be and first time mom

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Si Jessy, bagamat hindi nanalo sa pustahan sa kung anong gender ng baby niya ay hindi matawaran ang saya. At alam niya daw na tulad niya ay happy rin ang baby niya.

“I'm just really happy and I'm sure she's happy right now kasi nung nag-isscan kami naka-smile na siya agad. I want to thank everyone rin na nandito I am really really happy na nandito kayo ngayon. I am just really so excited.”

Ito ang sabi pa ng soon to be mom.

May maikli rin siyang mensahe para sa soon to be moms na tulad niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa mga mommies, sa mga pregnant women, it’s not about the gender. Basta healthy ang baby, super thankful kami. We have a healthy baby daughter!”

Ito ang sabi pa ni Jessy Mendiola sa kaniyang naging baby gender reveal party.

Nauna ng sinabi ni Jessy na matagal niya ng hinintay na maging isang ina. Sa nauna niyang vlog kung saan ibinahagi niya for the first time ang kaniyang pagbubuntis ay sinabi ni Jessy na hindi siya makapaniwala at super excited sa bagong chapter na ito ng kaniyang buhay.

“Hindi ako makapaniwala na magiging nanay na ako. Medyo mahirap din 'yong transition but at the same time ang dami kong natutunan. Ang dami kong nadi-discover. Excited ako na mayroon na naman akong bagong chapter o journey sa buhay ko na tatahakin with Hawhaw.”

Ito ang masayang sabi pa ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement